Lovi Poe on acting: "It’s the craft talaga that I want to push, not daring lang."

Lovi Poe on doing daring scenes: "I don’t want kasi that people only see that part of me. I think it’s the craft talaga that I want to push, not daring lang."


Para kay Lovi Poe, tapos na ang napabalitang tampuhan nila ng Regal Films producer na si Lily Monteverde.

Ayon sa salaysay ni Lovi, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng pelikulang Aswang, totoong nagtampo siya sa Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily nang humiling itong mag-shoot ng isang sexy scene para sa nasabing horror film. (CLICKE HERE to read related article)

Muling isinalaysay ng aktres, "Medyo nagtampuhan nga kami dahil sa love scene na...Hindi naman kasi kailangan ng loveteam sa isang horror story.

"Ayon, tumawag si Mother Lily, nagpadagdag ng eksena.

"Sabi ko, huwag na. Parang too much na kasi from Temptation Island and My Neighbor’s Wife, lagi akong may ganyang eksena.

"So, sabi ko, too much na at saka horror naman ito.

"’Tapos dumating pa ako doon, hindi ko alam na may love scene. Hindi ako ready. Sinabi lang sa akin noong nandoon na ako sa set."

Hindi naman daw nagtagal ang pagtatampong ito at kinalaunan ay pumayag na rin ang young sexy actress sa hiling ni Mother Lily.

"Mabilis naman ako [kausapin].

"Hindi naman ako ’yong aayaw-ayaw.

"Nagulat lang talaga ako na pagdating ko doon saka na lang nila sinabi sa akin," pahayag ni Lovi.

Nabanggit din niya na nai-dub na nila ang naturang eksena.

DIFFERENT LOVI. Hindi naman daw problema para kay Lovi ang gumawa ng mga sexy scenes.

Kung tutuusin, nagawa na rin niya ito sa dalawang nakaraang pelikula niya sa Regal, ang Temptation Island at My Neighbor’s Wife.

Subalit, ani Lovi, gusto niya rin ipakita sa publiko ang kanyang kakayahan sa pag-arte nang walang halong pagpapaseksi.

"Naiisip ko lang na parang I’ve been doing these scenes too much. Parang nag-start sa Temptation Island, ’tapos My Neighbor’s Wife.

"Siguro, I want them to see a different side of me naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, I enjoy it din naman. I do it for fun din like sa mga photoshoot.

"Pero I don’t want kasi that people only see that part of me.

"I think it’s the craft talaga that I want to push not daring side lang," diin niyang pagtapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN