Ritz Azul loses two projects; thankful for project with Lorna Tolentino and Alice Dixson

Ritz Azul on losing two acting projects: "Siguro po parang challenge din po sa akin yun. Parang tinuturuan ako kung paano ako maging matatag at malakas. Natutunan ko rin po na wala pang masasabi na permanent na talaga hangga’t hindi pa nagro-roll ang camera. Kahit nga minsan nagro-roll na napapalitan pa, di ba? At least sa susunod po, alam ko na kung paano ko haharapin yung ganyang pangyayari, alam ko na kung paano i-handle. Alam ko na yung feelin


Akala ni Ritz Azul ay hindi na siya iiyak sa presscon na inihanda ng TV5 para sa kanya at kay Eula Caballero, ang ka-batch niya sa Star Factor.

Ginanap ito kahapon, November 3, sa Wheatberry Restaurant, sa Scout Castor St., Quezon City.

Pero hindi nga napigilang maging emosyonal ni Ritz, kung kailan patapos na ang presscon, habang isa-isa niyang pinasasalamatan ang TV5 management at lahat ng sumusuporta sa kanya.

Luha naman daw ito ng kasiyahan.

Pagkatapos ng presscon ay nakausap si Ritz ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Biniro namin siya na hindi siya nagpatalbog kay Eula, na kung ilang beses umiyak sa presscon dahil nga sa kasiyahang nadarama sa tinatamasa nilang magagandang oportunidad.

Aniya, "Sa totoo lang, hindi ko na siya napigilan talaga.

"Ganun pala yun na pag hindi mo na kayang pigilan, lalabas at lalabas ang luha sa mata mo.

"Kasi yung feeling na lahat ng pagpapasalamat mo, hindi mo alam kung paano sila pasasalamatan.

"Kaya puro pasasalamat na lang na binigyan ako ng chance na ganito.

"Kasi hindi ko talaga in-expect na aabot ako sa ganito."

Marami na raw talaga ang nabago sa buhay ni Ritz sampung buwan pagkatapos niyang maging finalist sa artista search ng TV5 noon, ang Star Factor.

Si Eula ang itinanghal na grand winner.

Ngunit kahit hindi siya nanalo, marami pa ring oportunidad ang dumating sa kanya.

"Marami po ang nagbago sa buhay ko," sambit niya.

"Unang-una, yung pakikihalubilo sa mga tao.

"Kasi before, lagi lang ako sa bahay. Hindi ako marunong makipag-usap sa ganito karaming tao.

"Yung hitsura ko rin po sobrang iba na. Kung makikita n’yo po yung audition ko sa Star Factor, ang laki na ng ipinagbago ng hitsura ko.

"Yung malaking ipinagbago ko rin po yung naging mature po ng konti ang pag-iisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nagagamit ko po iyan sa pag-arte ko ngayon."

Pakiramdam niya ba ay sikat na siya?

"Kung ibe-base po yung noon pa nung nag-start kami, siguro po kilala na kami ng ibang tao.

"Hindi pa po siguro ganun kasikat, pero iyan po ang gustong i-achieve ng Talent 5 para sa amin na sana sumikat kami at maging competitive po kami sa ibang network."

Ang Talent 5 ay ang talent-management arm ng TV5.

FELINA: REYNA NG MGA PUSA. Kaakibat ng daan patungo sa kasikatan ay ang iba’t ibang intriga at pagsubok sa career.

Katulad na lang ng nangyari kay Ritz, na dalawang beses na raw naagawan ng roles at proyekto na originally ay para sa kanya.

Una ay ang title role para sa upcoming afternoon soap ng TV5 na Felina: Reyna ng mga Pusa. Napunta ito kay Arci Munoz.

Ayon kay Ritz, "Sinabi po kasi sa akin na ako yung sa Felina.

"Nag-train na ako, lahat-lahat...ng cat moves.

"Mga ilang days o week lang, sinabi sa akin na si Ate Arci na.

"Siyempre, nalungkot ako," pag-amin ni Ritz.

Tinanggap na lang daw ni Ritz ang nangyari.

Tutal napunta naman daw ang role sa kaibigan niyang si Arci, na naging ate niya sa natapos ng teleserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sabi ni Ritz, "Pero naging masaya ako para kay Ate Arci kasi nag-o-open up naman kaming dalawa. Sisters naman po kami.

"Nag-open up siya sa akin na nalulungkot siya kasi wala pa siyang project.

"Pero noong nalaman ko nga na para sa kanya na yung Felina, natuwa ako para sa kanya."

Inisip ba niyang nagkaroon ng palakasan kaya pinalitan siya ni Arci?

"Hindi po pumasok sa isip ko yun," sagot ni Ritz.

"Ang inisip ko lang po kasi siyempre si Sir Perci, hindi naman po kami pababayaan."

Si Percy Intalan ay vice president at head of creative and entertainment production sa Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman po na alam ni Sir Perci kung saan ako babagay na role.

"At saka nagtitiwala po ako sa Diyos na alam po Niya kung ano ang mas mabuti para sa akin."

Nawala rin naman daw agad ang lungkot niya dahil kaagad din siyang sinabihan ng TV5 na malaking role ang gagampanan niya sa upcoming primetime teleserye na Glamorosa.

"Nung sinabi sa akin na may Glamorosa naman, parang, ’Sana matuloy na!’

"Ganun na yung pumasok sa isip ko kasi mahirap palang magsalita agad kung hindi pa nagro-roll ang camera.

"So, nung sinabi pa na makakasama ko si Miss LT [Lorna Tolentino] at si Miss Alice [Dixson], sabi ko, ’Totoo ba ito? Sana matuloy talaga.’

"Yun nga, thankful naman ako kasi natuloy nga at mapapanood na ang Glamorosa sa November 7."

YESTERDAY TODAY AND TOMORROW. Isa pang project na nawala raw kay Ritz ay ang Regal Entertainment movie na Yesterday Today and Tomorrow.

Ito ay napunta naman kay Eula Caballero.

Ani Ritz, "Nagkaroon po yata kasi ng problema sa casting."

Hindi ba siya nasaktan sa pangalawang beses na napalitan siya sa project na dapat ay para sa kanya?

"Inisip ko nga po na bakit kaya nawawala sila.

"Pero biglang iniisip ko na siguro naman hindi naman ako pababayaan.

"Siguro naman may darating na kapalit.

"At napapansin ko naman na mas malaki naman yung dumarating."

Paglilinaw naman ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde-Teo, na naroon din sa presscon, hindi naman daw nawalan si Ritz ng project.

Kasama naman daw ito sa cast ng Hototay, na pagbibidahan ni Superstar Nora Aunor. Ang Regal at TV5 ang co-producers nito.

Dapat sana ay intended ito para sa Metro Manila Film Festival 2011 nitong Disyembre, pero nag-pull out na ito bilang official entry.

Early next year na raw masisimulan ang shooting nito.

Binigyan din daw ng Regal ng chance si Ritz na makatrabaho si Ate Guy dahil nakasama na ng Superstar si Eula sa Sa Ngalan ng Ina ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May natutunan naman si Ritz sa nangyari sa kanya.

Saad niya, "Siguro po parang challenge din po sa akin yun.

"Parang tinuturuan ako kung paano ako maging matatag at malakas.

"Natutunan ko rin po na wala pang masasabi na permanent na talaga hangga’t hindi pa nagro-roll ang camera.

"Kahit nga minsan nagro-roll na napapalitan pa, di ba?

"At least sa susunod po alam ko na kung paano ko haharapin yung ganyang pangyayari, alam ko na kung paano i-handle.

"Alam ko na yung feeling.

"Sa susunod hindi na po ako masasaktan."

NO RIVALRY WITH EULA. Muli ngang nabuhay ang isyu ng rivalry sa pagitan nina Ritz at Eula dahil sa intriga sa projects nila sa Regal.

Naunang sumulpot ang isyu na ito noong mas naunang nabigyan ng lead role si Ritz sa Mga Nagbabagang Bulaklak kahit na si Eula ang nanalo sa Star Factor.

Pero iginigiit naman ng dalawa na walang rivalry sa pagitan nila at sila ay magkaibigan.

"Para sa akin po, wala po kaming rivalry," ani Ritz.

"And mapapansin n’yo naman po ngayon, siguro po hindi namin magagawang mag-usap at magtawanan kung may rivalry kami.

"Dun sa sinasabi nila na nauna akong nabigyan ng lead role, siguro po sa tingin ng TV5 ay mas bagay sa akin yung role sa Nagbabagang Bulaklak.

"Dumating naman din po yung tamang project para kay Eula.

"Sa totoo lang po, magkaibigan po talaga kaming dalawa at masaya kami sa kung anumang success ang natatanggap ng bawat isa."

WORKING WITH LORNA & ALICE. Proud nga si Ritz na kapalit ng Felina ay ibinigay sa kanya ang isang mahalagang role sa Glamorosa.

Ikinasaya pa niya na pawang mga bigating artista ang kasama niya sa naturang teleserye sa pangunguna nina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

Kasama rin sa cast sina Gloria Diaz, Celeste Legaspi, Ronaldo Valdez, Zoren Legaspi, Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Martin Escudero, Victor Silayan, Meg Imperial, Nonie Buencamino, at Jenny Miller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ritz, "Masaya po ako na may project po ako ulit after Nagbabagang Bulaklak.

"Kasi parang natengga ako ng months, e. Two to three months siguro.

"Nalungkot ako kasi nasanay na ako na may trabaho.

"Nung dumating po yung Glamorosa, sobrang nagpapasalamat po ako.

"Tapos ang gagaling na mga artista pa ang kasama ko.

"Kaya nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho sina Miss LT and Miss Alice."

Bukod sa galing umarte, humanga rin daw si Ritz sa kabaitan ni Lorna.

Kuwento ni Ritz, "Nung first scene po namin ni Miss LT, may scene kasi dun na magbubungguan kami.

"Tapos naapakan niya ako.

"Parang na-feel ko na nanay na nanay ko talaga siya kasi sabi niya agad, ’O, kailangan ng yelo.’

"Yelo na agad, naapakan lang ng konti yung paa ko.

"Parang nahiya nga ako, sabi ko, ’Miss LT, huwag na po. Maraming salamat po.’

"Parang malaking bagay na yun sa akin—yung concern niya, yung care niya sa akin."

Hindi pa raw niya nakakaeksena si Alice sa taping, pero may isang insidente na raw na binigyan siya nito ng advice.

"Nung makasama ko naman po si Miss Alice sa Paparazzi, nasabi ko po doon na kinakabahan ako na makasama sila.

"On air talaga sinabi niya sa akin na, ’Huwag kang kabahan.

"Lahat, pati kami, nanggaling sa ganyang klaseng pakiramdam.

"Huwag kang kabahan. Gawin mo lang ang best mo. Gawin mo lang ang trabaho mo.’"

May pressure ba sa kanya na makatrabaho sina LT at Alice, lalo na nga’t sa billing ay kasunod na ng pangalan ng dalawa ang pangalan niya?

"Pressure po sa akin yun," pag-ako ni Ritz.

"Siyempre, iniisip ko mga best actress na ito, mga batikan na.

"And ako, baguhan, wala pang one year.

"Pressure sa akin kung paano ko sila mapapantayan man lang o kahit malapit man lang sa level nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat nga po ako sa TV5 kasi nung nakita ko yung billing—Lorna, Alice, tapos ako na po ang kasunod.

"Tapos po sina Tito Zoren, Tito Tonton, nasa ibaba ko.

"Hala, shocked talaga ako!"

Kaya naman sabi ni Ritz, gagawin niya ang lahat para mas mapabuti pa ang trabaho niya sa Glamorosa.

Higit pa raw sa acting na ipinakita niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN