Sef Cadayona reveals admiration for Michelle Madrigal

Sef Cadayona on why he admires Michelle Madrigal: "Nung una kasi... matagal ko nang crush si Michelle, e. Tipong nasa kabila pa lang siya nun, napapanood ko na po siya. Isa sa pinakahinangaan ko kay Michelle is kahit sobrang busy siya ngayon, nagso-short courses siya, culinary po."


Nakausap ng PEP.ph ang young male star na si Sef Cadayona sa taping ng GMA danserye na Time Of My Life nitong Friday, October 28 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

At dito ay nadiskubre namin kung sino ang babaeng nagugustuhan ni Sef ngayon.

Noong una ay ayaw pang sabihin ni Sef kung sino.

"Puwede bang hindi ko na lang pangalanan kasi respeto din muna sa babae bilang bago kami nagkakamabutihan?

Di ba dapat, kapag may nililigawan siya ay proud siya?

"Opo e kaso ..."

Sinabi ba ng girl sa kanya na huwag ipagsasabi ni Sef na nanliligaw siya dito?

"Magaling ka," tumatawang reaksyon ni Sef sa sinabi namin.

"Wala siyang sinasabi. Well..."

Para mapaamin, iniba namin ang tanong namin kay Sef; sino ang pinaka-crush niyang babae sa showbiz?

"Dalawa!"

NUMBER ONE. Yung pinaka, na given a chance ay liligawan niya?

"Ginagawa ko na nga, e. No. 1, siyempre, si Michelle Madrigal.

"Pinawisan ako sa inyo!"

Ano ang pinakagusto niya kay Michelle?

"Nung una kasi... matagal ko nang crush si Michelle, e. Tipong nasa kabila pa lang siya nun, napapanood ko na po siya. Isa sa pinakahinangaan ko kay Michelle is kahit sobrang busy siya ngayon, nagso-short courses siya, culinary po.

"Sobrang sarap niyang magluto!"

Natikman na niya ang luto ni Michelle?

"There was this time na nag-Party Pilipinas siya, galing siya ng klase niya nun, may dala siyang food."

Bakit sila naging close?

"We have common friends po kasi so yung tipong may isang beses na magkakasama kaming lumabas."

Ano ang luto ni Michelle na pinakagusto niya?

"Naku, ang sarap nun, hindi ko makakalimutan yun. Chicken curry na may seafood, na tipong hinaluan niya ng pampalasa ng seafood. Sarap!"

Aware naman si Sef na mga hunks ang mga ex-boyfriends ni Michelle tulad nina Jon Hall at JC de Vera. Ano ang chance niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kaya nga...

"Sa akin naman ang chance ko siguro pagdating kay Michelle is I think ano, hindi ako magiging mapagpanggap."

Mapagpanggap sina JC at Jon?

"Hindi, hindi, hindi! Given na mas... given na they were built for hunky roles, ganyan-ganyan, I’m built for comedy, for now. Pero ang gusto ko kasi sa nangyayari is... it challenges me for the better.

WORKING OUT. "Right now... dati wala akong pakialam sa katawan [ko], gusto ko lang mag-comedy, gusto ko lang umarte. Ngayon, nadyi-gym na ako araw-araw. Araw-araw!"

Dahil kay Michelle?

"Well one of my inspirations.

"Napakabait niya sa akin. Siyempre, if gusto mong mapansin ka, totohanan na kailangang maging... kung ano yung nakikita dapat kung ano yung gustong makita ng tao. Physically dun naman nagsisimula lahat, e.

"Tsaka ko ipapakita yung ugali."

Pero ang dahilan kaya ng pagkahulog ang loob niya kay Michelle ay ang kabaitan nito?

"Kasi nakapag-usap kami.

Inamin naman ni Sef na ang una niyang napansin ay ang kaseksihan ni Michelle.

"Siyempre nung una naman, crush ko na siya, e. Pero nung nakausap ko na siya dun ako nagulat. Una medyo takot ako, kasi feeling ko masungit or baka hindi ako pansinin nito. Pero it turns out napaka-humble, sweet, napaka-friendly, yung tipong hindi ako nao-OP [out-of-place].

"I adored her after naming magkausap."

Sa tingin niya ay may chance siya kay Michelle?

"Bigay natin sa kanya yun, kayo magtanong," ang natatawang sagot ni Sef.

"Ayoko namang mag-assume."

Sa scale ng 1 to 100 percent, ano na ang level ng closeness nila ni Michelle?

"Siguro nasa almost 70, mga nasa 65."

Lumabas na ba sila ng sila lang dalawa?

"There was this one time we went out for... nag-mall kami. "Kasi minsan malaki yung tengga time sa Party Pilipinas, so iyon lang, tipong kain muna sa labas. Ang saya!"

PROVING HIMSELF. Desidido si Sef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya gagalingan ko. Galingan sa panliligaw, tsaka galingan sa trabaho. Iyon ang challenge e, tipong iyon ang ikinaganda nun, e. [It] challenged me for the better, na tipong hindi ako kailangang papetiks-petiks.

"Kailangan kung gusto kong mapansin ako nitong taong ito, galingan ko sa lahat ng ginagawa kong bagay. Ipakita ko yung pagmamahal ko sa pamilya ko, pagmamahal ko sa trabaho ko, na tipong hindi ko pababayaan para makita niya, kung makasama niya ako hindi ko siya pababayaan."

Hindi ba siya natatakot sa manager ni Michelle na si Annabelle Rama?

"Hindi naman sa natatakot, pero sobrang taas ng respeto ko sa kanya. Let’s see, kung may masabing maganda o hindi, take it as a man, ipapakita ko na hindi lang yun ang kaya kong ibigay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN