Jon Santos does his own version of Shamcey Supsup’s tsunami walk

"Shamcey is only a half-sister of mine, kasi I’m a half-brother. Alam niyo naman dati pa na I will not change anything. Why will I change? Di ba I will not change my Religion, I will not change Social Studies, P.E., Mathematics and Science," says Jon Santos, in his latest incarnation, este, impersonation of Miss Universe 3rd runnerup, Shamcey Supsup.


Isa si Jon Santos sa mga pinaka-hinahangaang "impersonator" sa ating bansa dahil sa kakaiba nitong talent sa panggagaya.

Halos lahat na ng mga sikat na celebrities, maging ang mga kontrobersyal na pulitiko ay ginaya na ni Jon Santos. Ang ilan dito ay sina Vilma Santos, Armida Siguion-Reyna, former first lady Imelda Marcos, former President Joseph Estrada, former President Gloria Macapagal-Arroyo at marami pang iba.

Sa katatapos na press conference ni Jon Santos ngayong araw, October 28, Biyernes, na ginanap sa Center Stage, Tomas Morato, para sa kanyang shows sa December 5 and 6, 2011, na gaganapin sa Resorts World Manila, na pinamagatang Jon to the World, ay nagpakitang-gilas si Jon Santos sa mga press.

In-impersonate niya ang Miss Universe 3rd runnerup na si Shamcey Supsup, suot ang isang flesh-colored long gown with matching crown.

Kuntodo emote ang magaling na komedyante sa paggaya sa beauty queen. Nag "tsunami" walk pa si Jon bilang panggagaya kay Shamcey. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Jon Santos at eto ang kanyang ilang pahayag:

Kaninong character yung pinaka nahirapan siyang i-portray?

"There was a time na nahirapan akong gayahin si Sen. Juan Flavier. Kasi mas nakakatawa pa siya kesa sa mga ibang komedyante. Talo niya kami pagdating sa... [he’s] quick to the draw... Di ba meron pa siyang ’Kaya naman mga kababayan, meron tayong condom awareness campaign [sabay gaya kay Sen. Flavier].

"Yung Let’s DOH it... extra challenging siya, bukod sa ang hirap gayahin nung kanyang height, mas matalas pa siya sa isang comedy writer. Very catchy siya mag-isip nung mga campaign niya. Isa pang mahirap gayahin si Oprah, kasi nag no-nose bleed ako sa Ingles niya."

Na-impersonate na ba niya si PNoy?

"Yes, nasabi ko na rin na ’Kayo ang boss ko!’ Kaya naman sa Pasko ang Christmas bonus niyo ay ang iba’t ibang pagkatao ni Jon sa Jon to the World sa Resorts World. Mas mahirap siyang gawin in a show na maraming papalit-palit na costume, kasi kay PNoy, kailangan akong magpalit ng hairdo, kailangan ng prosthetics."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ang pag-impersonate ni Jon kay Shamcey Supsup. Nagbiro ang ibang press na lumaki na raw ang ulo niya [as Shamcey Supsup] at nagbago na raw siya. Ang pabirong sagot ni Jon...

"Shamcey is only a half-sister of mine, kasi I’m a half-brother. Alam niyo naman dati pa na I will not change anything, why will I change? Di ba I will not change my Religion, I will not change Social Studies, P.E., Mathematics and Science."

Sa mga reporter, sino ang gusto ninyong gayahin?

"Now na! Si Tito Boy Abunda, pero I don’t know if he is still in that category, media icon kasi siya, kaya gusto ko siyang gayahin."

Sino ang pinaka gustung-gusto niyang gayahin sa mga characters na na-impersonate na niya?

"Whatever the season, it would have to be, Ate Vi, Star for all Seasons. Which includes the yuletide season and back-to-school season, Halloween season, even Marco Sison."

May nagalit na ba sa mga na-impersonate niya?

"Hindi! Kasi alam nila na larger than life sila, icon sila, saka busy sila e, saka napaka-kulay ng kanilang life. Insekto lang ako sa kanilang life."

Mayroon na ba siyang na-impersonate na nanunood sa kanya?

"Ah yes! There was a time na, former Vice President Noli had a Magandang Gabi, Bayan 10th year anniversary special. Naging Erap ako, naging President Cory, tapos President FVR, at nandun silang tatlo.

"Nakapagpa-picture pa ako kay FVR na naka-FVR din ako, dala ko rin yung tabako ko. So, it’s an honor na napanuod nila akong ginagaya ko sila. Pero kinakabahan ako during my performance."

Ano ang kakaibang gagawin niya sa Jon to the World?

"Hiniling ko lang na medyo maglaro ako ng kaunti with a little more music and a little more dancing, so may mga harness-harness, may mga lipad-lipad, a little more video magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bukod sa mga new characters na makikita nila rito tulad nina Pine Apl de Ap, si Mommy Dioning, baka lumambitin na medyo pinipihit-pihit, nagpa-practice na nga akong mag-split. Di natatakot si Aling Dioning na lumalambi-lambitin dahil andyan naman ang 10 D.I. [dancing instructors] ko."

Matatandaang ikinasal si Jon Santos sa isang American na si West Stewart. So how is married life?

"Very happy, pero medyo hume-hectic nang kaunti. Kasi nitong huling taon, most of his work kinakailangan siya sa ibang bansa. Hindi rin ako masyadong maka-stay dito, so parang laging may need na mag-ipon para makasunod ako sa kanya.

"Pahirapan sa schedule, pero as far as harmony at home is concerned, sobrang saya at sobrang blessed naman kami as partners.

"Alam mo yung pag medyo naka meet ka at the age of 40 at siya 50 years old, medyo alam niyo na kung gaano ka-precious ang time. Di na kami nag-aaksaya ng time na mag-away, count na lang ng blessings. We’re very happy!"

Paniguradong mag e-enjoy ang mga manunuod sa December 5 at 6, 2011, sa show ni Jon Santos, na pinakamagatang Jon to the World. Pamaskong handog ng Viva Entertainment, Resorts World at ALV Circuit International.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN