Richard Gomez still with TV5 even if he has a soap with ABS-CBN; hosts The Biggest Show in the World-Asia

Richard Gomez on working for both TV5 and ABS-CBN: "Nasa TV5 pa rin ako. I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I’m doing a soap sa ABS-CBN. I’m doing a show contract with ABS-CBN, not a talent contract na exclusive. Kasi I can’t sign an exclusive contract with ABS, kasi meron pa akong shows sa TV5."


Lumipad na noong Sabado, October 29, bandang alas-tres ng hapon patungong Kuala Lumpur, Malaysia, si Richard Gomez para sa gagawing taping ng pinakabago at pinakamalaking game show ng TV5, ang The Biggest Game Show in The World-Asia.

Ang nasabing show ay pangungunahan ng apat sa naglalakihang TV networks sa Asia—ang RCTI ng Indonesia, Kantana ng Thailand, VTC9 ng Vietnam, at TV5 naman para sa Pilipinas.

Kaya naman nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa NAIA 1 bago siya tumulak papuntang Malaysia, masaya siya at ipinagmamalaki ang pagkapili sa kanya ng TV5 para maging host ng show.

Aniya, "Parang it seems like ako yung maghu-host ng show na ’to [for the Philippine team], kasi iba’t ibang bansa ang maglalaban, e.

"For the team Philippines, meron tayong 30 participants, maglalalaban-laban, matira ang matibay.

"For every country, meron silang host.

"So, pinagsama-sama nila ang iba’t ibang bansa dun, may kanya-kanya kayong show na ginagawa, inside that game show, labu-labo ’to kaya masaya."

Patuloy pa niya, "Malaki yung set-up dun, kasing laki siguro ng Rizal Memorial Complex.

"Sports arena ng Malaysia, gagawin sa Kuala Lumpur."

Apat na bansa ang maglalaban-laban para sa iisang goal.

Kasabay nito, lumipad na rin kahapon via Diosdado Macapagal Airport ang 3o participants ng Pilipinas.

Kabilang sa kanila ang isang indie actor, dalawang reality-show graduates, iba’t ibang modelo, at isang miyembro ng all-male group.


KAPATID O KAPAMILYA? Inusisa na rin ng PEP si Goma kung ano nga ba ang sagot niya sa mga isyung exclusive contract artist na raw siya sa ABS-CBN.

Nakatakda kasing gumawa ng primetime drama series ang aktor sa Kapamilya network, ang Walang Hanggan. Makakasama niya rito ang dati niyang ka-loveteam at kasintahan na si Dawn Zulueta.

Pero paglilinaw ni Richard, "Nasa TV5 pa rin ako.

"I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I’m doing a soap sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m doing a show contract with ABS-CBN, not a talent contract na exclusive.

"Kasi I can’t sign an exclusive contract with ABS, kasi meron pa akong shows sa TV5."

Patuloy pa niya, "Wala, I’m doing a soap for ABS, Walang Hanggan, kasama si Dawn Zulueta. Hanggang dun muna."

Inusisa din namin sa kanya ang pagkakaroon niya ng malalaking show sa dalawang malalaking network, kung paano niya ito hina-handle.

Sagot niya, "Hindi naman conflicting yung mga shows.

"A, kinausap ko muna ang management natin dito sa TV5, sabi ko, tingnan ko kung anong plano nila for a drama show.

"I think nahirapan sila sa programming sa gabi, so ang schedule nila, matagal pa.

"So, ang sabi ko sa kanila, ’Is it possible if I explore doing a show sa ABS-CBN?’

"Sabi nila, Go ahead!’

"Ang bait naman ng TV5, e. For as long as hindi conflicting ang shows, okay lang."

MISSING LUCY AND JULIANNA. Matagal-tagal mamamalagi si Goma sa Malaysia dahil dun kukunan ang buong season ng show. Kaya naman tinanong na rin namin sa actor-TV host kung paano siya nagpaalam sa kanilang unica hija ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez na si Julianna.

"Alam mo, galing ako ng Ormoc, pero kagabi sinabi ko kay Julianna, ’I’ll be gone for quite a while, hindi mo muna ako makikita.’

"Pero sinabi ko na meron namang i-chat at Skype, e, kaya puwedeng magkita gabi-gabi.

"I think the beauty of technology now is that it brings us closer together.

"Dati kasi puro telepono lang, sulat-sulat, with your loved ones.

"Ngayon, basically wala ka dun, pero nagkikita pa rin kayo kaya nababawasan ang pagka-miss sa mga loved ones."

Kay Lucy naman, nagkausap naman daw sila nang masinsinan bago siya lumipad pa-Manila papuntang Kuala Lumpur.

"Kagabi, ang tagal naming nagkukuwentuhan.

"Sabi ko, medyo matatagalan ako kaya pagbalik ko exciting na naman!" tawa ni Goma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbalik ba niya ay baby No. 2 na kaya ang mabuo?

Sagot niyang may halong tawa, "Sana nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN