Michelle Madrigal on learning she is Sef Cadayona’s secret crush: "Tulala ako, hindi ko talaga alam. Now I know. Flattered."

"Mahal! Grabe naman yung word na yun. Getting-to-know pa lang naman yung stage namin. Mahal na agad?" says Michelle Madrigal when told about Sef Cadayona’s alleged feelings for her.


Right after ng interview namin kay Sef Cadayona ay sumegue naman kami sa taping ng Kung Aagawin Mo Ang Langit last Friday, October 28 sa North Fairview sa Quezon City at hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon si Michelle Madrigal tungkol sa inihayag ni Sef na pagtingin sa dalaga.

"Nagkakataon lang kasi napapadalas, parang semi-regular na ako sa Party Pilipinas. Parang sila yung nakakasama ko sa sayaw like sa Sayaw Pilipinas, sila Rocco [Nacino], ganun."

"Crush niya ako? Crush niya daw ako? Sabi? Talaga? Bakit hindi ko alam yan?

"Tulala ako, hindi ko talaga alam. Now I know. Flattered," pahayag ni Michelle.

Ikinuwento pa ni Sef na hindi nito makakalimutan ang nilutong chicken curry ni Michelle in her culinary class na dinala sa Party Pilipinas.

"Hindi, kasi normally lagi akong may extra food after [class] para sa lahat, best friends ko, si Ehra [Madrigal, her sister]. Dahil yung school ko malapit lang, nagdadala talaga ako.

"Pag may nakikita akong friends tapos marami kaming niluto sa school, sayang, so nagdadala talaga ako ng food."

Sa AICAH o Academy for International Culinary Arts nag-aral at nag-graduate kahapon, Saturday, si Ehra.

CULINARY PASSION. Bakit niya naisipang mag-aral ng culinary arts?

"Mahilig talaga ako, passion ko talaga siya aside from acting kaya inumpisahan ko muna dito sa certificate course. Kasi yung diploma course, halos isang taon, tapos four times a week. Hindi naman puwede sa schedule namin iyon, di ba? Unlike yung mga regular school na ano, so baka mamaya pag nag-full course ako hindi na ako makapag-artista, so ito muna.

"Parang baby steps, para naman aside from acting may iba pa akong ginagawa."

Ayaw aminin una ni Sef ang tungkol kay Michelle, napilit lang.

"Hindi ko talaga alam. Baka nagagandahan siya sa akin."

Base sa pananalita ni Sef, may pagmamahal ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal! Grabe naman yung word na yun. Getting-to-know pa lang naman yung stage namin. Mahal na agad?

"Hindi, I mean, kasi di ba, kumbaga nadagdag siya dun sa listahan ng mga bago kong kaibigan kasi kilala ko na siya dati, acquaintance lang. Getting-to-know kasi ngayon ko lang naman siya start na nakausap dahil sa Party Pilipinas.

"Kumbaga sina Rocco kilala ko sila, hindi ko sila mako-consider na friends ko kasi hindi ko naman sila madalas nakakausap. Unlike him, parang nakakausap ko naman siya because of Party P nga."

CROSS-FIT. Isa daw si Michelle sa mga reasons kaya nagpapaganda ng katawan si Sef.

"Ah na-inspire! Kasi ako, lagi akong nagko-CrossFit, yung work-out na ginagawa nina Iza [Calzado], na lagi ako, 3 to 4 times a week pag wala akong taping. Para siyang military training, hardcore. So ako in-encourage ko yung mga tao na hindi lang sa pagda-diet, parang inaano ko sila na mag-work-out sila, mag-boxing, kahit yung mga friends ko."

Si Sef tila na-inspire dahil ang mag ex-boyfriends ni Michelle ay mga hunks, sina JC de Vera at Jon Hall.

"Ganun? Alam mo hindi naman siguro gagawin nung tao yun para lang sa akin. Baka naman gusto siguro niyang gumanda talaga yung katawan niya. Dahil ano kasi, before, mataba siya, tapos sabi ko ’Sige lang, kaya mo yan.’

"Sabi ko, ’Kilala mo si Erwan [Heussaff], yung kapatid ni Solenn? Mataba yun dati, kapag nakita mo siya ngayon, ang hot-hot niya!’

"Yung mga kuwentong ganun. At sabi niya gusto rin daw niya makasali sa Cosmo."

Okay lang manligaw sa kanya si Sef?

"Kung manligaw okay lang naman siguro iyon, pero hindi naman kasi siya nanlilligaw sa akin, e. Parang alam mo yun, ayaw mong lagyan ng label na ’Uy manliligaw ako sa iyo!’

"Kasi parang pag sinabi mo yun parang sinagot ka na rin, na okay, parang sinabihan mo na rin na may chance siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang... sinabi ko before, mas gusto ko na mag-start as magkaibigan.

"Kasi parang maganda yung foundation ninyo. Ang tagal ko na siyang nakikita sa Party Pilipinas, hi-hello na kami dati and then next kuwentuhan, ganyan. And then all of a sudden, dahil lagi nga akong nare-regular siya yung nakakausap ko pagdating sa dance."

Ang tipo ba ni Sef ang magugustuhan niya?

"You’ll never know! Cute naman siya. Cute na cute naman ako sa kanya."

Happy si Michelle ngayon.

"Kasi po mataas ang ratings namin e!"

POSITIVE REVIEWS. Top-rater sa Dramarama sa Hapon ang Kung Aagawin Mo Ang Langit.

"At tsaka kagabi si Kuya Ipe [Phillip Salvador] sabi niya sa birthday ni Tita Annabelle [Rama, her manager], bago ako umalis, parang gusto kong tumalon!

"Kasi sabi ko, ’Sige po, aalis na ako’. Sabi niya ’Ah ikaw pala yan. Nanonood ako ng show ninyo, ha? Magaling ka!’

"Nakakataba ng puso, na ang daming bumabati sa performance ko. Kaya gusto ko pang mas lalong galingan. Kaya sobrang masaya ako."

Kahit ang kasamahan nila sa show na si Ricky Davao na isang mahusay na aktor at director, pinuri sila nina Carla Abellana at Mike Tan.

"Kaya nga sobrang masaya! Kasi inaaral talaga namin ang script, ang mga linya namin. Yung mga biruan namin, pag lunch break, dinner break, pag break time lang kami talagang kuwentuhan.

"Para kaming pamilya, e. Parang ganito, kakain kami, kuwentuhan, biruan, pero pag back-to-work na, kanya-kanyang gilid na kami, nagbabasa ng script, nagme-memorize ng lines.

"Kasi pag nagbibigay lahat ng 100 percent, nakakahiya naman kung ikaw, kapos yung ibibigay mo. Tsaka ang ganda ng story namin, sobra, na parang ayaw mong sayangin.

"Minsan parang nakukulangan ka sa sarili mo, may mga times na may ibang eksena... lagi akong nagtatanong, after ng mga heavy scenes, ’Direk, okay lang po ba yun?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ayoko kasi na... kung alam kong hindi ko nabigay ang best ko, pag nagustuhan naman ni direk [Jay Altarejos], sige. "Pero pag ang feeling ko kulang, ’Direk baka puwedeng i-take pa natin ulit ng isa pa.’

"Dito ko nabigay lahat-lahat, kasi siyempre first ko to na heavy drama, e. Yung Tinik Sa Dibdib, siyempre iba naman yung role ko dun, medyo bata pa ako nun tapos hindi pa naman ako bida dun. Pero challenging na rin yung role na yun dahil drama siya kaso nga lang pipi ako dun.

"Dito talaga kasi naghahatakan kami ng emotions dito, e.

ACTING COMPETITION? "Minsan siya [Carla Abellana as Ellery] yung mabait, minsan ako [as Bridget]. Minsan nasa kanyang side ang mga tao, minsan nasa akin. Alam mo yung hindi mo ma-figure out talaga sino ba talaga ang tama kasi yung pinaglalaban nila, pareho lang na nangyayari sa tunay na buhay.

"Na kung ikaw, nandun ka sa sitwasyon na yun, kung anu-anong kabaliwan talaga ang gagawin mo para lang makuha yung asawa o yung anak mo, di ba?"

May effort ba siya na talbugan sa acting si Carla?

"Actually sa aming dalawa hindi yung talbugan, e. Kasi siya matagal na siyang gumagawa ng heavy drama kaya ang mga crying scenes sa kanya, madali na lang.

"Sa akin inaamin ko, minsan nahihirapan pa rin ako, na parang feeling ko, kulang pa.

"Pero sobrang suportahan naman kami sa mga eksena, yung mga batuhan ng linya, hindi naman kailangang magpatalbugan.

"Kasi parang hindi lalabas na normal yung pag-arte mo, parang baka mamaya awkward pa yung dating kung ipipilit mo yung hindi naman natural na ikaw.

"Kung ano lang yung natural sa akin and nagugustuhan naman ng tao. So nakakatuwa kasi ayoko namang masyadong mag-trying hard na mape-pressure ka, na kailangang mas galingan, ilalagay mo sa ulo mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi baka hindi ako makapag-perform nang maayos. Kung ano lang yung alam ko na kaya kong ibigay, kung ano yung hinihingi ng director ko, iyon ang ibibigay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN