Ruffa Gutierrez: "Huwag nilang palabasin na naghahabol ako. Kasi napakahaba ng hair ko. Hanggang talampakan ko!"

"Ako, you know, for me, I’m such a peace-loving person. I mean, hindi ako nakikipag-away. You know, huwag lang akong labanan. Kasi, hindi rin ako uurong sa ’yo. But sometimes, it’s best to choose your battles," says Ruffa Gutierrez.


Inakala ng marami na may bagong sasabihin si Ruffa Gutierrez tungkol sa maintrigang usapin sa kanilang tatlo nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa opening ng Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed kahapon, October 30.

Pero tila nagpipigil nga siyang magsalita pa kahit may sunod na mga tanong sa kanya ang mga co-host na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Ann Carvajal, at Zoren Legaspi.

"I’m not gonna talk about it anymore," ani Ruffa.

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin na lumabas na rin sa iba’t ibang TV stations.

"So, para sa akin, ayoko na nga silang bigyan ng panahon. Tama na. Iyon na ’yon.

"Anyway, they also cleared na rin na wala akong kinalaman sa mga nangyari."

"PROVE IT." Kini-claim ni Shaina na si Ruffa ang unang nag-text kay John Lloyd. Pero mariin itong itinatanggi ni Ruffa.

Aniya, "Sa pagkakaalam ko, hindi ako ang unang nag-text. If they say na ako ang unang nag-text, prove it.

"Hindi ako nakikipag-away. I already said, ’I wish them well. I’m very happy with my life.’

"Huwag nilang palabasin na naghahabol ako.

"Kasi napakahaba ng hair ko. Hanggang talampakan ko!

"Walang nang-aagaw. Kanilang-kanila na.

"May sarili akong Batman sa buhay ko."

Sino si Batman?

"Hindi ko pa natatanggal ang maskara niya, e," sabi naman ni Ruffa.

THREAT TO OTHER WOMEN? Matapos ang airing ng show, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa para sa isang panayam.

May interview si Boy Abunda kina Shaina Magdayao at John Lloyd sa The Buzz. Tila gusto munang alamin ni Ruffa kung ano ang sinabi ng dalawa bago siya magsalita ulit.

Tanong ng PEP: Kahit ano, wala siyang anumang pupuwedeng mai-share pa hinggil sa isyung kinasasangkutan nilang tatlo?

Ani Ruffa, "Alam mo, wala na akong dapat na i-share pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nadamay lang ako sa issue. So, ngayon, quiet na ako. Wala na akong comment."

Pero how does it feel na parang threat siya sa ibang babae pagdating sa relasyon?

Natawa si Ruffa.

Aniya, "Wala na akong magagawa no’n.

"Ako, you know, for me, I’m such a peace-loving person.

"I mean, hindi ako nakikipag-away. You know, huwag lang akong labanan.

"Kasi, hindi rin ako uurong sa ’yo.

"But sometimes, it’s best to choose your battles."

WHO IS BATMAN? Pero sino ba ang tinutukoy niyang Batman sa buhay niya?

"Basta! Hindi siya Pinoy. Kaya walang dapat alalahanin ’yong ibang Pinay," sabi niya.

Biro namin, ilantad na kasi niya in public si Batman para wala nang nagseselos o nati-threaten.

"Hindi pa ako annulled! Hindi pa puwede," sagot naman ni Ruffa.

Pero for the record nga, hindi siya loveless ngayon dahil meron siyang "Batman"?

"Lagi naman akong may inspiration.

"Mas naging open lang ako ngayon... lately, na may Batman ako sa buhay ko dahil sa mga nangyayaring gulo!" tawa niya.

Dagdag pa ni Ruffa, "At naloloka ako. Hindi siya nakakahaba ng hair!

"Basta meron akong inspiration ngayon."

Tanong ng PEP: Hindi imaginary ’yong Batman o inspiration niyang sinasabi para lang makaiwas na pagselosan ng sinuman?

"Hindi siya imaginary. Totoo siya.

"Follow me na lang on Twitter para malalaman ninyo kung sino si Batman," pang-iimbita pa niya.

LINES STILL OPEN? Pero totoo nga ba na kahit may sinasabi siyang Batman sa buhay niya ngayon, lagi pa ring nakikipag-communicate sa kanya si John Lloyd?

"Naku, huwag na natin silang pag-usapan!" halos mapatiling reaksiyon ni Ruffa bago muling natawa.

May balita rin kasing "Babe" pa rin daw ang tawag ni Lloydie sa kanya?

"Oh, really?" nangiting reaksiyon na lang niya.

Hindi pa rin talaga mawala-wala ’yong hinala na nananatiling close sila ni John Lloyd kahit naging ka-on na nito si Shaina. Meron nga bang ganung closeness?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala.

"Alam mo, kung meron naman, aaminin ko. Why not?

"I mean, I’m friends with all the people that have been special in my life.

"Nakita n’yo naman kami ni Zoren [Legaspi], na biruan kami nang biruan."

Dating boyfriend ni Ruffa si Zoren noong kabataan nila. Si Zoren ay may dalawang anak na ngayon kay Carmina Villarroel.

Dagdag ni Ruffa, "Uhm, siguro right now, it’s just awkward din for us to be good friends dahil sa sitwasyon."

May mga nagdududa rin na baka naman daw nasa puso pa rin niya si John Lloyd hanggang ngayon?

"Ay, siya ang tanungin ninyo! Naku, ayoko ng mga ganyang tanong!" tili na naman niya.

Ano ba ang meron siya at tila mahirap sa sinumang lalakeng na-involve sa kanya na tuluyang makalimutan siya?

Natawang muli si Ruffa bago nakapagbigay ng kasagutan.

"Ibang magmahal si Ruffa Gutierrez. ’Yon na lang ang masasabi ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN