Jennylyn Mercado on involvement in rumored separation of Raymart and Claudine: "Nakakahiya, nakakahiya talaga."

"Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako, di ba? Okay lang sana kung sa single ako na-link, di ba? Ang dami namang single diyan. At saka nakakahiya rin kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba? So, parang nakakahiya, na parang lalabas akong two-timer, parang hindi naman maganda yun. Hindi talaga maganda," says Jennylyn Mercado about getting dragged into the recent issue of married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.


Live na nagsalita si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central kahapon, Linggo, October 30, hinggil sa pagkakasangkot niya sa diumano’y gusot sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Bakit siya nadawit sa isyu? Dahil ba siya ang leading lady ni Raymart sa nagtapos nang soap ng GMA-7 na Futbolilits?

Ani Jennylyn, "Iyon nga ang iniisip ko. Sabi ko, ’Bakit parang masyadong late para sa isang..."

Tapos na ang airing ng show nila...

"Oo, tapos na ang Futbolilits.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.

"Wala talaga akong idea kung paano ito... ano’ng nangyari.

"Bigla na lang, paggising ko, nag-text sa akin ang manager ko [Becky Aguila], ’Ano ito, bakit nadadawit ka sa isyu nilang dalawa?’

"Para sa akin, parang nakaka... masyadong nakakagulat tsaka hindi nakakatuwa.

"Hindi siya... hindi maganda sa paningin, sa pandinig ng lahat ng tao," pahayag ni Jennylyn.

FORMER CO-STAR. Close ba sila ni Raymart sa set ng Futbolilits? Magkaibigan ba sila? Nagte-text-an ba sila? Magkahiwalay ba o magkasama ba sila sa dressing room?

"Well, kaming lahat, magkakaibigan talaga kami sa Futbolilits.

"Talagang nagkaroon kami ng... Nung natapos kami, talagang nag-iyakan kami kasi talagang para kaming pamilya.

"Pero siyempre, pag nasa dressing room... hiwalay naman yung dressing room ng babae tsaka ng lalaki.

"So, hindi naman yung, di ba, magkadikit kami, tapos... Kumbaga, sa take lang kami nagkakausap, ganyan," paliwanag ni Jennylyn.

SALING-PUSA? Na-shock ba si Jennylyn na siya ang itinuturong isa sa mga dahilan sa isyu ng mag-asawang Raymart at Claudine?

"Unang-una, naguluhan ako kasi, parang, ’Ha?! Paano akong nakasali diyan? Paano akong nadamay?’

"Kasi wala naman talaga, e. Ang hirap ipilit ng isyu na wala naman talaga."

Nakausap na ba ni Jennylyn si Raymart tungkol dito?

"Yes," sagot ng StarStruck winner.

"Nakakahiya sa kanila, nakakahiya sa kanilang dalawa.

"Pero ang una kong tinext, si Raymart, na finorward ko yung mga messages ng manager ko na, ’Uy, ano ito? Grabe naman ito!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon lang yung sinabi ko, tapos finorward ko lahat ng message. Tapos yung mga galing sa mga press, finorward ko lahat.

"Tapos sabi niya, ’Puwede ba kaming tumawag?’

"Sabi ko, ’Okay.’

"Tapos sabi niya, ’Kasama namin ngayon, kasama ko ngayon yung isa sa mga boss. Gusto ka naming makausap.’

"Sabi ko, ’Okay, sige!’

"Tapos kinausap ko sila, sabi ko, ’Tita, ano ito, ano pong nangyayari? Kasi bakit bigla po akong nasama?’

"Sabi ko, ’Hindi po talaga maganda.’

"In-explain ko, sabi ko, ’Nakakahiya. Unang-una, nakakahiya kay Ate Claudine.

"’Nakakahiya sa mga taong nakarinig, nakakasira ng pamilya.’

"Tsaka pamilyadong tao.

"Nakakahiya kung pati ako madadamay o ako ang magiging dahilan kung bakit sila naghiwalay o isa sa mga dahilan.

"Nakakahiya, nakakahiya talaga."

Ano pa ang pinag-usapan nila? Nag-apologize ba si Raymart sa kanya?

"Well, sabi nila na... sabi ni Raymart na, pasensiya na ako, nadamay ako dun sa isyu.

"Sabi ko, ’Raymart naman, tulungan ninyo naman ako diyan.’

"Sabi ko, hindi ko ito maipapaliwanag ng ako lang kasi, di ba, siyempre hindi ko mapi-please lahat.

"Hindi ko naman alam kung maniniwala silang lahat sa akin."

LUIS’S REACTION. Ano naman ang sabi ng rumored boyfriend niyang si Luis Manzano tungkol sa isyung ito?

"Nagtataka siya kung bakit daw ako nadadamay dun sa isyu.

"Sabi ko, ’E, hindi ko din rin alam kasi hindi ko rin talaga masasagot ’yan.’

"Pero wala, e, ganun talaga."

May advice ba si Luis sa kanya?

"Wala, walang advice kasi parang nung kinukuwento ko sa kanya, medyo natatawa-tawa lang ako.

"Kaswal na kaswal lang kasi wala naman talaga akong alam, nagulat na lang ako."


MESSAGE FOR RAYMART & CLAUDINE. Sa huli ay hiningan ng mensahe si Jennylyn para kina Raymart at Claudine.

"Sa akin naman, sa aking opinyon, lahat naman ng magkarelasyon o mag-asawa, kahit boyfriend/girlfriend, lahat ’yan may pinagdadaanan, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ’yan sila, may problema talagang pinagdadaanan.

"Hindi puro masaya, hindi parang lagi na lang silang... di ba, laging masaya yung relationship.

"Meron talagang mga moments na talagang mahihirapan sila, may mga... darating at darating na mga problema.

"So, sana maayos nila at sana wala nang iba pang madawit.

"Dahil, unang-una, nakakahiya sa kanila, sa pamilya nila, sa pamilya ko rin.

"Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako, di ba?

"Okay lang sana kung sa single ako na-link, di ba? Ang dami namang single diyan.

"At saka nakakahiya rin kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba?

"So, parang nakakahiya, na parang lalabas akong two-timer, parang hindi naman maganda yun.

"Hindi talaga maganda," saad ng Kapuso actress-singer.

At kung kailan sila nagiging close na ni Governor Vilma Santos, na ina ni Luis, ay tsaka pa lumabas ang ganitong isyu.

"Oo. Isa pa, nakakahiya din sa pamilya ni Luis, lalo na kay Ate Vi," sabi pa ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN