Richard Gutierrez says he will support his sister Ruffa and mom Annabelle Rama in their latest problems

Sa pagbabalik niya galing sa shooting ng Survivor, inabutan ni Richard Gutierrez na hot copy ang kapatid at ina. Si Ruffa Gutierrez, nadawit ang pangalan sa hiwalayang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Ang ina niyang si Annabelle Rama naman ay may nagaganap na awayan laban kay Nadia Montenegro.


Sa pagbabalik niya galing sa shooting ng Survivor, inabutan ni Richard Gutierrez na hot copy ang kapatid at ina.

Si Ruffa Gutierrez, nadawit ang pangalan sa hiwalayang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao....

Sa taped interview sa kanya ng Startalk TX kanina, sinabi ni Richard na...

"Sa mundo ng showbiz talaga, hindi mo maiiwasan ang mga intriga. You know, my sister’s facing it head-on, she knows that we’re here for her, she knows that we love her and we support her.

"I think kahit anong problema ang meron ang isang pamilya basta magsama-sama kayong pamilya, lahat malalampasan."

Habang ang ina niyang si Annabelle Rama naman ay may nagaganap na awayan laban kay Nadia Montenegro.

"You know my mom is very tough, she’s very strong, she has a strong character.

"I called her a few times while I was away, you know, I told her na whatever your decision, we’ll be here for you."

Pinakikialaman ba niya ang mommy niya sa mga isyung kinasasangkutan nito?

"Minsan I give her my two cents, I give her, you know, what I feel about the situation.

"May mga ibang situations naman na for me hindi na dapat pinalaki o hindi na dapat nag-react kasi wala namang kuwenta, di ba?

"So para sa akin, sana maayos lang ang lahat."

Excited si Richard dahil just in time ang pagbabalik niya sa birthday celebration ng kanyang ina.

"Iyon lang ang hiningi niya sa akin, na sana I can make it in time for her birthday party. Andito ako ngayon you know, I get to hug her and kiss her, and I think iyon lang yung hinihintay niya ngayong gabi."

At siyempre excited si Richard sa pag-ere ng bagong season ng Survivor na may mga buwis-buhay moments raw literally!

"Madami, madaming mga life-threatening incidents, kaya may mga na-o-ospital, may nakagat ng ahas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil nga by partners, by pairs so maraming mga drama, maraming mga twists na mangyayari.

"Masusubukan talaga yung tibay ng partnership ng bawat castaway and at the same time we have a better location, mas maganda yung location namin this year, mas pristine yung waters, mas maganda yung beach at I think visually, mas maganda yung Survivor this year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN