Senator Bong Revilla condemns sister Ramona Bautista’s move to leave the country; says what she did is "sign of guilt"

Senator Bong Revilla on sister Ramona Bautista’s departure: "Bakit siya nagsisinungaling? Bakit siya tatakas? So, yung sunud-sunod na ginagawa niya, ano ba ito? Kung ano yung iniisip n’yo, yun na rin ang iniisip namin. At siyempre, masakit para sa amin ito. But we have to accept it."


Naglabas ng kanyang saloobin si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. kaugnay ng pag-alis sa bansa ng half-sister na si Ramona "Mara" Bautista patungong Hong Kong sa gitna ng imbestigasyon sa pagpatay ng kapatid nilang si Ramgen Revilla. (CLICK HERE to read related story.)

Isinasangkot ng mga pulis si Ramona bilang accomplice sa krimen.

SIGN OF GUILT. Sa phone-patch interview ni Senator Bong sa late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, November 4, sinabi nito na ang ginawang pagpunta ni Ramona sa Hong Kong ay "sign of guilt."

Aniya, "Ito ay sign of guilt. Hindi siya dapat umalis. Kailangan hinarap niya itong problema na ito."

Kagabi ay namataan si Ramona sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 habang naghihintay na makasakay ng eroplano.

Ipinalabas pa sa Bandila ang isang video kung saan nakitang nagtalukbong ng red scarf si Ramona ng kanyang ulo at mukha upang walang makakilala sa kanya.

Sumakay siya sa Cathay Pacific flight CX902 patungong Hong Kong bandang alas otso ng gabi.

Walang hold departure order para kay Ramona kaya malaya itong nakaalis ng bansa.

Wala ring warrant of arrest na inilalabas laban sa kanya.

IS RAMONA GUILTY? Dahil sa naunang tinuran ni Senator Bong, kumbinsido ba siya na "guilty" sa krimen si Ramona?

Sagot nito, "In the first place, hindi siya dapat umalis.

"Dapat hinarap niya itong mga imbestigasyon kung talagang siya ay hindi guilty.

"Ang dapat malaman natin ngayon ay kung sino ang nagpaalis sa kanya, kung sino ang nag-escort sa kanya para umalis, at ano ang ginawa ng kapulisan kung bakit siya nakaalis."

Ano ang pinaplano nilang gawin ngayon kaugnay ng ginawang ito ni Ramona?

"Yung turn of events sa buhay namin, napakabilis. Puro problema yung dumarating sa buhay namin.

"Ganunpaman, we’ll see what we can do. Kinakapa namin mabuti kung positibo ba na talagang umalis siya o nandito pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung talagang umalis siya, this is a sign of guilt.

"Maski kami, kasama na kami sa magko-condemn sa kanya sa ginawa niyang ito.

"Hindi namin siya mapapatawad dahil ang namatay rito ay kapatid namin.

"Kahit na kapatid namin siya, dapat niyang panagutan ito."

BRINGING RAMONA HOME. Paano nila pauuwiin si Ramona sa Pilipinas ngayong nakaalis na nga ito?

Sagot ni Senator Bong, "Yun din ang hindi ko alam kung paanong gagawin natin, kung paano natin pauuwiin.

"I really don’t know at this point in time. We’ll see what we can do.

"In fact, kita n’yo naman nung hiniling ng kapulisan na si ano [Ramon Joseph, isa pa nilang kapatid] ay imbitahan nila sa presinto.

"Kahit ako’y tinawagan ni Joseph para isalba ko siya, ibinigay ko siya.

"Sabi ko sa pulis, siguraduhin n’yo lang na pag nagsasalita ang bata ay may kaharap na abugado. At make sure that he’s safe.

"So, wala tayong pinagtatago rito, wala tayong itinatago.

"Sabi ko nga, kung talagang hindi guilty ang bata, dapat ay walang ikatakot.

"Harapin niya itong hinaharap sa kanyang kaso."

Nakausap niya ba si Ramona bago ito umalis?

"No, the last time I saw her was the time na hinuli si Joseph. Yun ang huli ko siyang nakita.

"Ni hindi siya um-attend ng funeral ni Ramgen," sabi ni Senator Bong.

NOT KIDNAPPED. Noong nawawala si Ramona at gustong matunton ng pulis, alam niya ba kung nasaan ito?

Diin ni Senator Bong, "I just want to make it clear: she was never in my custody, never.

"Nakasama ko lang si Ramona nung insidente mismo, nung gabi na nandun siya sa Las Piñas station.

"Doon ko siya nakuha at sinabi niya nga na na-abduct siya, same issue kung ano yung ikinuwento niya."

Ang tinutukoy ni Senator Bong ay ang unang salaysay ni Ramona na tinangay siya ng mga pumaslang kay Ramgen noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kahapon ay binawi ni Ramona ang kanyang pahayag sa panayam sa kanya ng ANC, at inaming hindi siya nakidnap. (CLICK HERE to read related story.)

Saad ni Senator Bong, "Kaya nagulat din kami kanina dun sa lahat ng mga sinabi niya sa ANC.

"Talagang yung ginawa niyang pagsisinungaling, we don’t know... ano ba ito?

"We’re all shocked. Yung buong pamilya nagulo."

Paano niya nalaman na nakaalis na si Ramona?

"In fact, nakita lang namin sa ANC nung na-flash.

"Then, may nagkuwento sa amin. So, tsinek namin.

"In fact, nakita ko sa inyo, sa video n’yo, na nakatakip siya ng ulo."

Positibong namukhaan ni Senator Bong ang kapatid sa ama.

RAMONA’S MOM IS MAD AT HIM. Nakausap niya ba ang ina ni Ramona na si Genelyn Magsaysay, o ang iba pa nilang kapatid, ukol dito?

Pero pag-amin ni Senator Bong, "Actually, si Genelyn, galit sa akin dahil bakit ko raw tinurn-over si Joseph sa kapulisan.

"Sabi ko, kung wala naman tayong dapat ikatakot ay harapin niya yung imbestigasyon, di ba?

"Masama ang loob sa akin.

"In-interview n’yo siya diyan sa TV Patrol at inilabas n’yo yun.

"Wala akong magagawa.

"Hindi ako senador ng Revilla family. I’m a senator of this country.

"And ako, maninindigan lang ako sa tama. Hindi ako maninindigan sa mali.

"At kung talagang nagkamali sila, panindigan nila.

"Pero itong ginawa niyang [Ramona] pag-alis, this is a sign of guilt.

"Bakit siya tatakbo in the first place, kung talagang wala siyang kasalanan?"

Kung ganito ang kanyang paniniwala, nangangahulugan din ba ito na maging si Ramon Joseph ay maaaring guilty na rin sa kanyang pananaw?

"Well, sa ginawa ng kapatid niya, it’s really a bad sign. I really don’t know.

"Pero hindi maganda yung ginawa ng kapatid niya.

"Parang lalo niyang inipit yung kapatid niya sa ginawa niyang ito," saad ni Senator Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHE LIED. Sa interview ni Ramona sa ANC, inamin nito na nagsinungaling siya sa pulis. Hindi raw totoong kinidnap siya.

Ano ang comment ni Senator Bong dito?

"That’s true, I heard it. Talagang nakakagulat.

"Bakit siya nagsisinungaling? Bakit siya tatakas?

"So, yung sunud-sunod na ginagawa niya, ano ba ito?

"Kung ano yung iniisip n’yo, yun na rin ang iniisip namin.

"At siyempre, masakit para sa amin ito. But we have to accept it.

"I really don’t know...

"I hope you understand kung ano yung nararamdaman ng pamilya namin ngayon.

"Namatayan kami ng kapatid, tapos eto, accused yung dalawang kapatid pa namin.

"I really don’t know," tila nagugulahan niyang sabi.

SENATOR REVILLA. Kumusta na ang kanyang ama na si dating Senator Ramon Revilla, Sr.? Paano nito tinatanggap ang mga ganitong balita?

Sabi ni Senator Bong, "Actually, my dad is feeling bad about this. I just hope he’ll be okay."

Ano ang kanyang mensahe sa mga manonood kaugnay sa pinakabagong kaganapang ito sa kanilang pamilya?

"Muli, mga kababayan, ipinaaalam ko po sa inyo na hindi po natin ito-tolerate yung mga ganyang gawain. Basta tayo’y maninindigan sa tama.

"Umasa kayo na kasama n’yo po ako para patunayan ang katotohanan.

"The rule of law must prevail. Justice for my brother and let the guilty be punished."

Nagpaunlak din ng phone-patch interview si Senator Bong sa late-night news program ng GMA-7, ang Saksi, at halos ganito rin ang kanyang naging pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN