Vhong Navarro stars in new sitcom that imparts lessons and family values

Vhong Navarro talks about his new sitcom: "Ito po ay pinag-isipan, pinaghandaang mabuti. Kasi, marami na pong sitcom na palagi na lang pong nagpapatawa, wala pong lesson, values. Wala na tayong natutunan. Kumbaga, dito sa Toda Max, maganda po ang ibinibigay. Para po sa mga bata, pamilya, hindi na lang po puro soap, puro pelikula. Pati po sa sitcom, dapat may matutunan."


Matagal na rin na walang masyadong sitcom na napapanood sa telebisyon lalo na nang mauso ay mga soap opera.

Pero ngayon, nagsisimula itong ibalik muli ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang bagong comedy show, ang Toda Max na mapi-feature sina Vhong Navarro at Robin Padilla. Makakasama rin nila si Pokwang at iba pang komedyante.

Ginanap ang press conference ng naturang show kahapon, October 26, sa 13th Floor ng ELJ Building. Natuwa si Vhong sa magagandang mga salitang binitawan ni Robin patungkol sa kanya. Una pa lang siya nitong nakilala at nakasama.

Ayon nga kay Vhong, "Sa totoo po talaga, isang malaking karangalan sa akin na makasama si Idol sa Puwedeng-Puwede, dahil idol ko po talaga siya sa lahat ng mga bagay. Sa pagpapatawa, sa action, at siyempre, habulin noon... ngayon, hindi na. Nagbagong buhay na," natatawang sabi pa niya.


"At sa pagbabalik po niya sa Kapamilya, ang sinabi po niyang pangalan na gusto niyang makasama ay ako po, kaya maraming salamat po."

Pero ano nga ba ang ma-e-expect ng viewers sa bago nilang sitcom lalo pa nga’t unti-unti pa lang din binubuhay muli ang genre na ito?

"Ito po ay pinag-isipan, pinaghandaang mabuti. Kasi, marami na pong sitcom na palagi na lang pong nagpapatawa, wala pong lesson, values. Wala na tayong natutunan. Kumbaga, dito sa Toda Max, maganda po ang ibinibigay. Para po sa mga bata, pamilya, hindi na lang po puro soap, puro pelikula. Pati po sa sitcom, dapat may matutunan."

Pinaghahandaan na rin daw ni Vhong ang susunod niyang movie dahil aminado siyang medyo nag-concentrate muna siyang talaga sa Showtime.

"Si Tita Malou [Santos], nagpi-present po sila ng bagong project para sa akin at meron din pong project para sa amin ni Idol. Sana po ay maging maganda ang resulta at matuloy po."


Kung Toda Max ang title ng bago nilang sitcom, kapag nagmahal ba siya, ibinibigay niya rin lahat sa babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre po, kapag nagmahal ka, doon sa taong mahal mo lang, doon mo lang ibibigay ang lahat na puwede [para] mapaligaya ang tao."

Pero ano na nga ba ang pinaka todo, and to the max na nagawa niya para sa isang babaeng mahal niya?

Ang sabi ni Vhong, "Pinaka-todo max na ginawa ko ay 100 percent akong nagmahal. Pero ang problema, hindi ako sinuklian ng 100 percent, 20 percent lang. Kaya dapat, kapag nagbigay ka ng todo max na pagmamahal sa isang tao, magtira ka ng kahit paano para sa ’yo, para hindi ka masasaktan."

Seryoso ngang nangyari sa kanya yun?

Biro naman ni Vhong, "Sinulat ko ’yan sa slum book para hindi ko makalimutan."

Hindi naman na sinagot ni Vhong kung recently lang ba ang experience niyang ito or noon pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN