Albie Casiño on Andi Eigenmann’s claims that he is the father of her baby: "Ako, I’d rather be quiet and not say anything."

November 22 na raw ang due date ni Andi Eigenmann. Tinanong namin si Albie Casiño, ang sinasabing ama ng bata, kung ano ang nararamdaman niya at mukhang inaako na raw ni Jake Ejercito ang responsibilidad na dapat ay sa kanya.

"I don’t wanna say anything. I really don’t wanna say anything against them, I’d just rather not talk to them, honestly," Albie says. "Regarding Jake, that’s good for him. Congrats


Sa pagkakaturo kay Albie Casiño bilang ama raw sa pinagbubuntis ng young actress na si Andi Eigenmann, naparatangan ang young actor na walang paninindigan, at tumatakbo sa responsiblidad.

Lumabas na si Andi sa telebisyon at nagbukas ng kanyang saloobin sa publiko kahit pa nga di niya deretsahang inaamin ang tungkol sa ama ng kanyang dinadala, si Albie naman ay nanatiling tikom ang bibig sa nasabing issue.

Pero sa nakaraang presscon ng pelikulang Aswang ng Regal Films, nagbigay pahayag na si Albie tungkol sa napakalaking kontrobersiya na kinasasangkutan.

Agad tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakapag-usap na ba sila ng ex-girlfriend niya at kung puwede ba na siya na lang ang magbukas ng komunikasyon para mapag-usapan na ang dapat pag-usapan.

"Not yet. I don’t want anything from them. If they want anything from me, sila ang pumunta sa akin. Possibilities, I will initiate the talk, I don’t know honestly."



Marami ang nagtataka kung bakit pinili ni Albie ang manahimik at di idenepensa ang sarili, tuloy ay naparatangan siya ng kung anu-anong mga masasakit na mga salita.

"Ako, I’d rather be quiet and not say anything about that. Of course, I think it’s unfair, pero nothing’s fair.

"Ako kasi I don’t really want to defend myself. I’m really a positive person pero yung malinis yung pangalan ko, I think malabo yun. The press can make it look like what they want it to look like.

"Not everyone’s gonna agree that I’m a nice guy but I really don’t care if people don’t think I’m a nice guy because I know I think I am. My friends know I am, di ba? And that’s enough for me."

Hiningan din namin ng reaksyon si Albie sa mga nabatiwang salita sa kanya na mga magulang ni Andi na sila Jaclyn Jose at Mark Gil. May sama ba siya ng loob sa mga ito partikular na kay Andi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know what they said, I really don’t read issues about myself. My friends would say, ’Oy, nagsalita si ano,’ ang sagot ko lang, ’Talaga?’"

"Galit? Wala naman, wala e. Hindi ako nagha-harbor ng galit."

Kung mapatunayan niyang siya talaga ang ama, haharapin ba niya ang nasabing responsiblidad?

"I’d like to think so, but I can’t answer that question. Some people around will have to answer that question. I can say na ’Oo, ganun akong tao,’ but I’d rather let my brothers, my parents [answer] you."

Isa sa lumabas na issue dati ay gusto raw ipa-DNA test ng pamilya ni Albie ang bata pagkapanganak dito. Bagay na inoohan naman ni Albie.

"I think that was from the start pa ’yan, pero sige di ba? But I really don’t think about it honestly."



November 22 na raw ang due date ni Andi. Tinanong namin si Albie kung ano ang nararamdaman niya at sa obserbasyon ng iba na mukhang inaako raw ni Jake Ejercito ang responsibilidad daw na dapat ay sa kanya.

"I don’t wanna say anything. I really don’t wanna say anything against them, I’d just rather not talk to them, honestly.

"Regarding Jake, that’s good for him. Congrats to you, man."

Lessons he learned?

"Choose wisely."

Isa si Albie sa pinu-push ng ABS-CBN nang lumabas ang kontrobesiya na ito. Di siya natuloy na maging parte sana ng pelikulang Way Back Home, at sa youth-oriented show na Growing Up. Marami ang nagsasabi na nakaapekto raw ng malaki ang nangyari sa career ni Albie.

"Actually after Mara Clara I was still visible. I did MMK, I guested in 100 Days, I guested in Wansapanataym and then I have this movie.

"Supposed to be, dapat magge-guest ako sa I Dare You, I don’t know what happened. I can say na dire-diretso naman ang ibinibigay sa akin ng ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi sa akin ng ABS, may mga projects naman daw sila for me, na wag daw akong mag-alala. Ako naman I just trust them. Dumaan yun sa isip ko pero I don’t really care about it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN