More celebrities talk about their "scariest experience"

Ghost stories aren’t always the "scariest." For Judy Ann Santos, Paulo Avelino, and Allan K, the scariest stories they related all revolved around car-related accidents.


Ang buwan ng Nobyembre ay ang panahon kung kailan sikat ang mga kuwento ng katatakutan.

Kaya naman inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pinaka-nakakatakot na pangyayari sa buhay ng ilang mga artista.

Pero, hindi ito ang tipikal na ghost stories, dahil ang ikinuwento nila’y mga pangyayaring halos ikamatay nila.

CAR ACCIDENTS. Kung mayroon mang ginagabi sa kalsada, isa na dito ang ating mga paboritong artista.

Kaya naman ang ikinuwento nina Judy Ann Santos, Paulo Avelino, at Allan K ay tungkol sa muntik o halos ikasawi nang pagkakabangga ng kanilang mga sasakyan.

PAULO: "Siguro when I almost hit a car dahil sa antok. I was driving the car, siguro napapikit ako for a few seconds, I can’t really remember, tapos pagdilat ko may big bus coming. So, umabot naman ’yong kabig [ko sa sasakyan].

JUDY ANN: "Nabangga ’yong van ko, first sasakyan ko ’yon, nagsu-shoot ako ng Paano Ang Puso Ko, may umaatras na truck from the side of the road na may nakausling mahabang kahoy na lumusot do’n sa mirror, front mirror, lumusot through and through.

"Buti na lang nakahiga ako, natutulog ako, ang pinakamalala lang na nangyari sa akin is may malaki akong bukol.

"Pero, at least ’yon lang, pero kung titignan mo sa nangyaring ’yon na split seconds puwedeng kung sino na lang ang namatay, buti na lang wala.

"So far ’yon lang naman, and sana walang sumunod."

ALLAN K: "Raketista ako no’ng araw. There was a ten-wheeler truck, ’yong driver ko nag-overtake.

"So, ang overtake niya dito sa kabilang kalye, ’di ba, ’yong Tarlac ano lang ’yan, isang papuntang sasakyan dito, isang papuntang sasakyan do’n, nag-overtake siya, ang in-overtake-an niya mga limang sasakyan ’yon.

"Biglang pagdating do’n sa may ten-wheeler truck, walang sabi-sabi bigla pala siyang liliko do’n sa parang factory do’n somewhere. Muntik na muntik na kami, ga-buhok na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, nakatalikod ako, natutulog ako nagnanakaw ako ng tulog para pagdating do’n may energy ako. Ang tagal-tagal ng ’eeeennnggg!’ sabi ko lang talaga, ’Jesus, Jesus.’ Alam mo ba, ang sabi ng isang manager ko sa may front seat, ’patay na tayo.’

"Imagine mo ten-wheeler na truck tapos CR-V lang kami kung gaano kalaki, nagmukha kaming tungaw!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN