Luis Manzano says his girlfriend Jennylyn Mercado has Gov. Vilma Santos’s vote

Luis Manzano clarifies that the Star for All Seasons is never plastic when giving her opinion about her son’s lovelife. She can only be objective and sincere, and she even enjoys rapport with his girlfriend Jennylyn Mercado.


Lumikha ng kontrobersiya at ingay ang nabitiwang salita ni Gov. Vilma Santos, sa interview sa kanya noong storycon ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema, na di importante kung boto ba siya kay Jennylyn Mercado para sa anak na si Luis Manzano kundi ang mahalaga ay makita niyang masaya ang panganay na anak.

Nabuo kaagad sa isipan ng marami na mukhang di raw ganun kaboto ang actress/politician sa rumored girlfriend ng panganay na anak kumpara daw kung gaano ka-open before si Gov. Vilma nang tanungin ito kung gusto ba niya si Angel Locsin nung karelasyon pa ito ni Luis.

Agad naman naming hiningan ng reaksyon tungkol dito si Luis nang makausap namin siya last Sunday in ASAP Rocks.

"Boto si Mommy kay Jen base sa mga texts messages pa lang niya sa akin about Jennylyn after their interview para sa talk show nila sa kabila.

"Aliw na aliw siya kay Jennylyn, and my Mom is very objective bilang isang ina sa kanyang pahayag, pero I know my Mom is very happy kung anuman ang estado namin ni Jen ngayon.

"She chose to answer in an objective manner lang bilang isang ina. It does not entirely mean na hindi siya boto kay Jennylyn.

"Every time she texts me regarding Jen, papuri ang mga sinasabi ni Mommy.

"Nung nagkasama sila sa Batangas, wala ako dun, pero sinabi nga it was a very, very casual greeting, ang kulit daw nila. Sabi ni Jen, sobrang mahirit ang Mommy, ganundin ang sabi ni Mommy, sobrang galing ni Jen. "

Luis assured us na hindi plastic ang ina sa totoong nararamdaman nito sa isang tao.

"Ang Mommy ko, hindi plastic. Hindi niya sasabihin ng nice things about Jen just to please me, she’s not gonna sugarcoat anything. Yun ang opinion niya pero definitely hindi niya ako paplastikin sa ganung bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mommy kasi hindi sinasabi nang diresto pero mararamdaman mo, she’s not too excited. For example this coming event sa Batangas this November 7, ako ang magho-host along with Ruffa Gutierrez and Billy Crawford, talagang Mommy was insisting, "Please anak, kausapin mo si Jen na mag-judge."

You can feel the sincerity kasi si Mommy ko naman, hindi siya ganun kabrutal pero mararamdaman mo kung ayaw niya sa isang tao. So far so good naman."

Tinanong namin si Luis kung ano kaya ang gagawin niya kung dumating nga ang punto na ayawan ng pamilya niya ang babaeng minamahal niya, kung ipaglalaban ba niya ito and up to what extent?

"Oo naman. Ang importante sa akin, as long as hindi nakakasama sa akin ang relasyon. Kumbaga kung okay naman ang ginagawa ko sa buhay ko, kung nagakataon lang na hindi siya gusto ng pamilya, wala kaming tinatapakang tao, hindi naman siya magiging hadlang, hindi naman nagiging pabigat sa buhay ko, I’m still doing the things I love to do, hindi naman ako nagbabago as a person, ipaglalaban ko.

"Pero kung nakikita ko na nagbabago ang ugali ko, nagiging pasaway ako, siguro there is something wrong.

"Kung hindi naman, wala akong magagawa kundi nila gusto ang isa’t isa pero it’s still not enough for me na bitawan ko ang isang relasyon."

MOM’S NOBLE INTENTION. Naging issue at tumanggap ng iba’t ibang reaksyon ang naging konsepto ni Gov. Vi na gawing mala-Hollywood ang Tagaytay City. Ginawa pa nga itong running joke ng iba na maaring ilagay daw ay I Love You Lucky, Noranians at iba pa. Dinepensa naman agad ni Luis ang ina sa mga batikos na ito.

"Sabi ko nga, nag-post ako sa twitter ko, I would rather have a leader who thinks out of the box than someone who conforms pero kinukuha naman ang pera ng bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga corruption, dapat yun ang pinapakialamanan natin, sa akin gugustuhin ko na ang ganun kaysa sa wala akong nakikitang pagbabago. Nagrereklamo na ba ang Batangas? Nagrereklamo na ba ang Lipa sa mga ginagawa ni Mommy? I highly doubt it.

"I don’t wanna label. Siyempre, as long as di ko naririnig ayokong mag-label ng tao, pero may ibang tao na hypocritical na mga Filipino na kumbaga mas pipiliin pa nila ang lider na nangungurakot, na binibigay ang gusto nila kaysa sa isang tao na may gingaawa. Idea pa lang ang naisip pero grabe mag-react ang iba.

"Di ba nila naiisip kung saan napupunta ang pera ng bayan?

"But I will always stand by that, I will always prefer a leader, whether Mommy ko or hindi, who thinks out of the box para sa ikagaganda ng probinsya, para ma-promote ang tourism. It’s a very, very noble intention."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN