Janice de Belen excited to work again with Star For All Seasons Vilma Santos

"I’m happy right now where I am. I appreciate the things that I have, I appreciate the things that I do. Things will fall into place, eventually they will fall into place. In God’s perfect time," says Janice de Belen.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice de Belen sa taping ng birthday episode nito sa Net 25 Studios sa may New Era University.

Bago mag-take ay nakausap namin ang birthday girl at masaya niyang naikuwento ang tungkol sa paggawa niya muli ng mainstream movie kung saan makakasama niya si Governor Vilma Santos.

Ang nasabing pelikula ay ang The Healing ng Star Cinema. Tungkol ito sa paniniwala sa mga faith healers.

Kuwento ni Janice, "It’s with Vilma Santos. Ang role ko dito ay friend of Vilma.

"Makakasama din namin dito sina Kim Chiu, Pokwang, Mark Gil, and Chris Villanueva, directed by Chito Roño."

Na-miss ba niya ang paggawa ng mga ganitong klaseng pelikula?

"May mga indie ako, pero yung mainstream film, parang ngayon lang uli ako gagawa ng mainstream film," sabi ng aktres.

Hindi ito ang unang pagkakataong makakasama niya ang Star For All Seasons, pero excited daw si Janice dahil si Ate Vi ang pangarap ng karamihan na makatrabaho kahit isang beses man lang sa kanilang mga career.

"I worked with her before, ’di ba, dati may show siya, yung VIP?

"Pagka mga holidays, meron silang parang nagda-drama sila. I worked with her there.

"Iba ’tong movie na ’to, ’saka many years after, sobrang many years after, I think mga twenty years ago na yun.

"So to work with Vilma now na parang napaka-exciting, ’di ba?

"Oo, masabi ko man lang na nakatrabaho ko si Vilma Santos.

"Si Ate Guy [Nora Aunor] nakatrabaho ko na siya."

Sina Vilma Santos at Nora Aunor ay nag-reyna sa pinilakang tabing nang sabayan. Sinasabing ang screen rivalry ng dalawang mahusay at premyadong mga aktres ay siyang pinakamatindi sa showbiz history. Sinasabi ring nakatulong ito nang malaki sa pag-usad ng kanilang career.

Kaya ayon kay Janice: "Gusto ko man lang once in my career, masabi ko yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-story conference na raw sila, pero magsisimula ang shooting ng pelikula before the year ends.

JANICE STILL GETS NERVOUS. Maituturing na maning-mani na kay Janice ang pag-arte sa harap ng camera.

Pero pag-amin niya, kinakabahan pa rin talaga siya maski raw baguhan o beterano na ang kanyang mga kaeksena.

"Naman, naman," sambit niya.

"Siyempre may kaba ka, may kaba ka.

"Alam mo, may kaba ako every time I’ll start working. Every time I start in a new project, there’s this kaba, e.

"Kasi siyempre you have to, parang kailangan mong magpakitang gilas, kailangan mong you have to do well.

"Regardless kung baguhan yung kasama mo o magaling, basta ako kinakabahan ako.

"Siguro excitement, siyempre kinakabahan ako, lalo na kay Ate Vi."

BIRTHDAY SURPRISE. Sa November 9 ang 43rd birthday ni Janice at isang nakakakilig na sorpresa ang inihanda ng kanyang staff sa Spoon.

Nakuha nilang maging guest ang all-time crush ng actress-TV host: si Marc Nelson.

Mapapanood sa mismong kaarawan niya ang nasabing episode kung saan naging tameme ang birthday girl.

Hindi na siya nakapagsalita nang lumabas mula sa backstage si Marc.

Pag-amin ni Janice kay Marc, "Super like ko kasi ang abs mo."

At nang kausapin ulit ng PEP si Janice, inusisa namin siya kung kuntento na ba siya sa kung anuman ang meron sa kanya ngayon.

Tugon niya, "I am contented at the moment because there is no permanent contentment.

"Yung idea ng permanent contentment, hindi totoo ’yan.

"When we do something and we’re happy with it, we have to do something better, want something more.

"Right now, I am contented with what I’m doing.

"’Di ko alam siyempre, I may want something else more tomorrow.

"But for now, I’m in a good place."

HAPPY AND SAD. Itinanong din ng PEP kay Janice kung kailan siya huling umiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, "You know, I’m not shy to say that, once in a while, I have a good cry.

"Gumagaan ang pakiramdam mo kung may mabigat kang dinadala.

"Alam mo kasi, hindi naman tayo happy all the time. Hindi naman tayo happy every day."

Pero sa huli, inamin niyang masaya siya sa ngayon dahil sa dami ng oportunidad na naibigay sa kanya.

Aniya, "Happiness, I think, I’m happy right now where I am.

"I appreciate the things that I have, I appreciate the things that I do.

"Things will fall into place, eventually they will fall into place. In God’s perfect time.

"Happines is a state, hindi siya something that you can buy.

"You can’t buy happiness, it can’t be given to you by another person.

"Happiness comes with being at peace with yourself, being at peace with knowing and accepting that you can’t have everything that you want.

"Pag at peace ka, dun sa ideang yun, then that’s where happiness comes in."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN