Governor Vilma Santos says being a liberated mom helps her to reach out to sons Luis and Ryan

Vilma Santos on parenthood: "Even ang mga magulang should adjust to your children. Para walang generation gap. Kailangan sumunod ka rin sa panahon para hindi kayo nagkakaroon ng gap sa mga anak natin. At kapag gano’n, dumarating ang time na open na rin sila sa ’yo. Because, gaya ko sa mga anak ko, I can be a mother, I can be a friend, I can be a barkada.


Hindi lang sa pagiging artista at public servant kinagigiliwan ng marami si Vilma Santos. Marami rin ang hanga sa kanyang pagiging isang ina sa kanyang dalawang anak na sina Luis at Ryan.

"It’s no joke to be a mother or to be a parent.

"Kasi ako, naniniwala na ang paglaki ng isang bata, talagang nakasalalay sa magulang.

"Sa kanilang formative age, kung kailan nade-develop ang kanilang utak, kailangan naka-alalay talaga ang magulang.

"’Yong responsibilities ng magulang, napaka-crucial sa paglaki ng kanilang anak."

TELLING LUCKY. Bukas na aklat din sa lahat ang failed marriage nila ng first husband niyang si Edu Manzano. Paano niya ipinaliwanag ang naging sitwasyon sa anak nilang si Luis na musmos pa lang noon?

"I think he was four years old that time," banggit ni Vilma sa edad ni Luis nang maghiwalay sila ng kanyang unang asawa.

"Naging honest kami [ni Edu] sa kanya.

"Ang ginawa namin no’ng medyo hindi maganda ’yong... nagkakaproblema kami ni Edu noon, dinala namin siya sa isang lugar.

"Sa sementeryo pa nga para tahimik. And then, doon namin siya kinausap.

"Ewan namin kung naiintindihan niya, or hindi.

"Pero ipinaliwanag namin na we’re having problems. Na baka Mommy and Dad cannot be together.

"Hindi namin alam kung naintindihan niya o hindi. But we were honest to him para sabihin iyon.

"And then, isa siguro sa nakatulong din kay Lucky [palayaw ni Luis] ay ’yong kung ano ang sinasabi namin, iyon ang nakikita niya, e. Kasi hindi kami nagtatago.

"At saka ’yong love from Edu as a father, at ’yong love from me as a mother, palagay ko ay naramdaman naman ng anak ko. Kasi siya ang priority namin.

"Si Lucky kasi, hindi ko masyadong natutukan. Kasi no’ng time na ipinanganak ko siya, ang dami kong problema."

"IPAGPAPALIT KO ANG BUHAY KO..." Ito ’yong panahong dumaan siya sa matinding financial crisis, tapos may problema pa siya sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Frozen ’yong mga assets ko. May mga demanda.

"Pagkapanganak ko kay Lucky, mga two months pa lang siya, trabaho na ako ulit kaagad for me to recover.

"Pero no’ng naka-recover na ako, palagay ko, sobra naman ang tutok ko sa anak ko. Parang bumawi ako.

"Lalo na no’ng nag-mature na ako. Na alam ko ’yong responsibilidad ko sa kanila.

"Ipagpapalit ko ang buhay ko para sa kanila talaga.

"Sobrang tutok ako ngayon kay Lucky at saka kay Ryan. Kaya ang tawag nila sa akin, ’makulit!’" tawa na naman niya.

"Walang dadaan na araw na hindi ko tsini-check kung nasaan sila.

"Alam ko lang kung nasaan sila, okey na ako.

"Hindi ko sinasabing perfect akong nanay. Pero siguro ’yong pagiging liberated kong nanay, nakatulong para mas maging okey ’yong samahan namin ng mga anak ko.

"I am not the type na ’mother knows best’, na ’dapat ganito kasi ako ang nanay mo’. Hindi, e.

"Kinalakihan ko na rin kasi na... even ang mga magulang should adjust to your children. Para walang generation gap.

"Kailangan sumunod ka rin sa panahon para hindi kayo nagkakaroon ng gap sa mga anak natin.

"At kapag gano’n, dumarating ang time na open na rin sila sa ’yo.

"Because, gaya ko sa mga anak ko, I can be a mother, I can be a friend, I can be a barkada.

"Siguro, in a way, naging plus factor ’yong pagiging liberated mom para ang maging tingin nila sa akin is not only a mother but a friend and a barkada also.

"At hindi rin kasi ako pakialamerang nanay.

"Kapag alam kong may issue ang anak ko at malungkot, isa lang ang tatanungin ko, ’Son, are you okay?’

"Kapag sinabi sa akin na, ’I’m okay, mom,’ okey na ako.

"’Just pray anak,’ gano’n na lang ang sinasabi ko. Na, ’Mommy is just here.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo kay Lucky. I don’t ask na, bakit o ano ang nangyari?

"Malaki na si Lucky. Ibinibigay ko na ’yong responsibilidad na iyon sa kanya.

"And nandito lang ako na nakasuporta."

NOTHING TO ASK FOR. Sa estado ni Vilma ngayon, wala na raw siyang mahihiling pang anuman.

"I’m not aiming for more. Right now, I’m living comfortably.

"Marami akong responsibilidad sa buhay—I’m a wife. I’m a mother. I’m also the mother of the province of Batangas.

"I still have my showbiz career kahit third priority na.

"Everything seems to be turning okay, e. Kaya kahit marami [obligasyon], kakayanin mo ’yong trabaho when you’re inspired.

"Napapagod ka pero kapag inspired ka, ’yong pagod mo masaya.

"Gano’n lang ’yon.

"And every time I pray, ’Lord, guide my family, guide my administration in the province because politics is no joke.’

"But to aim for more, hindi na.

"Happy na ako ngayon.

"I’m living comfortably with the responsibilities that I have. So far so good.

"Guidance na lang and prayers," panghuling sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN