Megan Young unfazed by delays in the airing of her new soap; focuses on filmmaking studies

Megan Young on the delay in the airing of Hiyas: "Sa raming shows na naka-line up, we have to wait for the right time talaga."

"Parang marketing strategy kung kailan mo dapat ipalabas ang isang show. So far, wala pang sinasabi kung kailan. So, hintay lang kami and we have to wait patiently."


Hindi nababahala si Megan Young kahit hindi pa nakatakdang ipalabas ang bago niyang serye sa ABS-CBN—ang Hiyas.

Ang bagong teleserye ay pang-15 sa Precious Hearts Romances series.

Kasama niya rito sila Zanjoe Marudo, Kristel Moreno, John Arcilla, Cherry Pie Picache at marami pang iba.

Matagal na raw tapos ang kabuuan ng taping para sa naturang serye, pero hanggang ngayon daw ay hindi sila nakakasiguro kung kailan ito e-ere ng ABS-CBN.

Bagamat naantala ang nasabing proyekto, matiyaga naman daw siyang naghihintay.

Naiintindihan din naman daw ng dalaga na ganoon talaga ang kalakaran ng Kapamilya network, na nagsisiguro lamang na maganda ang timing at rating ng bagong serye.

Ito ang ilan sa mga pahayag ni Megan nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sine Sindak Halloween Outdoor Screening ng Cinema One, noong Oktubre 28, sa Mercato Centrale, The Fort, Taguig.

Ayon kay Megan, "Hindi pa siya malagay sa regular na schedule kasi ang dami rin shows na tinatapos.

"Kino-conceptualize pa talaga. Even Lauren [Young], wala pa siyang ginagawa dahil parang kino-conceptualize pa ang show nila."

Tinanong ng PEP si Megan kung hindi ba siya nabibitin na Pebrero pa sila nagsimulang mag-taping, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nae-ere.

Lalo na’t ang Hiyas ang tila unang lead role niya sa isang serye.

"No naman," sagot ng dalaga. "Ang sa akin naman, at least, nagawa ko ’yung trabaho ko.

"I mean, as long as I have work, I’m happy with what I’m doing.

"Pero kung hindi pa siya tamang oras or wala pa siyang nakukuhang time-slot para maipalabas, okay lang sa akin ’yun."

Ano raw ang reason kung bakit hindi pa ito maipalabas?

"Sa raming shows na naka-line up, we have to wait for the right time talaga.

"Parang marketing strategy kung kailan mo dapat ipalabas ang isang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, wala pang sinasabi kung kailan. So, hintay lang kami and we have to wait patiently."

Dugtong pa niya, "Okay lang naman sa akin. Wala naman siyang effect sa akin.

"As long as nagawa ko naman ang part ko and part naman nila ’yung ipalabas, so, wala namang ako ano ro’n."

Hindi maikakaila na ang salitang "hiyas" ay may kontekstong sekswal.

Mayroon nga bang ganitong tema ang kanyang papel sa naturang serye?

Handa na ba siyang sumabak sa pagiging sexy?

"Okay lang," natatawa niyang sabi. "At saka, alam niyo naman ako, hindi naman ako ganoon ka-all-out.

"Siyempre, sinabi ko even kay Direk Lauren Dyogi noong kino-conceptualize pa lang na... ’You know, Direk’...

"Hindi naman ako masyadong out there, hindi ko naman kayang masyadong sexy.

"It’s not just part of me. It’s not something I would do.

"I know that, as an actor, you should do like this, do everything.

"But for me, I believe in having limitations. And I do have my limitation."

Ano ang mga limitasyon niya?

"Well, sinabi ko, ayoko ng love scene...

"Well, abangan niyo, tingnan niyo kung ano ang hitsura ng love scene namin.

’Siguro, it’s more on sa story kami nag-concentrate.

"’Yung Hiyas kasi, double meaning kasi, pero feeling ko nga, ang Hiyas namin ang pinaka-conservative na PHR [Precious Hearts Romances]. Like I’ve said, it’s more on the story."

SCHOOLING. Tulad ng ibang butihing kabataan, isa si Megan sa hindi nagpapabaya sa kanyang pag-aaral.

Plano talaga niya tapusin ang kanyang kurso sa kolehiyo.

Sa katunayan, kakalipat lang niya sa College of St. Benilde para mas matutukan daw niya ang kanyang kursong Film Making.

"Masscom kasi ako dati, ’di ba? So, medyo broad siya for me.

"I want to take up something na mas may focus. ’Yung Film Making kasi, mas focus, so, may two years pa ako. Mahirap din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natapos na kami sa Hiyas kaya bumalik na ako sa school ko.

"In between, ginagawa ko ’yung Sarah-Gerald na movie.

"May part din ako sa Enteng [Ng Ina Mo], at sobrang natuwa naman ako kasi, Enteng, ’di ba?

"Nandoon na ’yung Enteng and everybody watches Enteng, bata man o matanda, and it’s an honor to be part of it."

Sa Enteng, gaganap siya bilang Ina Azul.

WHY FILM MAKING? Pero bakit nga ba film making ang napili niyang kurso?

"Naisip ko kasi, film making, nandoon na rin ang writing.

"I’m in the business na and I have the collection of some knowledge.

"But the thing kasi, I wanna be able to bring out my writing into something else, para ipakita kung ano ba talaga ang puwede mong execution sa writing na ’yun.

"And, I guess, film making is a part of that and I wanted to know more about the technical side.

"May nagsasabi kasi sa akin, ’O, bakit nag-aaral ka pa ng film making, eh, nandiyan ka na? Puwede ka nang magtanong.’

"Sa akin naman, I wanted to learn. Iba pa rin ang nag-aral ka and iba pa rin ’yung alam mo ang technical side to it.

"Ako kasi, gusto ko talaga ’yung behind the scenes. It just so happened na napunta ako in front of the camera.

"But I do appreciate the fact that I am in front of the camera, so to speak. But I really want to be part of the creative team."

AMERICA VS. PHILIPPINES. Isa si Megan sa mga artistang ipinanganak at lumaki sa Amerika.

Pero, kung tatanungin daw ito, sa Pilipinas pa rin niya gustong manirahan.

Diin ni Megan, "Ito na ang home ko. Dito na ko lumaki. Dito na ko kumportable.

"Wala na akong pakialam sa sinasabi nilang mas maganda ang buhay ro’n or whatever, e, dito na ko masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito na ang pamilya ko, mga kaibigan ko. Dito na rin ang trabaho ko at pati school ko.

"At least dito, meron na akong napuntahan kahit paano. I’m...working my way there. Siyempre, 21 pa lang ako.

"Doon, start from zero."


NO BOYFRIEND. Sa larangan ng pag-ibig naman, matagal na raw siyang walang kasintahan.

Noong isang taon pa raw nang maghiwalay sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon kay Megan, "Last year pa kami wala.

"It just didn’t work-out between the two of us. E, may mga ganoon talaga."

Hindi pa siya ulit nagkakaroon ng relationship matapos nung huli?

"Wala naman. May mga nami-meet ako, pero, hindi ko naman nata-taypan. Medyo choosy kasi ako," natatawa niyang sabi.

"Hindi rin naman ako nakakalabas—because of work, because of school."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN