Albert Martinez reminisces on being called "the most boring actor"; wants to help wife Liezl move on from cancer

Hindi raw nais ni Albert Martinez iwanan ang showbiz.

"Ito yung trabaho na walang retirement. Kasi, once an actor, you’ll always be an actor. I’ll be honest, kung hindi na ako puwedeng umarte, sana naman po hindi mangyari sa akin, siguro I’ll be the saddest person."


Kahapon, October 27, ay nag-host si Albert Martinez ng 30/50 party sa The Establishment, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang 30/50 ay celebration ng 30 years ni Albert sa showbiz, at 50th birthday niya. Noong April 22 pa nag-turn 50 years old si Albert, pero kasama na rin ito sa celebration dahil nga ang biro ay hindi mukhang 50 si Albert. Mukha siyang 30 years old lamang, na kasing tagal na rin ng career niya sa pelikula at telebisyon.

Present sa party ang ilan sa mga kaibigan ni Albert mula sa business at showbiz, tulad nila Yayo Aguila, Melissa Ricks, Jay Manalo, Aldred Gatchalian, at Zaijian Jaranilla.

Present din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Dumalo rin ang tatlong anak ni Albert na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa. Wala sa party si Liezl Martinez, na hanggang sa ngayon ay nilalabanan pa rin ang sakit na cancer.

Bago pa man nagsimula ang party ay nagbigay na ng panayam si Albert. Dito ay inalala niya ang pagsisimula niya sa showbiz, at ipinaliwanag niya kung ano ang sa tingin niya ang kanyang legacy.

Noong 1981 nagsimula ang career ni Albert sa showbiz sa pelikulang Bakit Ba Ganyan, ayon sa Wikipedia. Ilan pa sa mga naging pelikula niya ay ang Blue Jeans, Mother Dear, Teenage Marriage, Dyesebel, Scorpio Nights 2, at Magnifico. Nakapag-direk na rin siya ng pelikula: ang Rosario na ipinalabas noong isang taon.

Maganda rin ang career ni Albert sa telebisyon. Ngayon ay kasama siya sa cast ng hit primetime series na Nasaan Ka Elisa? ng ABS-CBN.

Saad ni Albert, nararamdaman niya raw na masaya ang buhay niya sa ngayon.

"Actually, to be honest with you, I’m so happy. I will not exchange it for any other life. Kasi with this life, I’ve got my family, I’ve got my wife, I’ve got my career. It’s not like milk and honey all the way, but the slow process of going there, sa akin, very fulfilling as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I look back, yung struggle ko was good, because I’ve learned to be a better person, I’ve learned to appreciate small things, I’ve learned to be me as simple as I am. [I kept my head] on my shoulders."

Ang tanging nais niya raw sa ngayon ay ang makitang nasa mabuting kalagayan na ang kanyang mga anak.

"Honestly, ngayon, ang ano ko na lang, ang biggest hurdle ko, matawid ko yung tatlo kong anak, e. After that, kami ni Liezl, we’re done," sabi niya.

Dalawa pa sa anak ni Albert ang nag-aaral ng kolehiyo: si Alfonso ay kumukuha ng computer graphics, at kukuha naman ng fashion design si Alissa.

Samantala, isa naman daw "fashion journalist" ang kanyang panganay na si Alyanna.

"She writes about fashion in magazines. She wants to take up fashion merchandising in the UK. Kasi my daughter is very independent, ayaw niyang umasa sa akin. So she needs to accumulate enough money para mapaaral niya yung sarili niya. I’m very proud of her."

LIEZL’S HEALTH. Kahit hindi nais ni Albert na pag-usapan nang masinsinan ang kalagayan ng asawa niyang si Liezl, ay hindi pa rin maiiwasang itanong ito ng press.

Kumusta na nga ba si Liezl?

"With all the prayers from friends and people concerned, Liezl is doing very well," ang maikli niyang sagot.

Sa ngayon daw ay nais na niyang mag-move on mula sa hamong ito.

"Siguro, [ito] ang pinakamatinding mangyayari kahit kanino. It’s devastating, it ruins the master plan, kung ano man yung master plan. Everything changed. But I need to move on, I need to continue. Liezl and I agreed that we have to move on with life and continue with life, because if we stop, then the more we will be depressed," paliwanag niya.

BORING ACTOR. Ayon kay Albert, bago ang sakit ni Liezl ay binansagan umano siyang "most boring actor" ng entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Well, until what happened to my wife. Right now, they want to talk to me, but it’s something negative na, I’d really not..."

Kaya raw siya "most boring actor" ay dahil maingat siyang hindi mahaluan ng kontrobersiya ang kanyang career.

"Kaya hindi ako favored ng movie press masyado. Walang nangyayari sa akin na... Walang issue from start to finish. Ang pinaka-issue ko lang talaga yung family. Hindi ko na sasabihin kung ano yun."

Pagpapatuloy niya, "I don’t know if you remember in the ’90s, noong nagpe-presscon tayo: so Albert, anong nangyayari sa iyo? So nakaupo lang ako sa presscon, wala akong masabi. Walang kabuhay-buhay raw."

Hindi ba siya nag-aalala sa bansag na ito?

"No!" ang mabilis niyang sagot. " I’m here not to be a celebrity, I’m here to be an actor. That’s my position, so I don’t want to be known and to be remembered as a controversial celebrity. I want to be remembered for my body of work."

Mas pinahahalagaan daw kasi ni Albert ang privacy kaysa ang kasikatan.

"Our friends from the press, they know for a fact that they don’t see me in a showbiz gathering. Seldom. Palaging wala ako dun. Because I want to maintain a very private lifestyle.

"Kung puwede lang, pagkatapos ng pelikula, wala na ako, tago na ako, I’ll enjoy that more than being out there, pero wala ka namang pelikulang ginagawa. So mas na-enjoy ko yun kasi nagkaroon ako ng privacy. Walang may interes na kausapin ako.

"Mas na-e-enjoy ko ito, e. Because I have two lives. I have my actor life, and I have my business life. Kung minsan nga, when I conduct business, nakakalimutan kong artista ako, e. Pag may nagsabi lang na, pa-picture nga, dun ko lang naaalala. Kasi pag lumabas na ako, nakalimutan ko na siya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING LEGACY. Gayunpaman, alam ni Albert na nirerespeto siya sa kanyang mga nagawa sa industry.

"What I know, I’ve been hearing a lot from my peers that I have inspired them to be professional about their work, and to strive to be the best, and to be as professional as possible. So I believe, hopefully, na na-inspire ko sila to treat this business as a business, and not to treat this as laro, or not treat to treat this as not seriously."

Alam niya rin na malayo-layo na rin ang kanyang narating, at nagampanan na niya halos lahat ng role sa pelikula.

"Gumawa na ako ng rapist, gumawa na ako ng banda, gumawa na ako ng doktor, gumawa na ako ng pari, gumawa na ako ng bading, gumawa na ako ng national hero. Kulang na lang sa akin, gumawa ng presidente. Yun ang wala pa, yun ang dream."

Sinu-sinong mga presidente ang nais niyang gampanan?

Sagot niya, "There are three presidents that I find interesting. Magsaysay, Manuel Quezon, and of course, Ferdinand Marcos. Yun ang sa akin, very interesting na presidente natin. Di ba? Kung sa role mo lang gagawin, masarap siyang gawin, masarap i-challenge yung sarili mo."

Bukod sa dream role na ito, may isa pang nais gawin si Albert.

"You know what? Honestly, I am now ready to direct myself. After doing Rosario, I believe I am ready now to direct. Kasi nung sa Rosario, hindi ko kayang i-direct yung sarili ko. Naka-focus ako dun sa project itself. But now? Given the right people to work with me? I am confident that I can work behind and in front of the camera."

KEEPING HEALTHY. Kung siya ang papipiliin, hindi raw nais ni Albert na magretiro sa showbiz.

"Ito yung trabaho na walang retirement. Kasi, once an actor, always an actor. I’ll be honest, kung hindi na ako puwedeng umarte, sana naman po hindi mangyari sa akin, siguro I’ll be the saddest person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay ginagawa niya ang lahat para maging masigla ang pangangatawan.

"It’s the lifestyle. Everything in moderation. I don’t smoke. I drink occasionally, in moderation. I smoke only for a character, a role. But in my personal, ano... I eat greens, I don’t eat red meat. I’m very careful with my cholestorel, my uric acid, and I...

"Tapos ngayon pa, nag-stop na ako mag-gym. Ngayon naman, cardiovascular. Nagba-bike ako three times a week, 20 minutes in the morning. Three times a week. So, na-maintain ko yung body weight ko."

Responsibilidad niya raw kasi sa audience ang pagiging healthy.

"So, kumbaga, it’s part of the package," aniya.

CURRENT PROJECT. Bukod sa Nasaan Ka Elisa? ay may ginagawa ring pelikula si Albert. Ito ang You Light Up My Life, na launching movie ng Star Power winner na si Angeline Quinto at ni Coco Martin.

"Right now I am doing a film with Coco Martin. You Light Up My Life. Hopefully we’re done by December, pahinga muna ako. And then next year na."

Nagbigay si Albert ng maikling synopsis.

"It is a romantic drama. I play a mysterious character, and the conflict is between me and Coco’s character. Papaano matse-change yung buhay niya by knowing a deep secret," saad niya.

Okay bang katrabaho ang baguhang aktres na si Angeline?

"She’s very very kind, and she’s a very good follower and listener, so I believe very good traits yun sa bagong actress," sagot ni Albert.

Para kay Albert, maaaring mapabilang si Angeline sa tinatawag niyang "new breed" of actors. Mas disiplinado raw ang mga artista sa ngayon kaysa noong kapanahunan niya.

"Nakakainggit nga itong young breed of actors, e. They’re good singers. They’re good dancers. They’re good dramatic actors. Parang yung batch namin, hindi sila ganun ka-disiplina, e. But this batch?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talk to them, iba yung mindset. Why? Because of competition, Takot na sila kasi sa dami nila, kailangan nilang mag-extend. Nung time namin, ilan lang naman kami, kaya kami, pa-petiks petiks lang. Kasi wala naman silang choice, kami lang, di ba?" paliwanag ni Albert.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN