Ruffa Gutierrez refutes Shaina Magdayao’s claim she started texting conversation with John Lloyd Cruz

Ruffa Gutierrez posted this tweet in reference to Shaina Magdayao’s claim about starting a text conversation: "To clear the issue: I never started any texting conversation. I challenge anyone to prove otherwise. That chapter in my life has long been over. I’m very happy with my life and my girls now. I sincerely wish both of them well."


Idinaan ni Ruffa Gutierrez sa social networking site na Twitter ang sagot niya sa pahayag ni Shaina Magdayao na si Ruffa ang nag-text kay John Lloyd Cruz kaya ito sinagot ni Shaina.

Matatandaang sinabi ni Ruffa sa showbiz talk show na Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, October 23, na tinext siya ni Shaina ng "Leave us alone" pagkatapos ng birthday concert ni Vina Morales noong October 18.

Si Vina ay kapatid ni Shaina, at matalik na kaibigan naman ni Ruffa.

Sinabi rin ni Ruffa na nag-apologize sa kanya si John Lloyd dahil sa nangyari. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa interview ni Shaina, kasama si John Lloyd Cruz, kay Boy Abunda para sa The Buzz—na ipinalabas sa TV Patrol at Bandila kagabi, October 26—ay sinabi niyang sinagot niya lang ang text ni Ruffa nang mag-text ito kay John Lloyd. (CLICK HERE to read related story.)

"I told her to leave us alone, gaya ng gusto kong sabihin sa kanya," sabi ni Shaina patungkol kay Ruffa.

Dagdag pa niya, "Ako kasi yung tipo ng tao na sasarilinin ko muna, hindi ko muna sasabihin hangga’t kaya ko pa but lately, di ko na kinaya [ang problema]."

Sa Twitter account naman ni Ruffa ay nag-post siya ng mensahe kaninang umaga, October 27, na tila sagot sa tinuran ni Shaina.

"To clear the issue: I never started any texting conversation. I challenge anyone to prove otherwise. That chapter in my life has long been over. I’m very happy with my life and my girls now. I sincerely wish both of them well," saad ni Ruffa.

May isa pang nakakaintrigang tweet si Ruffa na bagamat hindi siya nagbanggit ng pangalan ay tila patama kay Shaina o kay John Lloyd:

"I warned you not to test my patience and I warned you not to lie. You just did."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palitan na ito ng mga pahayag nina Shaina at Ruffa, mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng isyung ito.

Pero inamin ni John Lloyd na on the rocks ang relasyon nila ni Shaina, bagamat may report na break na talaga sila. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN