Precious Lara Quigaman is hooked on horror films

Precious Lara Quigaman says about acting in indie horror films, "Nag-e-enjoy talaga ko. Siguro rin dahil mas iba ang role na ginagampanan ko palagi kapag indie nga. Iba yung creative nga at saka sa lahat naman ng ginagawa ko, iba yung nag-e-enjoy talaga ko. So, hindi siya ganoon ka-different from mainstream or sa TV."


Bida sa isang indie-horror film si Lara Quigaman, ang Babangluksa na nagkaroon na rin ng premiere night sa SM Megamall noong Friday. Pero ang actual showing ng movie ay sa November 2.

Pang-apat na indie film na raw ni Lara ang Babangluksa at nag-e-enjoy raw kasi siya sa paggawa ng mga indie movies.

Ayon kay Lara, "Nag-e-enjoy talaga ko. Siguro rin dahil mas iba ang role na ginagampanan ko palagi kapag indie nga. Iba yung creative nga at saka sa lahat naman ng ginagawa ko, iba yung nag-e-enjoy talaga ko. So, hindi siya ganoon ka-different from mainstream or sa TV."

Bukod sa Babangluksa, kasama rin si Lara sa Aswang at Enteng ng Ina Mo na pang-MMFF naman. May sinabi na rin daw na bagong seryeng sisimulan niya sa ABS-CBN, na sa isang taon na ang pag-ere at pambata raw.

In real life, mahilig daw talaga siyang manood ng mga horror films. Pag-amin pa ni Lara, nahu-hook daw siya ngayon sa supernatural at nagma-marathon daw siya.

Kuwento pa niya, "Kapag akong mag-isa lang, matapang ako. Pero halimbawa at kasama ko ang mga friends ko, halimbawa tatlo kami, kinakabahan ako lalo na kapag nagtitilian na. Pero kapag ako lang mag-isa, siguro wala akong choice."

E, kapag si Marco Alcaraz ang kasama niya?

Natatawang sabi niya, "Nagduduwag-duwagan pero hindi talaga. Mas duwag pa sa akin yun sa multo. Takot pa yun sa akin."


MARCO’S FIRST TIME IN EUROPE. Kagagaling lang nila ni Marco ng Europe kunsaan sumama rin ito sa kanya nang ikasal ang sister niya.

Ayon kay Lara, "October 1 noong kinasal ang sister ko. Pero September 26 pa lang, nandoon ako para makapagbakasyon din ng konti, para may two weeks din ako. Pero si Marco, one week lang kasi, may show siya, eh. Sabay kaming pumunta tapos, nauna siyang umuwi."

How was their Europe experience?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bitin! Pero sobrang nag-enjoy siya. First time niya rin kasi sa Europe. Ako naman, doon ako nakatira ng five years. So, nai-tour ko rin siya kung saan ang bahay namin do’n. Yung mga kaibigan ko, na-meet niyang lahat.

"So, masaya. Tapos, nag-Paris kami for a day. One day lang. Ganoon ka-hectic yung schedule. Pero alam mo, doon ko rin napatunayan kung gaano kaiba ang ugali nating mga Filipino lalo na sa French. Pero ayokong may masabing hindi maganda. Iba lang siguro ang way nila ro’n.

"Yun lang naman, pero yung Eiffel Tower, yung Louvre, nakakakilig. Nakikita mo lang saTV, di ba? "

Noon pa napabalita na nag-propose or engaged na nga sila ni Marco. Pero, kailan lang nang sabihin ni Lara na October 2012 daw ang magiging kasal nila at ina-eye nila ang bandang South for the location of the wedding.

"Bale may one year pa rin kaming magpi-prepare."

Wala raw problema si Lara pagdating kay Marco at sa pamilya niya dahil love na love raw ng family niya ang boyfriend.

"Nakikita ko kasi sa kanila kung gaano sila ka-kumportable. Yung kapatid ko ngang bunso na lalaki, sabi ng Mama ko, tingnan mo, magkamukha na yung dalawa. Kasi, kung ano ang dinadamit ni Marco, ginagaya ng kapatid ko.

"As in, pareho silang nagpo-pormahan kaya magkasundong-magkasundo talaga sila."

Malaking bagay na okay sa family niya si Marco kaya kay Marco na rin niya gustong makasal?

Mabilis na sagot ni Lara, "Oo, oo naman. Siyempre, number one yun, ’di ba? Mahirap naman kung hindi gusto ng family mo ang mapapangasawa mo."

Tinanong din namin si Lara kung ano ang mga plano na nila for their wedding.

"Yung kapatid ko kasi, sa UK talaga siya, ako yung nag-asikaso. Dito namili ng mga gamit para makamura rin. So, sabi ko, after ng wedding nila, aasikasuhin ko naman yung sa akin. So, ngayon, medyo nagsusulat-sulat na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga ninong at ninang na rin daw silang naiisip.

"Marami na, kaso, hindi pa namin sila nakakausap. Lalapitan muna namin sila. Usually, mga couple na nilu-look-up namin sa church. Sila yung mga gusto namin kuning sponsors."

Pagdating daw sa wedding expenses, hati raw sila ni Marco.

Aniya, "Gusto niya. Pero napaka-ma-pride ko kasing tao. E, ang ending din naman parang sa aming dalawa rin naman."

Umamin si Lara na selosa siya. Paano naman siya magselos?

"Oo, selosa ako. Kasi, parang hindi ka naman normal na babae kung hindi ka nagseselos. Pero ako kasi, kapag nagagalit, tahimik talaga ko. Hindi ako namamansin. Ganoon lang. Konting away lang. Mabilis din naman akong maging okay."

Yung part ng past daw ang ilan sa napagseselosan niya. So, we asked, may taga-showbiz?

Pag-amin naman niya, "Meron konti. Meron din hindi. Pero ako naman, halimbawa work, kahit laplapan pa ’yan, wala akong nararamdamang selos. Wala talaga. Kasi, alam ko na wala namang talaga.

"Pero halimbawa, may history tapos nakita kong nag-text, parang, bakit, anong meron? Pero hanggang ganoon lang naman."

Si Marco ba, seloso?

"Hindi! Gusto ko ngang magselos, pero, hindi naman!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN