Imelda Papin says she does not believe Claire de la Fuente had anything to do with the elimination of protégé Rosalyn Navarro

Imelda Papin on Rosalyn Navarro’s elimination from the talent show: "In fairness, my protégé did very well last Sunday. Kaya nung bumisita nga kami doon sa Antipolo yesterday dahil may show kami this coming November 19, guest na nga si Rosalyn [picture above]. Tuwang-tuwa sila nung nabalitaan nila na dadalhin ko siya [sa Amerika]."

Ito kasi ang pangako ni Imelda kay Rosalyn, na isasama niya ang baguhang singer sa mga shows


Live na nag-guest kahapon sa Startalk TX sina Imelda Papin at protégé niya na si Rosalyn Navarro. Si Rosalyn ang pinaka-unang na-eliminate sa talent search program ng GMA na Protégé last week.

Ang unang tanong kay Imelda ay kung naniniwala ba siya sa intrigang ginapang ni Claire dela Fuente ang resulta noong Linggo?

"Unang-una hindi galing sa akin yung salitang ’gapang.’ Kasi alam naman ni Mare [Claire] hindi naman ako mahilig magsalita ng ganun. Very formal naman ang aking ano, pagdating sa mga comments.

"At opinion yun ng isang writer, at nirerespeto ko yun.

"Siguro nanonood siya ng Protégé, napupuna niya siguro kung sino ang may nakakalamang at ano, may kanya-kanyang opinion yun e, " pahayag ni Imelda.

Natutuwa daw si Claire na natanggal ang protégé ni Imelda?

"Hindi. In fairness, my protégé did very well last Sunday. Kaya nung bumisita nga kami doon sa Antipolo yesterday dahil may show kami this coming November 19, guest na nga si Rosalyn. Tuwang-tuwa sila nung nabalitaan nila na dadalhin ko siya [sa Amerika]."

Ito kasi ang pangako ni Imelda kay Rosalyn, na isasama niya ang baguhang singer sa mga shows ng Jukebox Queen abroad.

"At sabi nila, ’Bakit naman natanggal kaagad? Ang galing-galing niya!’

"Ganun, pero comment na galing sa kanila yun. Natutuwa naman ako."

Tinanong naman si Rosalyn kung hindi ba niya nami-miss ang mga kasamahan niya sa Protégé ngayong naalis na siya?

"Siyempre po nami-miss po, lalo na po yung mga kalokohan namin sa loob [ng Protégé house].

"Hindi naman po ako na-sad kasi po iyon nga po natanggal po ako, na hindi na po ako aabot sa December. Na-sad po ako kasi po mami-miss ko po talaga yung mga bonding moments po namin," sinabi ni Rosalyn.

Naging very close daw sila dahil every day silang magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At iyon nga, kahit natalo siya, isasama ni Imelda si Rosalyn sa Amerika.

"Oo naman’" says Imelda. "Kapag nakakuha ng visa, kaya ipepetisyon pag mayrooon akong show doon, natural ipepetisyon, isasama na si Rosalyn.

"At gusto ko lang sabihin sa kanya na, narinig na ninyo siguro yun nung Sunday, na ’Alam mo, may reason lahat. Halimbawa mawala ka ngayon, eliminated ka ngayong week na ito, mas maganda ang opportunity na darating sa iyo’.

"Dahil ngayon may mga shows siya, November 18, November 19, ang dami!

"’Ang Panginoon nandidiyan,’ sabi ko sa kanya, ’Huwag kang malulungkot, magpasalamat ka.’"

At bilang pasasalamat, sinabi ni Rosalyn sa kanyang mentor na...

"Salamat po sa lahat ng tulong, salamat po sa pagtuturo po sa akin ng kung paano po i-deliver yung kanta. Hindi lang po sa akin kundi sa pagtulong din po sa family ko.

"Thank you po na kahit natanggal po ako, nandiyan pa rin po kayo para tulungan ako. And thank you rin po sa GMA and sa Protégé and also po kay God."

Ang pahabol na sinabi naman ni Imelda...

"Gusto ko lang sabihin kay Rosalyn, na sabi ko, ang suwerte-suwerte niya na at lahat naman ng sampung protégés na yan every Sunday ma-e-eliminate yan, isa lang ang matitira, okay?

"It’s a matter of who will be eliminated first...

"At tsaka nagpapasalamat kami sa GMA kasi nagkaroon ng chance si Rosalyn at nakatulong din ako dahil, you know, I sacrificed my shows abroad, in USA, in Canada para makapunta ditto, para makasama dito sa Protégé, dito sa GMA at napakaganda po ng show na ito."

Mamayang gabi naman ang second elimination ng naturang talent search.

At bilang pagtatapos, sinabi ni Imelda na...

"At gusto ko lang linawin, hindi nagagalit si Rosalyn, hindi rin ako nagagalit. In fact natutuwa po kami at nagpapasalamat at good luck sa nine protégés, sama-sama naman kayo e, at magsama-sama tayo December 18 sa finals."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN