Senator Bong Revilla offers reward for information on slain brother Ram Revilla’s killers

Senator Bong Revilla has asked the public for any information on the killers of his half-brother Ram Revilla, who was found dead this morning, October 29, in his house in Parañaque.

"At nagbigay na nga tayo ng pabuya o reward kung sino ang makakapagturo dito sa mga suspek na ito. Talagang sobrang karumal-dumal yung pagpatay nila dito sa aking kapatid."


Live via phone patch ay nakausap kani-kanina lang ng StarTalk TX host na si Butch Francisco si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. upang hingin ang saloobin nito sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya.

Napaslang ang kapatid ni Senator Bong na si Ram Revilla. (CLICK HERE to read related story.)

Una muna ay kinumusta ni Butch ang pamilya at kung ano ang reaksyon nila sa nangyari.

"Siyempre, malungkot ang buong pamilya dahil hindi natin inaasahan ang ganitong pangyayari. Dahil mabait na bata itong si Ram, e.

"Masunurin na kapatid, mabait na anak sa aking ama.

"Kaya nalulungkot kami," pahayag ng senador.

Dagdag pa niya, "Actually si Ram ngayon, anytime now dito ibuburol sa Angelus [sa] Imus."

What could have been the motive behind the crime? May kaaway ba si Ram sa pagkakaalam nila?

"Iyan nga ang ipinapa-tsek natin, e. So far, wala kaming makuhang lead. Kaya talagang nakakalungkot.

"At nagbigay na nga tayo ng pabuya o reward kung sino ang makakapagturo dito sa mga suspek na ito.

"Talagang sobrang karumal-dumal yung pagpatay nila dito sa aking kapatid."

One good thing—si Mara na kapatid ni Ram na tinangay ng mga suspect ay ligtas na. Nakausap na ba nila si Mara?

"Yeah kagabi, nung hinanap nga namin dahil sinabi nga natangay.

"Talagang hinanap namin at nakuha namin siya sa Las Piñas Police Station.

"Kumbaga ibinaba siya sa may Star Mall from Parañaque kung saan sila nakatira.

"At doon nga, ang laking pasasalamat namin at hindi siya ginalaw or sinaktan, iyon na lang ang pasalamat namin doon."

Nakilala ba ni Mara ang mga salarin?

"Naka-hood nga, e. Hanggang sa huli [naka-hood]," sabi ng actor-politician.

Kumusta na si Mara ngayon?

"Of course, shocked, pero nakakausap naman siya. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa kapatid niya at sa kanya.

"Ang sa kanya, yung moment na yun, ang pakiusap lang niya doon sa mga suspects, huwag siyang patayin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila ipinaalam sa ama nilang si former Senator Ramon Revilla, Sr. ang masamang pangyayari?

"Well, kanina, sinabi ng mga kapatid ko, at iyon talaga, siyempre hindi natin maiaalis sa isang magulang, talagang nasaktan siya.

"Ngayon, in fact, nung dumating ako kanina sa kanya, alam na niya, parang tulala siya but... Sabi ko ’Daddy, are you okay?’

"Tumango lang siya."

Kailan ang libing ni Ram?

"As of now, we don’t know yet. For the meantime, pag-uusapan pa ng buong pamilya."

Ano ang mensahe ni Senator sa mga nais tumulong na mahuli ang mga salarin?

"Magbibigay tayo ng reward.

"Pero dun sa mga suspek, ang masasabi ko lang sa kanila, ’Hindi kami titigil hangga’t hindi namin kayo nakukuha!’

"Iyon lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN