Roxanne Barcelo reaps her rewards of "good health and family and boyfriend na napakabait"

"Siyempre, happy ako na extended ang Amaya so, more work for us. Parang extra soap na naman siya kasi, parang 3-in-1. Wala rin naman silang sinasabi na mawawala yung character ko, sana hindi naman," says Roxanne Barcelo, who plays a slave girl in GMA-7’s epicserye.


Isa sa labis na natuwa na nag-extend nang nag-extend ang epicserye na Amaya ng GMA-7 ay si Roxanne Barcelo.

Siya ang gumaganap sa papel na Kayang, ang alipin ni Marikit (Rochelle Pangilinan). At mula nang mag-umpisa ang Amaya ay nanatili pa rin ang character niya sa maituturing na isa sa longest-running primetime series ngayon ng GMA-7.

Ayon nga kay Roxanne, "Siyempre, happy ako na extended ang Amaya so, more work for us. Parang extra soap na naman siya kasi, parang 3-in-1. Wala rin naman silang sinasabi na mawawala yung character ko, sana hindi naman," natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "In fairness naman, sobrang saya ko at saka, may slight emotional attachment ang mga tao. Ang tagal na rin, at pagkatapos ang sasaya ng mga cast.

"Alam mo yung first time kong maging sobrang barkada ang lahat ng cast, staff. Para nga kaming youth-oriented show. Kahit si Yoyo Awi, si Roy Alvarez, malapit siya sa aming lahat.

"Si Marian (Rivera), sobrang lahat kasundo niya. Okay kaming lahat, as in, barkada, literal."

Simula raw nang magkasama sila ni Marian sa Darna, naging malapit na ang aktres sa kanya. Kaya masaya raw siya kapag nakakasama sa mga series din nito.

"Nakakatuwa nga kasi, parang kahit paano, hindi ako nakakalimutan isingit. Masaya naman ako kasi, sobrang ang bait din ni Direk Mac Alejandre bilang siya ang nag-discover sa akin."

Kinuwento rin ni Roxanne na naging emotional pa nga raw siya nang minsang magka-moment sila ni Direk Mac.

Nagsimula si Roxanne sa dating youth-oriented show na Click.

Ani Roxanne, "Sobrang tuwang-tuwa ako noong one time, nagka-moment kami. Siyempre, nahihiya ako na i-remind siya na Direk, thank you po. Kayo po ang nag-discover sa akin. Kumbaga, siya ang talagang nag-handpick sa akin noong bagets ako.

"And to work with him again now, talagang it’s an honor. Kasi, talagang sobrang big itong project na ito para sa kanya. It happened sa birthday ni Ana Feleo. We’re just eating dinner and he randomly said na parang ’si Roxanne, ako ang nag-discover sa kanya’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tawa kami nang tawa before that pero noong sinabi niya yun, tumulo ang luha ko in a major way. Sobrang touched talaga ako kay Direk at kahit paano, nasama ako sa project na ’to."

On another happy note, three years na raw siyang happy rin pagdating sa kanyang lovelife with her non-showbiz boyfriend.

"Siguro umaapaw lang ang thanksgiving ko today for Amaya, at bago mag-start ang Darna, kami na ng boyfriend ko. Parang ang bait-bait niya. Wala akong masabi."

May plano na sila to settle down?

"Mahirap mag-plan, e. Wala pang major plans."

Wala pa rin naman daw proposal from her boyfriend.

Nakangiting sabi niya, "Kung sakaling magpo-propose, we’ll cross the bridge when we get there."

Twelve years na rin daw siya sa showbiz since she started. Although hindi masasabing na-sustain niya ang bida roles noong nagsisimula pa lamang, kuntento naman daw siya sa kung ano ang meron siya sa kanyang career.

Ayon nga kay Roxanne, "Kuntento naman ako. You always have to find contentment wherever you are. Pero siyempre, you always have to set goals din for yourself.

"At ang pinaka-goal ko ay magkaroon ng magandang-magandang role. Yung buong puso na maibubuhos ko."

Tinanong din namin si Roxanne kung hindi ba siya dumating sa puntong for 12 years, nagtanong din na ano’t kahit mas nauna siya, mas na-push at nabigyan ng chance ang iba?

Pag-amin niya, "Tao lang din naman ako na nagkakaroon din ng mga tanong sa sarili. Bakit ganoon, bakit ganito?

"Pero at the end of the day, nire-remind ko lang din ang sarili ko na lahat ng binibigay sa akin ni Lord are just blessing.

"Additional lang siya sa good health and family and boyfriend na napakabait," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN