PART 1. Shaina Magdayao says she’s not insecure about Ruffa Gutierrez

Shaina Magdayao on Ruffa Gutierrez’s tweets: "Well, right after the party, apparently, she tweeted mga controversial na tweet na yun nga po ang lumalabas ngayon. At marami ang nagsasabi sa akin na ako nga raw yung pinaparinggan niya. But I’m confident that I’m not insecure. Hindi ako insecure sa kanya, so I refuse to believe na ako yung pinaparinggan niya."


Simula nang umamin si John Lloyd Cruz noong 2010 na si Shaina Magdayao ang kanyang girlfriend, hindi na halos tinantanan ng iba’t ibang intriga ang dalawa.

Pero tila sa pinakabagong intriga sa kanila ngayon—ang diumano’y tuluyan nang pagwawakas ng kanilang relasyon—ay magkasabay pa rin itong hinarap ng dalawa sa panayam sa kanila ni Boy Abunda na ipinalabas sa The Buzz kahapon, October 30.

Sinasabing nagsimula ang pinagdadaanan ng relasyon ngayon nina John Lloyd at Shaina sa dalawang magkasunod na events.

Una ay sa birthday party ni Bea Alonzo sa The Establishment, The Fort, Taguig City, noong October 8. Nakita roon nina John Lloyd at Shaina ang ex-girlfriends ng aktor na sina Liz Uy at Ruffa Gutierrez.

Pangalawa ay sa birthday concert ng kapatid ni Shaina na si Vina Morales sa Republiq Bar, Resorts World Manila, Pasay City, noong October 18. Guest performer si Shaina, samantalang nasa audience sina John Lloyd at Ruffa.

LIZ UY. Unang pinabigyang-linaw ni Boy kina John Lloyd at Shaina ang tungkol sa celebrity stylist na si Liz Uy.

Ano ba ang nangyari sa pagitan nilang tatlo noong birthday ni Bea?

Kuwento ni John Lloyd, "That night, nandoon... nagpunta si Liz. Nagpunta si Ruffa.

"Si Liz, nakasama namin sa isang table, kasama sila Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head] and even Sir Gabby Lopez [ABS-CBN chairman] nasa isang table, sina Vice [Ganda]...marami kami.

"Nag-usap kami ni Liz, nag-usap sila [ni Shaina]. Yun ang nangyari."

Pagpapatuloy ng aktor, "Si Ruffa dumating kasama ang mga kaibigan niya at mga kapatid niya.

"Pero, hindi nagkaroon ng chance na magkausap kami, mag-beso, hi and hello, wala.

"Wala namang ganoong nangyari."

Tanong naman ni Boy kay Shaina, ano ang napag-usapan nila ni Liz?

"Siyempre, nag-hi and hello kami. Wala naman kaming problema, Tito Boy," paglilinaw ng 21-year-old actress.

Walang ilangan?

"Wala," sagot ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait naman siya sa akin. And wala talaga kaming problema.

"I really don’t know nga bakit siya nada-drag sa issue na ito, di ba?"

Singit naman ni John Lloyd, "Nakakahiya, nakakahiya..."

Dagdag pa ni Shaina, "It’s also unfair for her na nananahimik naman yung tao."

Nasorpresa sila noong lumabas ang mga balita?

Ayon kay John Lloyd, "Hindi na rin, hindi na rin.

"Kasi, yun ngang walang basehan, yun ngang you’re miles away with each other, binibigyan kayo ng istorya.

"Yun pa kayang nasa iisang venue, isang room kayo?"

RUFFA GUTIERREZ. "Yes" ang naging tugon ni Shaina sa tanong ni Boy kung alam niya na nasa party ni Bea si Ruffa at kung nakita niya ito.

Naging honest din si Shaina nang sumagot sa tanong kung may tensyon sa kanila dalawa.

"Honestly, yes," sabi niya.

"Kasi, para bang, Eto na naman. Naku, after ng gabing ito, meron na namang lalabas.

"Meron bang conscious effort na, ’I have to behave in a way para walang masabi?’"

Sagot ni John Lloyd: "Sa tingin ko, yung conscious effort was trying to do what’s right at that time. What seems to be decent.

"Meron kasi kaming mga kaibigan at kahit kapamilya namin, may common denominator.

"So, yes, kailangan naming matutong mag-co-exist.

"We have to be bigger than that."

THE TEXT MESSAGE. Pero ang totoong isyu raw ay tila nagsimula sa party pagkatapos ng concert ni Vina.

Dito raw sinasabing nagpadala ng text message si Shaina kay Ruffa at an "ungodly hour" using John Lloyd’s cell phone.

Ano ba ang totoong pangyayari sa isyung yun?

Sabi ni Shaina, "Okay, yes, it’s true na nag-text siya [Ruffa] kay John Lloyd right after we left the party, and I replied."

Nilinaw ni Boy kung ang unang text ay galing talaga kay Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, Tito Boy, and I just replied," sabi ni Shaina.

Ano ang laman ng text message?

"I told her to leave us alone," sagot ni Shaina.

"Gaya ng gusto kong sabihin sa kanya the first time I sent her text.

"This time, I want to be straightforward na. Na para bang respetuhin naman niya kami.

"Kasi, we all know what happened before, the cellphone incident."

Ang "cell phone incident" na tinutukoy ni Shaina ay ang diumano’y pagtawag ni Shaina kay Ruffa noong January 2011 tungkol sa diumano’y pakikipag-ugnayan pa rin nito kay John Lloyd.

Ayon pa kay Shaina, "Yung incident na yun, after that incident, she said that she’s going to stay away.

"She said that she’s not going to bother us anymore.

"But right after we left, naka-receive ng text niya.

"So, parang it’s so clear na hindi siya tumutupad sa sarili niyang salita.

"At gaya rin naman ng mga binabato sa amin, hindi lumalabas ang puno’t dulo. Lagi na lang lumalabas yung gusto nilang palabasin.

"Hindi alam ng mga tao na may pinanggagalingan din naman kami."

"I’M NOT INSECURE." Basically, ano ang napag-usapan nila ni Ruffa at pinagtapusan ng usap?

"Hindi niya siguro na-get na kaya ako tumatawag sa kanya, kasi nabasa ko yung text mo, so sana huwag ka nang mag-text ulit.

"Akala ko, makukuha na niya ako no’n nang babae sa babae.

"Kaya lang, yun nga po, nangyari rin yung sa party ng ate ko.

"And I was expecting that she would respect us this time."

What happened then?

"Well, right after the party, apparently, she tweeted mga controversial na tweet na yun nga po ang lumalabas ngayon.

"At marami ang nagsasabi sa akin na ako nga raw yung pinaparinggan niya.

"But I’m confident that I’m not insecure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako insecure sa kanya, so I refuse to believe na ako yung pinaparinggan niya.

"Klarong-klaro naman siguro, especially after this interview, kung ano ang gusto kong iparating sa kanya.

"Ngayon, kung hindi pa rin niya ma-accept yun, I leave her alone."

Boy asked Shaina, nasaan si Vina sa pag-uusap na ito—especially si Vina ang common person sa kanila ni Ruffa?

"Siyempre, kaibigan niya yun, at the same time, kapatid niya [Vina] ako. So, naiipit din ang ate ko.

"But she’s been with me parang these past few days talagang calling and talking to me, going to the house.

"She’s been very, very supportive, kaya alam niya ang pinanggagalingan ko. Kaya naiintindihan niya kung bakit ko ginawa yun."

Kung uulitin, ano ang nais na sabihin ni Shaina kay Ruffa?

"Gusto kong isipin na lahat naman tayo, may kabutihan. Lahat naman tayo, may pinanggagalingan.

"So, siguro ano, kailangan lang namin ng time, kailangan lang namin ng oras to heal.

"Hindi naman kasi dapat talaga kami mag-away.

"Hindi naman talaga kami dapat mag-away sa isang lalaki, or kahit na sinong mga babae na mag-away dahil sa isang isang lalaki.

"I don’t think that’s right," saad ni Shaina.

Diretsahan namang tinanong ni Boy si Shaina kung galit ba siya kay Ruffa.

"Hindi. Hindi talaga. Gusto ko lang na maintindihan niya ako," nakangiting sagot ni Shaina.

Hindi siya insecure kay Ruffa at kahit sinong babae?

"Yes," mabilis niyang sagot.

What makes her secure?

"My family. Who I am.

"Lahat siguro ng pinagdaanan ko sa buhay ko.

"Nakilala ko ang sarili ko. Kung ano yung capabilities ko.

"Kung ano yung kaya kong gawin at hindi ko kayang gawin sa kapwa ko."


Click here to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN