POPCOM responds to Senator Tito Sotto’s criticism of the "7th Billion Baby in the World" media campaign

POPCOM Acting Deputy Executive Director Rosalinda Marcelino: "What I know is one of the purposes of launching this is to make people aware that the population in the world, and in the country particularly, is increasing. And every government should prepare for this growth of our population, to be able to provide for the needs of that population."


Kahapon, Nobyembre 3, lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkondena ni Senador Tito Sotto sa isinagawang "7th Billion Baby" media campaign ng Department of Health (DOH).

Ginawa ito ng DOH sa pakikipagtulungan sa United Nations Population Fund (UNPFA).

Sinabi ni Senador Sotto na ang campaign ay "misleading" at estratihiya lamang ng DOH para maisulong ang pag-aapruba sa Reproductive Health Bill. (CLICK HERE for related article)

Hiningi namin ang reaksyon ng DOH hingil sa mga sinabi ng senador.

Nang tawagan namin sila ngayong umaga, Nobyembre 4, sinabi ng aming nakausap, si Mae de Guzman, na mas mabuting makausap ang Commission on Population of the Philippines (POPCOM).

Ang POPCOM, isang ahensiyang napapaloob sa DOH, ang siyang nag-ayos umano ng nasabing campaign.

Nakausap ng PEP si POPCOM Acting Deputy Executive Director Rosalinda Marcelino.

Nilinaw nito na totoong tumulong ang DOH at POPCOM sa paglunsad ng "7th Billion Baby" media campaign.

Ngunit ang kampanya ay brainchild daw ng mismong United Nations (UN).

Bilang signatory ang Pilipinas sa UN, may dahilan sa pagsuporta ng DOH at POPCOM sa kampanya.

Sa salita ni Marcelino: "We’re not the ones who launched the campaign.

"It’s the UNPFA, United Nations Population Fund, who planned this."

At liban daw sa pagiging signatory ng Pilipinas sa UN, sumali ang local health agencies na gaya ng POPCOM at DOH dahil mahusay ang adhikain ng kampanya.

PEOPLE’S AWARENESS. Ang pangunahing adhikain ng kampanyang ito, ayon kay Marcelino, ay ipaalam sa publiko ang patuloy na pagtaas ng populasyon.

Hindi lamang daw sa ating bansa, kundi pati sa buong mundo. Kaya nga raw ang UN na mismo ang nagpasimuno nito.

Ani POPCOM Acting Deputy Executive Director Marcelino: "All of these information and data are coming from the UN [United Nations].

"What I know is one of the purposes of launching this is to make people aware that the population in the world, and in the country particularly, is increasing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And every government should prepare for this growth of our population—to be able to provide for the needs of that population."

Dagdag pa ni Marcelino, hindi lang basta ang paglobo ng populasyon ang kanilang iniisip kundi pati ang magiging epekto nito sa lahat.

"Of course we are also preparing for the impact of this increasing population through other development concerns and issues.

"Like, due to the increasing population we need to provide—for more schools, for more hospitals, for health, for education, for shelter.

"And, of course, we’re concerned about the effect of the increasing population on our environment.

"So these are the things that we hope we can appreciate—that we need to take care of the increase in our population."

NOT AN RH BILL CAMPAIGN. Kasunod ng paglilinaw sa adhikain ng nasabing kampanya, nagbigay ng pahayag si Marcelino tungkol sa mga naging pasaring ni Senador Tito Sotto.

Pambungad ng health officer: "We respect the opinion of our Senator Sotto, but what POPCOM and other population agencies were just saying was that our population in the world and in the country is still increasing.

"We are preparing for the requirements for this increasing population to be able to provide for all the needs of this population."

Iginiit din ni Marcelino na hindi isinagawa ang kampanyang ito para isulong ang pag-apruba ng Reproductive health Bill, o mas kilala bilang RH Bill.

Malaki ang kontrobersyang umiikot sa RH Bill, na naglalayong magbigay ng impormasyon at kalayaan sa mga indibidwal ukol sa pangangalaga sa kanilang reproductive life.

Kabilang na rito ang panganganak.

"Tingin ko naman hindi ginagamit ’yon para do’n," saad ni Marcelino.

"It’s a different thing, ’yong sa RH Bill.

"We all know that there are a lot of debates on the Reproductive Health Bill, but I believe the launching of the 7th Billion [Baby in the World Campaign] is not in any way related or directly related to the approval of RH Bill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman natin ang proseso sa Legislative [branch of the government]. The Legislative will be approving the bill eventually."

Gayunman, ang tanging mahihiling na lang daw nila na mga nagtratrabaho sa POPCOM ay magkaroon ng malawak na pag-iisip ang mga legislators:

"Those who will be approving the bill must also realize that an increasing population has an impact on other development issues."

Sa huli, hindi nga naman mag-i-initiate ang isang agency ng United Nations ng isang kampanya for or against the Reproductive Health Bill.

Sa simpleng kadahilanang ang RH Bill ay isang purely local, Philippine concern.

Sa Philippine congress at senate nakahain ang Bill, at walang kinalaman ang United Nations dito.

Ang pinag-iinitan ni Senador Sotto na "7th Billion Baby" campaign ay global.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN