TV5 executive Perci Intalan confirms talks with John Lloyd Cruz; says Kapatid network has big plans to go with Nora Aunor’s three-year contract

TV5 entertainment and creative head Perci Intalan talks to PEP.ph about the three-year guaranteed contract of Nora Aunor (inset, top) and the talk that transpired between TV5 and Kapamilya actor John Lloyd Cruz (inset, bottom).


Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 entertainment and creative head na si Perci Intalan noong Biyernes, October 28, sa Marriot Hotel, pagkatapos ng contract signing ng Superstar na si Nora Aunor sa Kapatid Network.

Una muna naming inusisa kung ano ba ang nakapaloob sa kontrata ni Ate Guy sa TV5.

Ayon kay Perci, "Hindi ko kayang sabihin lahat yung detalye, pero it’s three years.

"Marami tayong plano, marami tayong gagawin, hindi lang sa TV kundi pati sa pelikula.

"You’ll never know but, hopefully, matuloy yung pagpunta niya sa States para maipagamot na yung ano niya sa throat niya.

"Sana within the three years, matuloy yung inaasam-asam niya na makapag-concert ulit.

"So, it’s going to be an exciting three years."

Kasama sa kontrata ni Ate Guy ang paggawa ng pelikula at isa nga rito ang Hototay, isang co-production sa pagitan ng Regal Entertainment at Studio 5.

Hindi man natuloy ang shooting nito para sana sa Metro Manila Film Festival 2011, matutuloy naman daw ito at a later date.

Bukod sa paggawa ng pelikula, marami pa raw plano ang TV5 sa naturingang "pinakabagong Kapatid" na si Nora Aunor, dahil sa pagkakataong ito, talent contract na ang pinirmahan sa istayson ng Superstar at hindi lamang show contract.

Dagdag pa Sir Perci (na siyang nakakagawiang tawag sa entertainment chief): "Full-length na teleserye ang binabalak namin.

"Merong talent show na pinag-usapan, kasi sa talent show galing si Ate Guy, di ba?

"Na-mention ko na rin naman na yung nakita rin namin, bukod sa pagiging actress, magaling din siya as a host.

"Yung rapport niya sa fans, yun sa mga contestants, lahat yun tini-take into consideration namin."

ON JOHN LLOYD CRUZ. Marami na ring lumitaw na mga pangalan na diumano’y ino-offer-an ng TV5 para maging Kapatid.

Lately, ang pangalan ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz ang sinasabing isa sa mga kinakausap ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang nakakagulat pa, ayon sa mga bali-balita, one million pesos per taping day daw ang offer ng istasyon sa Kapamilya actor.

Nilinaw ito ng PEP kay Perci.

"Wow. Talagang sumegue ka, ha!" biro niya sa amin.

"Ang laking halaga nung napapabalita.

"Ganito na lang, I mean, tatapatin ko... Sino ba naman ang ayaw makatrabaho si John Lloyd?

"So when there was a window of opportunity na makatrabaho siya, siyempre nag-isip tayo, di ba?"

Ang tinutukoy ni Perci ay ang pagtatapos nitong huling bahagi ng taon ng kontrata ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN.

"Nakausap siya ng members of our group. Hindi ko na lang sasabihin kung formal o informal.

"But the bottomline is, there was... Sinabi rin naman niya, e, na there was another network na kinu-consider niya.

"Hindi ko lang alam how seriously niya kinonsider kasi you know naman how loyal he is sa ABS. Hindi pa rin mawawala yun.

"Natutuwa tayo kasi kahit papa’no, pinakinggan niya.

"Now, dun sa amount, kung anu-ano na lang ang lumalabas at ini-speculate ng mga tao.

"Basta alam naman natin kung gaano kalaki at kaimportanteng artista si John Lloyd Cruz.

"I’m just glad na lahat ng tao, itong ini-speculate na amount na ito, this proves kung gaano ka-valuable sa mata ng tao si John Lloyd," saad ni Perci.

Kamakailan lang din ay pumirma na ng panibagong kontrata si John Lloyd sa Kapamilya Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN