Janelle Manahan has not been told that boyfriend Ram Revilla is dead, says her dad

Mr. Julius Manahan on daughter Janelle Manahan (in photo): "Ako na lang lagi ang tinatanong niya kung nasaan si Ramgen. Sabi ko, ’Wala kaming alam. Kung saan man ngayon si Ramgen, he’s being taken care of kagaya sa ’yo.’ After that, lagi siyang naluluha."


Hindi pa alam ni Janelle Manahan na namatay at nailibing na ang kanyang boyfriend na si Ramgen "Ram" Revilla.

Ito ang inihayag ni Julius Manahan, ama ni Janelle, sa exclusive phone interview sa kanya ni Cheryl Cosim para sa Aksyon, ang early primetime news program ng TV5, na napanood kanina, November 4.

Ayon kay Mr. Manahan, "Wala po siyang alam as to the exact details or account ng mga nangyari after that.

"Kasi ’pinagbawal sa kanya ng mga doktor.

"Baka makadagdag pa sa trauma niya."

Kuwento pa ng ama ni Janelle, madalas naiiyak ang anak kapag naaalala ang nangyaring pamamaril sa kanila ni Ramgen.

Magkasama kasi sila sa kuwarto sa bahay mismo ni Ramgen nang mangyari ang krimen noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes. (CLICK HERE to read related story.)

Umiisip na lang daw ng sasabihin si Julius sa anak sa tuwing magtatanong ito tungkol kay Ramgen.

Saad ng ama, "Ako na lang lagi ang tinatanong niya kung nasaan si Ramgen.

"Sabi ko, ’Wala kaming alam. Kung saan man ngayon si Ramgen, he’s being taken care of, kagaya sa ’yo.’

"After that, lagi siyang naluluha."

Si Janelle ay sumali sa talent search noon ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nakasabay niya ang nanalong si Erich Gonzales.

SERIES OF OPERATIONS. Mula Legazpi, Albay, kaagad lumuwas papunta ng Manila ang mga magulang ni Janelle nang malamang nadamay ang anak nila sa pamamaril kay Ramgen.

Noong una’y nakahinga pa nang maluwag ang mag-asawang Manahan nang sabihin ng doktor na daplis lamang ang tama ni Janelle.

Pero ang totoong lagay pala ng 22-anyos na dalaga ay dalawang tama ng bala—isa sa ilalim ng kaliwang mata at isa sa kanang balikat.

Sabi ni Mr. Manahan, "Nagulat po kami, kasi nga po medyo konting ano lang siguro difference, e, medyo it could have caused her life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ligtas na sa disgrasya si Janelle.

Pero hindi sa sunud-sunod na operasyon para ayusin ang perhuwisyo ng bala sa kanyang mukha.

Ayon kay Mr. Manahan, "[She’s] slowly recovering... But then medyo okay na naman siya, nakakausap na.

"Medyo bulol nga lang, at madami siyang complaints."

Matatagalan pa raw sa ospital si Janelle.

Sa Lunes, November 7, muli siyang ooperahan sa mukha.

Pagkatapos nito ay kailangan ang matagal na rehab at therapy para makapagsalita at makakilos siya ng mas maayos.

JANELLE’S TESTIMONY. Hiling lang ng pamilya Manahan, sana ay hindi matagalan bago patawan ng hatol ang totoong gumawa ng krimen na ikinamatay ni Ramgen at muntik nang ikasawi ni Janelle.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Janelle ang nagsabi sa mga pulis na ang kapatid ni Ramgen, si Ramona "Mara" Bautista, ang kumatok sa pinto ng kuwartong kinaroroonan nila ni Ramgen.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na ang mga kriminal at pinagbabaril sina Ramgen at Janelle.

Pinagsasaksak din si Ramgen na ikinasawi ng buhay nito.

Dahil sa statement na ito ni Janelle, isinasangkot si Ramona ngayon ng pulisya bilang accomplice sa krimen.

Ang kapatid naman niyang si Ramon Joseph "RJ" Bautista, na nakakulong na ngayon sa Parañaque City Jail, ang itinuturong mastermind ng pulisya sa pagpatay kay Ramgen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN