Rayver Cruz says there’s no competition between him and girlfriend Cristine Reyes

"Happy ako para kay Cristine [Reyes]. Wala akong masabi, natutuwa ako kaya sana wag na lang bigyan ng intriga," says Rayver Cruz when asked if he feels insecure about his girlfriend’s successful career.


Ang relasyong Cristine Reyes-Rayver Cruz ay tinanggap at sinuportahan na ng publiko.

Patunay nito ang mataas na ratings ng Reputasyon kung saan sila ang magkapareha at ang box office success din ng No Other Woman na kahit sila Anne Curtis at Derek Ramsay ang kasama ni Cristine ay nagpapakita lang daw na walang negatibong epekto ang pag-amin nila ni Rayver ng kanilang relasyon.

The year 2011 may be Cristine’s year kung ang pagbabasehan ay ang magagandang nangyayari hindi lang sa kanyang love life, kundi pati na rin sa kanyang showbiz career.

May ilan tuloy ang nagtataka na sa ganitong sitwasyon na mas angat ang career ng isang babae kaysa sa kanyang karelasyon, hindi raw kaya maging insecure ang lalake lalo’t sa kaso nila Cristine at Rayver?


When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Rayver in ASAP Rocks last Sunday, he assured us na kahit kailan ay hindi niya nakitang kakumpetensiya ang girlfriend niya at masaya siya sa magagandang nangyayari sa career nito.


"Hindi naman, di sana hindi ako natuwa para sa kanya. Sana sinabi ko sa kanya na sana hindi kumita ang movie niya di ba? Hindi ako ganun, never. Para naman akong timang kung makikipagkompetensiya ako sa girlfriend ko.

"Alam ko naman na nung naging kami ni Cristine Reyes, very proud ako na naging kami dahil nga parang isang panaginip lang pero nagkatotoo.


"Sa akin, happy ako para kay Cristine. Wala akong masabi, natutuwa ako kaya sana wag na lang bigyan ng intriga. Ngayon lang siya nagkaroon ng pelikula na pumatok talaga tapos lalagyan pa natin ng intriga. Wag naman, hayaan na lang natin na maging successful yung tao."

Ayon kay Rayver mas excited pa nga siya kaysa kay Cristine sa success ng No Other Woman na aakalain mo na parte siya ng nasabing pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang natutuwa ako para kay Cristine. Totoo yun, ako pa yung mas excited na akala mo pelikula ko. Ako pa ang mas natuwa para sa kanya kasi bihira talaga na mangyari yun na brineak nila yung lahat ng records.

"Wala pang nakakagawa nun. Para ma-achieve mo yung ganun, hindi basta-basta yun. I’m so proud of her, deserving talaga siya kasi ang galing-galing niya. Napakagaling ng performance niya dun.

"Twice ko nga pinanood yung movie. Ang galing talaga, perfect story."

CELEBRATE IN THE U.S.A. Sa recent interviews ni Cristine ay nabanggit nito na sa States nila ise-celebrate ni Rayver ang Valentine’s Day at ang birthday niya.

Marami tuloy ang nagsasabi na baka mauwi sa kasalan ang lahat, lalo’t kilala ang Las Vegas na madalas na pinagdarausan ng mga biglaang kasal.

"Nagpa-interview kami na tuwang-tuwa kami kasi nabigyan kami ng 10 years multiple-entry visa. Sabi ko nga eto na, talagang next year dun kami magse-celebrate after our work.

"Marami kaming gustong gawin. Actually plano naming mag-abroad talaga paunti-unti. Di ba nag-Bangkok na kami? Ngayon, U.S. naman. Di ko alam kung may mga kasama kami pero puwede para mas masaya. Basta final na yun, gusto naming mag-States.

"Kasal? May ganun? Never naming naisip yun. Siyempre kung magpapakasal kami, kaysa dun sa biglaan, siyempre mas maganda kasama yung family at mga mahal namin sa buhay."

Sa sinabi ni Cristine na 5 to 7 years pa bago siya mag-asawa, aprubado naman ito kay Rayver.

"Alam naman nating lahat na mahirap magsalita ng tapos pero kung ako ang tatanungin siyempre gusto ko na siya. Nasa kanya na ang lahat, sobrang maalaga, sobrang supportive and nandiyan talaga lagi para sa iyo. Tapos magaling pang magluto."

Sa magagandang nangyayari ngayon sa career ni Cristine, sa obserbasyon ng iba ay mukhang lucky charm daw nito ang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana nga pero feeling ko talaga it’s her year. Tuloy-tuloy na ’yan, sabi ko nga after nito marami pang parating na mas magagandang mga projects."

May katotohanan naman ang sinabing ito ni Rayver dahil kumpirmado na extended till January next year ang Reputasyon due to insistent public demand.

"Happy kami na extended. Alam naman namin na marami talagang sumusuporta at sumusubaybay dito. May mga bagong characters na papasok pa at saka may mga twists na kahit na kami inaabangan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN