Mike Tan now feels more at ease doing love scenes

Mike Tan on love scenes: "Sanay na. Iniisip ko na lang kasi na trabaho lang at lahat naman kami, ganoon talaga ang motibo rito sa taping namin. I guess, kung ano ang sinabi ni Direk [Jay Altarejos] na ganito ang gagawin, gagawin namin."


Hindi maitago ang saya ng cast at production staff na bumubuo ng afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Langit dahil sa mataas na rating na nakukuha ng show.

Ganito rin ang pakiramdam ni Mike Tan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa taping ng successful afternoon series sa Fairview, Quezon City.

Naniniwala raw si Mike na lahat ng involved sa show ang dahilan kung bakit sila pinapanood ng tao. Lahat daw kasi sila ay nagko-contribute rito.

"Sobrang saya," pambungad ni Mike, "pero siyempre, hindi ko sinosolo ang credit dahil para rin [ito] kina Carla at Michelle at sa buong production."

Sina Carla Abellana at Michelle Madrigal ang lead female stars ng Kung Aagawin Mo Ang Langit.

First lead role naman ito ni Mike, na kung dati ay naiilang pa raw sa mga love scenes, ngayon ay kumportable na raw siya.

Ayon kay Mike, "Sanay na. Iniisip ko na lang kasi na trabaho lang at lahat naman kami, ganoon talaga ang motibo rito sa taping namin.

"I guess, kung ano ang sinabi ni Direk [Jay Altarejos] na ganito ang gagawin, gagawin namin."

TORN BETWEEN CARLA AND MICHELLE? Mike was also asked kung ano ang difference ng love scenes niya sa dalawang leading ladies na sina Carla, bilang Ellery, at Michelle, bilang Bridgitte.

"Usually kasi, kapag kay Ellery, pure love talaga. Kahit hiwalay na kami, nandoon pa rin ang love.

"Kay Michelle, palaging lust, parang ganoon."

Sa dalawa, kanino siya mas naseseksihan?

"Naku, mahirap sagutin ’yan. Magkaiba kasi silang tao. May pagkakaiba silang dalawa, e.

"Yung isa morena, yung isa maputi. Ang hirap naman i-define kung sino ang mas sexy.

"Kasi, parehas naman silang magaling [umarte]. Parehas silang matalino, pareho silang gusto ang ginagawa nila.

"So, ang hirap i-define kung, ano ba—sexy ang katawan? sexy ang pag-iisip? or sa attitude?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, para sa akin, parehas silang sexy."

NO TO DRUGS! Recently ay nasangkot ang kapwa niya StarStruck alumni na sina Vivo Ouano at Jeric Rizalado sa kasong may kinalaman sa droga. (CLICK HERE to read related article.)

"Sa akin, honestly, ang pagkakasabi ko sa sarili ko, ’Ano ba itong napasukan nitong dalawa?’

"Kasi, naging kaibigan ko sila. Naging kasa-kasama ko sila.

"Kapag nag-a-outing kami nila Mark [Herras], kasama [ang mga] ’yan.

"Kaibigan ko talaga sila."

Mabuti at hindi siya kasama ng dalawa noong mangyari yun?

"Yun ang advantage ko, hindi ako sumasama sa mga ganoon.

"Lumalabas lang ako, sumasama usually kapag marami kami.

"Kasama sina Mark, si Rainier [Castillo].

"Pero, yung sariling lakad na pupunta sa bahay ni ganito, na hindi ko kilala, hindi ko ginagawa yun.

"Mas gusto ko na lang sa bahay."

"Nagkamali lang siguro sila ng taong sinamahan.

"At naniniwala rin ako na hindi naman talaga sila gumagamit [ng prohibited drugs].

"Siguro, hindi naman natin sila masisisi, gusto lang din nila makipagkaibigan."

Hindi raw ka-batch ni Mike ang dalawa sa StarStruck, pero may epekto pa rin kaya ang pagkakasangkot nila sa drugs sa ibang produkto ng talent quest?

"Hindi naman din ganoon kakitid ngayon ang utak ng mga nagbabasa sa diyaryo, nanonood sa TV. Kaya tingin ko, hindi naman."

LOYAL TO GMA-7? Ilan sa mga galing sa StarStruck ang lumipat na sa ibang TV network, sabi ng PEP kay Mike. Siya kaya?

"Choice nila yun, e. Kailangan respetuhin na lang natin kung anong pinili nilang path.

"Kung sa tingin nila, maggu-grow sila ro’n, choice nila yun.

"Ako naman talaga, mas pinipili ko na mag-stay sa GMA[-7]."

COSMO BACHELOR BASH. Muli namang naitanong kay Mike ang tungkol sa pagrampa niya kamakailan sa Cosmo Bachelor Bash.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumabas si Mike sa annual Cosmo parade of bachelors, kung saan ang mga lalaki ay half-naked at nakasuot ng kung ano-anong sexy outfits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang na-offend ang aktor dahil hindi siya masyadong napansin ng audience kahit nagsuot ito ng swimming trunks.

"Hindi ako na-offend," sagot ni Mike, na masasabing tall and lean.

"Sabihin na nating walang gaanong pumalakpak, walang gaanong sumigaw.

"Tinanggap ko yun, kasi alam ko naman sa sarili ko na kababalik ko pa lang. Nagsisimula pa lang ako ulit.

"Maaaring hindi ako natatandaan ng mga tao, or puwedeng sabihin natin na hindi nila ako talaga kilala.

"So, tinanggap ko yun. Sabihin na lang natin na ganoon talaga.

"Masaya naman yung experience and yung mga nangyari ro’n sa backstage.

"Wala, wala akong pinagsisihan."

Dugtong pa niya, "Siguro next year, balik na lang ako ulit at tingnan natin kung ano ang mangyayari."

Willing siyang rumampa muli?

"Yes. Nasabi ko yun sa sarili ko. Sabi ko, ’Subukan ko na lang ulit next year.’"

DARE TO BARE? Ready na ba siyang magpa-sexy o maghubad din sa telebisyon at sa pelikula?

"Siguro kung hanggang saan lang din ang allowed ng MTRCB," sabi ng aktor, na ang tinutukoy ay ang Movie and Television Review and Classification Board.

"Kung sa indie film naman, siyempre talagang pipiliin mo kung ano ang magandang script.

"Sa akin, hindi yung basta pinaghubad. Dapat kailangan sa eksena.

"Tingin ko naman, karapatan ko rin mamili at limitahan ang sarili ko."

Pagkatapos ng afternoon series na pinagbibidahan niya, umaasa ba siya na primetime lead naman ang kanyang next project?

"Actually, paano ba ’to? Ayoko nang mag-expect.

"Nanggaling na ko ro’n na palagi kang nag-e-expect na ganito ang mangyayari.

"Sa akin, kung ano na lang ang gustong ibigay, tanggapin, pagbutihin ang trabaho.

"Ganoon ako ngayon.

"Sabi ko nga, kung ano ang ibigay sa akin, yun ang gagawin ko."

Paano kung ibalik siya sa supporting role?

Katwiran naman ni Mike, "Si Glaiza de Castro nga ginawa, ako pa kaya na si Mike Tan lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Glaiza kasi, magaling na aktres. Gagawin niya kung ano ang ibigay sa kanya.

"So, ako, ganoon din, kung ano ang ibigay sa akin, bibigyan ko rin ng justice ang role."

DREAM LEADING LADIES? Sa huli, tinanong ng PEP kay Mike kung sino sa mga Kapuso stars ang gusto pa niyang makapareha.

"Napag-isipan ko na ’yan. Nandiyan si Glaiza.

"Kasi, para sa akin, si Glaiza yung isa sa GMA [stars] na magaling umarte.

"Si Rhian Ramos, si Sarah Lahbati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN