Dingdong Dantes helps in advocacy to end child hunger

Si Dingdong Dantes ang special guest kahapon sa Hotel Stotsenberg, Angeles City, kunsaan ginaganap ang Central Luzon Youth Summit sponsored by the Sangguniang Kabataan. Nanduon ang aktor para ipakita ang suporta niya sa brainchild ng LINKS, ang 5K campaign, isang programa upang mabawasan ang child hunger sa bansa. Ito ang bagong advocacy ng Yes Pinoy Foundation, na ang founder mismo ay si Dongdong.




Pagdating sa kanyang advocacy, mapapahanga ka talaga sa actor na si Dingdong Dantes. Na-witness namin kung paano personal na pinupuntahan at isinisingit talaga ni Dingdong sa kanyang busy schedule ang pag-attend sa mga advocacies niya.

Ang Yes Pinoy Foundation kunsaan, si Dingdong mismo ang founder, ay masasabing napakalayo na ng narating at natulungan simula nang ilunsad ito may dalawang taon pa lamang ang nakakaraan.

Kahapon nga, sa Hotel Stotsenberg sa Angeles City kunsaan, ginaganap ang Central Luzon Youth Summit sponsored by the Sangguniang Kabataan, si Dingdong ang naging special guest. Nanduon siya para ipakita ang suporta niya sa brainchild ng LINKS, ang 5K campaign, isang programa upang mabawasan ang child hunger sa bansa.

Nang makapanayam nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kahapon, kasama ang ilan sa entertainment press, ipinaliwanag ni Dingdong kung ano ang naturang advocacy ngayon ng YPF.

Ayon sa actor, "Nagpapasalamat kami dahil naging beneficiary kami ng effort ng isang organization called LINKS. We partnered with them and they came up with a 5K campaign na magpapa-increase ng production ng bigas and in return, magdo-donate sila sa amin para makapag-feeding kami sa mga kabataan.

"Siyempre, isang way para maka-concentrate [ang mga bata] sa school ay pumasok sila nang hindi gutom. Symbolically, yung pagbibigay nila sa amin ng donation ng bigas is our way of feeding their bodies before feeding their mind."

Personal ngang pinuntahan ni Dingdong ang paglulunsad ng campaign sa Angeles kahapon sa gitna ng iba’t-ibang commitments niya ng araw na yun. After that, ang event naman ng MTV EXIT sa Manila, na bago niyang sinusuportahan at sinusulong against human trafficking, ang personal din niyang pinuntahan.

Ayon pa kay Dong, "Ako naman kasi, basta mga ganitong cause, basta puwede ako, e, pinupuntahan ko talaga.

Isa naman daw sa mga partner nila sa 5K campaign ay ang Sangguniang Kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag nga ni Dingdong dito, "Sila ang partner namin sa pagbabantay at pag-propagate ng crops. Kasi, malaking bagay to talk about yung beneficiary which is, yung kabataan at estudyanteng gutom, sino pa ba ang best na magbabantay sa kanila kung hindi ang SK?

"In this manner, very active sila dahil ang mismong mga kuya at ate nila sa SK ang magbabantay at magpapakain sa kanila. Of course, with the help of Yes Pinoy."

Bilang beneficiary naman daw, they will make sure na mapupunta sa kanila at sa mga nangangailangan talaga ang ibinigay sa kanila.

MMFF ENTRY. Kung tutuusin, ang daming proyektong naiisip ng YPF. Bukod dito, nandiyan pa ang Para-Paaralan na isinusulong din nila. Pero bukod sa YPF at iba pa niyang advocacy ay may sinu-shoot siyang movie sa kasalukuyan, ang Segunda-Mano na MMFF entry niya.

Nagsimula na rin siyang mag-taping para sa primetime series niyang Sundo. Wala pa rito ang iba’t-ibang endorsements at commercial shoot na ginawa niya rin kamakailan lang.

Paano nga ba niya nagagawa lahat at nabibigyan ng oras ang mga ito?

"Well, I am blessed dahil maraming tao sa Yes Pinoy ang may same amount of passion sa ginagawa ko. And that’s why kanya-kanyang projects. Tulong-tulong lang kami at pinagkakatiwala ko naman sa kanila kung anuman ang maisip nila at kung anuman ang project na gusto nilang gawin.

"At ako, as their founder will be behind them 100 percent."

SOCIAL COMMITMENT. Hindi siya napapagod?

"Commitment ko yun e. It’s my commitment. Kahit nga galing ako sa taping, shooting, I will always find time for causes like that."

Naiba-balance nga ni Dingdong ang mga schedules niya. In fact, nakapaglaan pa rin siya ng oras para sa ilang araw na bakasyon.

LAS VEGAS. Excited si Dingdong sa pag-alis papuntang Las Vegas sa November 10 kunsaan, kasama niya ang ilang pinsan at ang girlfriend na si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun nga lang, dahil pareho sila ni Marian na maraming trabaho, pagkatapos nilang manood ng fight ni Manny Pacquiao, balik Pinas na rin daw sila.

"Balik na rin kami after, e. Mabilisan din. Iba lang din yung nandoon. At saka, itong trip na ito, regalo sa amin. Nagpapasalamat ako sa tito ko who gave us the opportunity, matagal na nag-i-invite papunta ro’n pero, hindi talaga naging posible.

"This time, we made sure na makakarating kami."

Second time pa lang daw niyang makapanood ng laban ni Pacquiao na ayon kay Dingdong, ibang experience talaga.

"Sabi ko kay Marian, kailangang mapanood natin yun. Kasi siyempre, hindi natin alam kung ilang laban pa si Manny Pacquiao. Maaaring the next, hindi na kami puwede, so, it’s better to go now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN