Roxanne Guinoo returns to showbiz

Kaka-turn one-year old lang ng anak ni Roxanne Guinoo na si Reine noong nakaraang September at nagpaalam naman siya sa kanyang mister na si Elton Yap kung okey bang mag-showbiz siya ulit.

"Nami-miss ko na kasi ang mag-taping at mag-shooting. Since pumasok ako ng showbiz noong 2004, hindi ako natigil sa pagtrabaho. Noong mabuntis at mag-asawa lang ako talaga tumigil," she says.



Nagbabalik sa pagiging active sa showbiz ang nag-asawa nang si Roxanne Guinoo. Si Manny Valera ang bagong manager niya at excited ito sa mga trabahong naka-lineup para sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Kaka-turn one-year old lang ng anak ni Roxanne na si Reine noong nakaraang September at nagpaalam naman siya sa kanyang mister na si Elton Yap kung okey bang mag-showbiz siya ulit.

"Nami-miss ko na kasi ang mag-taping at mag-shooting. Since pumasok ako ng showbiz noong 2004, hindi ako natigil sa pagtrabaho. Noong mabuntis at mag-asawa lang ako talaga tumigil.

"Siyempre, nanibago ako. Kung noon hindi ako napipirmi sa bahay dahil sa magkakasunod na trabaho, noong mabuntis at mag-asawa ako, biglang iyon na lang ang naging mundo mo.

"Wala namang regrets because noong mabuntis naman ako, handa na ako sa panibagong buhay na papasukin ko. Wala akong pagsisisi kasi nabigyan naman ako ng baby.

"Makita ko lang na ngumingiti siya, I know that I made the right choice," sabi ni Roxanne sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cafe Via Mare on Tomas Morato, Quezon City last October 26.

Pinayagan naman daw siya ng mister niyang balikan ang trabaho sa showbiz. Paalala lang ng kanyang mister na huwag pabayaan ang kanilang baby.

"Priority ko pa rin naman ang pamilya ko. Noong pumayag si Elton, natuwa naman ako kasi alam niyang mahal ko ang work ko sa showbiz. Nakilala naman niya ako, artista na ako.

"Wala raw problema sa kanya basta huwag ko lang daw masyadong ipaubaya ang anak namin sa yaya nito. Mas gusto kasi niyang hands-on ako sa baby namin. Yun din naman ang ginagawa ko ever since na naipanganak ko si Reine," sabi ni Roxanne.

FREELANCE. Freelance si Roxanne dahil matagal nang nag-expire ang kontrata niya sa Star Magic ng ABS-CBN 2. Gusto niyang magtrabaho sa iba’t ibang TV stations naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Uso naman ’yan ngayon, ’di ba? May mga Kapamilya stars na nasa GMA-7 at TV5. May Kapuso na nandoon din sa dalawang stations. So kahit saan basta may trabaho tayong gagawin.

"Okey lang na gumawa ako sa Kapuso kasi hindi pa naman ako nakakapag-work sa kanila. Sa TV5, doon ang last TV show ko bago ako mag-asawa. Nasa sitcom ako na Everybody Hapi.

"Pero gusto ko pa rin na magtrabaho sa ABS-CBN 2. Doon ako nagsimula at welcome pa rin naman ako ng mga tao roon. Wala naman akong nakasamaan ng loob doon. Sila nagbigay ng break sa akin by giving me good projects like Natutulog Ba Ang Diyos, Ligaw Na Bulaklak and Florinda.

"Pero depende yan sa mga makakausap ng manager ko. Alam ko na si Tito Manny ang pipili ng magandang trabaho for me," diin niya.

Mabilis na pumayat si Roxanne after nitong manganak. Nakatulong daw sa kanyang pag-slim down ang pagpapa-breastfeed. Nagkuwento siya na naging delikado rin ang pagbubuntis niya.

DIFFICULT PREGNANCY. "Hindi rin naman ako gaano lumaki noong magbuntis ako. Maselan ako sa pagkain kaya hindi ako nag-gain ng sobrang weight. Minanas na lang ako noong malapit na akong manganak.

"Kasi nga from four months na pregnancy ko, bed rest na ako. Hindi ako nakakatayo masyado sa kama kasi parang ang feeling ko makukunan ako. Delikado yung pagbubuntis ko. Kaya sinabi ng doctor ko na huwag akong masyadong magkikilos para maayos ang pagbuntis ko.

"If I want to have this baby, kailangan akong sumunod sa mga sinasabi niya. Kaya noong buntis ako, hindi ako nakakalabas or nakakapasyal dahil iniingatan naming mag-asawa yung baby. Puwede akong tumayo at maglakad ng konti, pero kailangan balik sa higaan.

"Kaya ang sungit ko noong buntis ako. Hindi ko naman namamalayan iyon. Si Elton lang ang nagsasabi na sobrang sungit ko raw. Tapos masyado akong sensitive. Ayoko noong kinakausap or kinukulit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat sa Diyos at nabuo ko yung nine months. Matagal akong nag-labor din. Pinasok ako sa hospital ng 8 p.m., kinabukasan na ako ng 10 a.m. nakapanganak."

Naiyak raw si Roxanne noong makita niya ang kanyang baby. Iba raw ang feeling lalo na noong tinitigan niya ito.

"Wala akong mahanap na word to describe how I felt noong mga moments na iyon. Talagang tinitigan ko ang baby ko at umiiyak ako.

"Worth it ang mga naging sakripisyo ko. Ang ganda ng baby ko at promise ko sa mister ko na aalagaan ko siya nang husto. Iyon na ang pinakamasayang araw ng buhay ko," ngiti niya.

EX-BOYFRIENDS. Sa pagbabalik ni Roxanne sa showbiz, hindi maiwasan na matanong sa kanya ang mga naging ex-boyfriends niya tulad nila Joross Gamboa at Jake Cuenca.

Sabi ni Roxanne na matagal na raw niyang hindi nakikita or nakakausap ang dalawa. Dahil may asawa na siya, mas mabuti na yung iwasan na lang niyang makatrabaho ang dalawa.

"Desisyon ko naman iyon, e. Para kasi sa akin, kapag tapos ka na sa isang relasyon, you move on. You can be friends naman, pero tama lang na wala na kayong communication.

"Iba na kasi ang buhay namin ngayon. Married woman na ako at ayokong ma-offend ang mister ko kapag nakipagtrabaho pa ako sa kanila," diin niya.

Unang na-link si Roxanne kay Joross Gamboa noong pareho pa silang contestants sa Star Circle Quest. Nabuo ang fans nila na JoRox.

"Si Joross, huli ko siyang nakita ay noong mag-guest siya sa Everybody Hapi," pag-alala pa ni Roxanne.

"Makulit pa rin siya. Happy naman ako at busy pa rin siya. I heard na magaganda ang projects niya sa TV5. Good for him kasi masipag na tao naman si Joross talaga."

Sunod na na-link si Roxanne kay Jake Cuenca. Naghiwalay sila dahil nabalitang nagkakasakitan sila physically ni Jake. Dedma na lang si Roxanne sa mga nakakarating sa kanyang mga tsismis about Jake, lalo na ang tungkol sa kasabayan niya sa SCQ na si Melissa Ricks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jake, matagal ko na rin siyang hindi nakikita. May nagpaparating ng mga balita sa akin about him, pero dedma na lang ako.

"Ako nga ang tinatanong tungkol sa kanila ni Melissa. Wala na akong pakialam sa kanila. Hindi naman din ako naging close kay Melissa.

"Regarding sa mga issues ni Jake, siya na lang ang tanungin n’yo. Mas mainam yung manggaling sa kanya ang mga sagot at hindi sa akin.

"Matagal na kaming tapos ni Jake at buhay na niya iyon kaya siya na lang ang sumagot," pagtatapos pa ni Roxanne Guinoo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN