Wally Bayola answers the people’s question: Is he gay or not?

Wally Bayola on being mistaken as gay: "Nasanay na ako. Minsan may nagsabi sa akin na, ’Oy, wala kang kasabihan, nahahalata ka talagang hindi ka bading!’ Hindi ko alam kung saan ako na-hurt. Kasi, di ba, ang mga bading, magaling sa kasabihan? Hindi ko alam kung mahihiya ako sa aking sarili na hindi ako bading!"


Very humble sa pagsasabi si Wally Bayola na kung popular man sila ngayon ng ka-tandem niyang si Jose Manalo, ’yon ay dahil sa noontime variety show na Eat Bulaga!.

At kahit na may mga opinyon na ang segment na "Juan For All, All For Juan" ay matatawag na poste ngayon ng naturang TV program, ibinabalik pa rin ng TV host-comedian ang credit sa show, lalong lalo na sa Bossing nila na si Vic Sotto.

"Kasi, let’s say, yung ’One For All, All For One,’ mas nakakatuwa siya, mas maganda siya pag nandoon si Bossing.

"Kasi pag namimigay kami ng premyo na wala si Bossing, yung mga tao, si Bossing pa rin ang hinahanap.

"Mas funny siyempre pag kumpleto.

"Nagkataon lang siguro na kakaiba.

"Pero hanggang ngayon, yung ’Pinoy Henyo’ is okey pa rin, e.

"Sabihin natin na yung ’One For All,’ e Eat Bulaga! ’yon.

"Hindi naman kami gumano’n [sumikat] nang dahil lang sa amin, e. May ibang mga artista din," lahad ni Wally.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa presscon ng bagong TV show nila nina Bossing at Jose sa TV5, ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto, noong October 24 sa Broadway Studio.

Ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto ang papalit sa R U Kidding Me?. Magsisimula ito sa November 5 pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Ano ba ang pakiramdam na kahit saan siya magpunta ngayon ay kilalang-kilala na siya?

"Nakakatuwa. Dati hindi naman gano’n, e," aniya.

IS WALLY GAY? Masasabing well-loved ang character niya, at siya mismo, sa Eat Bulaga. May pressure ba na panatilihin ’yon kahit wala na siya sa harap ng camera?

"Wala naman," sagot niya.

"E, minsan nga, ang hobby ko kasi, e, practical shooting, nagugulat sila na sa Bulaga, magulo ako, bading.

"Pero, pag let’s say may laro ako, lalaking-lalake, kumbaga, hindi sila sanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi sanay ang mga tao na masungit ako.

"Napagkakamalan akong suplado. Lalaki naman po talaga ako," saad ni Wally.

Marami ang hindi nakakaalam na sa totoong buhay ay tunay na lalaki at pamilyadong tao ang TV host-comedian.

Siya ay isang Bicolano at may limang anak.

Paano ba naging "bading" sa showbiz si Wally?

"Ganito kasi ’yon, bago pa ako nag-Eat Bulaga, nag-start na ako sa sing-along bar.

"Bago pa ako nag-sing-along bar, galing na ako ng theater, so most ng ginagawa kong character, bading.

"Hanggang sa pumasok ako sa banda, Mixed Nuts [pangalan ng banda], sa Bicol ’yon, pero tumugtog kami sa Maynila.

"Nagpapatawa kami, tapos nagbabading-bading.

"Tapos yung grupo, tumugtog sa dating Cosmo Bar, na ka-alternate sina Allan K, sina Arnell Ignacio.

"Hanggang si Mamu, si Andrew de Real, siya yung nakakita dun sa grupo.

"Parang siya yung nagwo-workshop, nagbibigay ng mga idea, siya yung naging scriptwriter.

"Sabi niya, ’Ay, nagbabading-bading ka din pala, ba’t di mo gawin yung ginagawa ni Allan?" kuwento ni Wally.

Pero, once and for all, bading ba talaga siya?

"Hindi," sagot niya.

"Parang yung naging galaw ko na lang na-adapt ko na lang sa katagal-tagalan. Siguro sa pagpe-play ng character."

Naniniwala ba siya na nakakahawa ang pagka-bading?

"Naniniwala ako, pero sa akin, hindi pa.

"Ewan ko, siguro pag na-in love na ako sa lalake... ay, totoo nga!" natatawang sagot ng komedyante.

GAY BANTER. Click na click sa mga sumusubaybay ng Eat Bulaga! ang gay banter nila ng co-host niyang si Paolo Ballesteros.

May nararamdaman ba siyang kakaiba kay Paolo, lalo na’t hanggang ngayon ay napagdududahan din ang sexual preference nito?

"Hindi ko alam," sabi niya.

"Alam n’yo, sa totoo, ako pa nga ang napagkakamalang bading!" tumatawang sagot ni Wally.

Hindi ba siya nao-offend na pinagdududahan ang pagkalalaki niya?

"Nasanay na ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan may nagsabi sa akin na, ’Oy, wala kang kasabihan, nahahalata ka talagang hindi ka bading!’

"Hindi ko alam kung saan ako na-hurt.

"Kasi, di ba, ang mga bading, magaling sa kasabihan?

"Hindi ko alam kung mahihiya ako sa aking sarili na hindi ako bading!"

May pagkakataon ba na may lumapit sa kanyang lalake at nagparamdam ito?

"Actually, may mga nangyayari.

"Namimili ako sa Greenhills, may dalawang naka-uniform pa na mga bagets.

"[Yung isa] itinuturo niya yung kasama niyang isa, ’Okey ’to!’

"Alam n’yo yung hindi ko alam kung magagalit ako, kung gusto kong awayin o ano.

"Natatawa na lang ako sa sarili ko. Nasasabi ko na lang, ’Yan, gusto mo yan, di ba?’" kuwento ni Wally.

Mismong si Allan K din daw ay napagkamalan siyang isang bading.

"Si Allan, nung pumunta kami sa ibang bansa, sabi niya, ’Uy, maganda diyan sa club, pambading.’

"Pumunta kami. Akala ko naman magpapasama lang, parang bodyguard.

"Punta ako. Tapos siya, tiningnan [niya ako], sabi niya, ’Wala, lalaki pala talaga to.’

"Kasi, binigyan ako ng album na puro lalaki... anong gagawin ko dito?"

PAOLO BALLESTEROS. Hindi ba sila nagkakapikunan ni Paolo sa biruan nila?

"Hindi naman," sabi niya.

"Kasi binibiro nila ako na bading ako, gumaganti lang ako, e.

"Si Paolo naman, iniisip niya na bading ako, e. Di gano’n din ang iniisip ko sa kanya.

"Alam mo ba minsan, ganyan sa barangay, ako pa ang unang nakakakita ng guwapo.

"Sasabihin ko, ’Pao...Pao... tingnan mo sa taas, may guwapo!’

"Tapos si Pao, ’Hmm... ikaw talaga!’ ’

"’Hindi, parang may crush sa ’yo, e. Ikaw ang tinitingnan.’

"’Talaga?’

"Alam mo ang tawag niya sa akin, ’girl’!" masayang kuwento pa ni Wally.

Pero ano ba talaga ang paniniwala niya kay Paolo?

"Paniniwala ko sa kanya? Ewan ko kung totohanin niya yung sinasabi ko sa kanya, bahala na siya sa buhay niya! Ewan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, sa sarili ko, naggagano’n-gano’n ako, pero hindi naman talaga ako.

"Yung diretso kung ano talaga siya [Paolo]?

"Actually, wala pa naman akong pruweba na gano’n na..." pahayag ni Wally.

Once and for all, ano ba talaga ang "amoy" niya kay Paolo?

"Positive!" ang pabading na sagot ng komedyante.

Pero agad na pahabol ni Wally, "Pero pareho lang kami ng iniisip, e.

"Halimbawa, yung isang model nung produkto namin, e, guwapo siya. Sabi niya, ’Wally, mahilig ka pala sa baril. Sige, firing tayo minsan.’

"Minsan nagte-text sa akin, nakikita ni Paolo yung name... ’Uuuy!’ Tapos kinaumagahan nun, tatanungin ako, ’Lumabas kayo?’ Gano’n!

"Parang ako naman, tinatawanan ko na lang, sinasakyan ko na lang.

"Pero parang tanungin ka ng isang kasama mo ng, ’O, nag-date kayo ni ganyan?’ Parang, ’Huh?’

"Mas ako pa talaga ang napagkakamalan na bading!"

Kinakarir ni Paolo ang pagiging bading, bakit si Wally ay hindi?

"Kasi naman maganda siya.

"Ako, kakaririn ko, sasakit lang ang loob ko!" ang tumatawang pagtatapos ni Wally.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN