Claudine Barretto’s disappearing bank account still a mystery

Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung naayos na ni Claudine Barretto ang nangyaring aberya sa kanya habang nagwi-withdraw siya sa isang bangko sa Quezon Avenue, Quezon City, noong Martes, October 25.



Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung naayos na ni Claudine Barretto ang nangyaring aberya sa kanya habang nagwi-withdraw siya sa isang bangko sa Quezon Avenue, Quezon City, noong Martes, October 25.

Wala pa ring linaw kung nabawi na ba niya ang diumano’y biglang nawalang perang wini-withdraw niya mula sa joint account nila ng asawang si Raymart Santiago.

Wala pang bagong statement na inilalabas ang kampo ni Claudine kahit na sinubukan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makipag-coordinate sa abugado nitong si Atty. Agnes Maranan at manager na si Shirley Kuan.

Maging si Raymart ay hindi rin nagsasalita tungkol sa isyu.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras na napanood noong October 25, sinubukan ng GMA News reporter na tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n’yo na lang yung lawyer ko, please."

Ngunit nitong gabi lang, October 27, sa showbiz talk show ng GMA News TV Channel 11, ang Showbiz Exclusives, ay napanood ang maikling interview kay Claudine noong araw ng insidente habang nilalahad ang nangyari.

Ayon kay Claudine, nakausap pa mismo niya ang branch manager na siyang pipirma ng kanyang application.

Ngunit makalipas lang ang limang minuto nawala na raw ang pera sa kanilang account.

"Yung pera ko nawawala, hindi binibigay. In a span of what, five minutes na nandun, biglang nawala. Ayaw ibigay ng branch manager nila," emosyonal na sabi ni Claudine.

Rebelasyon pa ni Claudine, pagkatapos sumulpot ang aberya ay ayaw na raw siyang harapin ng manager at nagtago pa ito.

"Nagtatago... hinanap ko, biglang nagtago sa loob ng CR [comfort room]."

Sa unang pagkakataon din ay ipinalabas ng Showbiz Exclusives ang dagdag na paliwanag ni Atty. Maranan tungkol sa nangyari.

"We were told, kailangan ang branch manager ang pumirma ng application for a manager’s check.

"When she looked at the application for a manager’s check, she told us that wala na raw yung pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There was a transaction at 12:42 [p.m.], which moved the fund. But I was not told kung saan na-move yung fund."

Matatandaang inabutan ni Nelson na galit na galit si Claudine sa loob ng bangko. Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty Maranan.

Kuwento nila, bandang alas dose ng tanghali raw nang dumating sila sa bangko para mag-withdraw.

Nakumpirma raw nila kung magkano ang laman ng account.

Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.

Hanggang sa sabihan na lang daw silang wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.

Kinumpirma rin ng abugado ni Claudine na na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

Ayon nga kay Atty. Maranan, "Draw your own conclusions, pero the timing no... It was withdrawn at the time we were here, [when we were] asking to withdraw it.

"We were here for more than 30 minutes. I was able to confirm from the teller that the funds were still there. And then suddenly, about 40 minutes or 30 minutes later, wala na yung funds."

Ayaw namang magkomento ng bank manager nang hingan ng panig tungkol sa nangyari.

"Hindi po ako makakapag-comment," sabi lang ng manager.

Ang huling balita, pinag-aaralan pa raw ng kampo ni Claudine ang naturang insidente at kung magsasampa ng kaukulang kaso laban sa nasabing bangko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN