Melanie Marquez cries cheating in vice-presidential race

May 12, 2016
<p>Melanie Marquez reposts on her social media accounts photos which allegedly prove that there had been switching in the tally of votes between Sen. Bongbong Marcos and Rep. Leni Robredo for the vice presidential race.</p>

Sunud-sunod ang naging posts ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez sa social media hinggil sa umano’y dayaan sa bilangan ng boto pagdating sa vice-presidential race.

Sinusuportahan ng Miss International 1979 ang vice-presidential candidate na si Senator Bongbong Marcos, na pumapangalawa lamang ngayon sa nangungunang si Congresswoman Leni Robredo, base sa partial and unofficial tally of votes.

Sa isang screen grab na paulit-ulit na ni-repost ni Melanie, makikita sa main photo ang listahan ng bilang ng boto na kinuha mula sa elections.org.ph

Sa ilalim ng listahan ng vice presidential candidates, makikita na nangunguna si Bongbong na mayroong 12, 993,399 votes; habang pumapangalawa lamang si Robredo na may 12,964,994 votes.

Pero sa inset photo na nakapatong sa main photo, na tila screen grab ng tally of votes mula sa website ng GMA News na Eleksyon 2016, makikita na nagkapalit ang bilang ng mga boto na makikita sa main photo.

Nasa tabi ng pangalan ni Robredo ang bilang ng mas malaking boto, habang ang mas mababang boto ay nasa tapat ng pangalan ni Marcos.

Continue reading below ↓

Mapapansin naman sa captions ni Melanie na naniniwala siyang may dayaang nangyayari sa bilangan.

Sa isang comment sa kanyang Facebook post, pahayag ng dating Miss International: “Itong simpleng tanong ko, na paki-explain ang pag-switch ng pangalan sa resulta at kung bakit ihahalal na Bise Presidente itong si Leni R..., e maliwanag pa sa buwan ang pandarayang ginawa nila!!”

Continue reading below ↓

Caption naman niya sa kanyang Instagram post: “People who Lies [sic], are Thieves & a Cowards!!! They hide from their shadow of darkness, fearful to be recognize [sic] of their deeds!!!

“Paki explain this result!!! How come the exchange of name is being legitimized to be the VP of my beloved country The Philippines?!!”

Sa isa pang caption ni Melanie: “SUCH A DISGUSTING & DECEITFUL BEHAVIOR OF HUMAN'S LIES OF GREED!”

SUCH A DISGUSTING & DECEITFUL BEHAVIOR OF HUMAN'S LIES OF GREED!

A photo posted by Mimilanie Laurel Marquez (@melaniemarquez16) on

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Melanie Marquez reposts on her social media accounts photos which allegedly prove that there had been switching in the tally of votes between Sen. Bongbong Marcos and Rep. Leni Robredo for the vice presidential race.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results