Michelle Madrigal happy that viewers don’t hate her in kontrabida role; some actually like her

Michelle Madrigal on viewers’ reaction to her portrayal of Bridget in Kung Aagawin Mo Ang Langit: "Kung hindi sila nagagalit, ibig sabihin hindi nila ako nararamdaman... Pero natatawa sila, ’Ang bad mo, Bridget magaling ka po.’ Iyon yung tini-tweet nila, unlike pag kontrabida ka minsan, ’Ang sama mo, ayoko sa yo!’"


Natutuwa si Michelle Madrigal na kahit maituturing na bida/kontrabida siya bilang si Bridget sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, hindi naman lahat ng viewers ay "galit" sa kanya.

"May mga nagtu-tweet sa akin na nasa side ko. Nakakatuwa na hindi siya yung typical story na sa bida lang kumakampi.

"Kumbaga sa amin, may kanya-kanya sila kung sino ang gusto nila."

Hindi siya worried na may nagagalit kay Bridget.

"Hindi, kasi mas natutuwa nga ako.

"Ibig sabihin effective yung ginampanan kong role, yung binigay sa akin, nagampanan ko ng maayos.

"Kasi kung wala silang reaksyon sa akin, ibig sabihin hindi masyadong maganda yung performance ko, di ba?

"Kung hindi sila nagagalit, ibig sabihin hindi nila ako nararamdaman...

"Pero natatawa sila, ’Ang bad mo, Bridget magaling ka po.’

"Iyon yung tini-tweet nila, unlike pag kontrabida ka minsan, ’Ang sama mo, ayoko sa yo!’

"Sila, yung mga tweet [nila], ’Alam ninyo po, ang galing-galing ninyo po.’

"So parang sobrang natutuwa ako. Parang ngayon, lagi lang akong nakangiti.

"Tapos ang taas pa ng ratings, ang story namin, paganda pa nang paganda."

LOVE SCENES. Kumusta sila ni Mike Tan na leading man dito sa KAMAL bilang si Jason?

Noong una ay naibalitang naiilang si Mike kay Michelle sa mga love scenes nila.

"Kasi nung nakatrabaho ko naman siya sa [Captain] Barbell, hindi naman namin naisip na ipe-pair kami, di ba?

"Pero ngayon normal na sa amin. Si Direk [Jay Altarejos], ’O may love scene na naman kayo!’

"Tatawa na lang kami. ’Meron na naman?’ E mag-asawa kami dito, so normal lang yun.

"Okay na kami, yung bonding naman kasi nga namin, pag kumakain, lunch/dinner, magkakasama talaga kaming lahat ,so minsan sa isang malaking room lang kami so...

"Tsaka konti lang, so magkaka-ilangan pa ba kami?

"Kami-kami na lang, ilan lang kaming artista dito, tapos hindi pa ba kami mag-uusap-usap? Iyon, tulungan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagseselosan raw siya ng non-showbiz girlfriend ni Mike?

"Wala naman siyang dapat ikaselos sa akin, work lang yun, work lang.

"Hindi naman niya kailangang mag-alala kasi yung mga ganun namin ni Mike, hanggang trabaho lang.

"At saka alam ko namang may girlfriend siya, ano ba, di ba?"

Ang tini-tweet na ngayon ni Neil Etheridge ay si Sam Pinto; noon ay si Michelle ang laging ka-tweet ng Azkals member.

"Alam ko yan! Kasi kaibigan ko si Neil, sinabi niya sa akin na crush niya si Sam."

Dati ay ina-"I love you" ni Neil si Michelle sa Twitter...

"Di ba sinabi ko sa inyo hindi ako kailangang i-tsismis kay Neil? Kasi he’s really a friend.

"He actually told me na ’Hey Mitch, I wanna meet Sam’ and all that. Kasi they did a commercial.

"Alam ko yan. Bago pa niya i-tweet si Sam, ’Hey I think Sam Pinto’s cute!’

"Sabi ko, ’Oh, he likes her!’ Ganun kaming magkaibigan ni Neil.

"Walang dapat gawan ng isyu kasi hindi naman siya nanligaw sa akin. Kaibigan ko lang siya."

Ang tweet na raw ni Neil ngayon kay Sam ay ’You never reply anymore.’

"Hindi ko na alam yun. E, hindi na pala nagre-reply sa iyo," ang tawa nang tawang reaksyon ni Michelle.

DESCRIBING HER ROLE. Sa KAMAL, si Bridget ang surrogate mother ng anak nina Jason at Ellery (Carla Abellana).

Kaya ba ni Michelle na maging surrogate mother sa tunay na buhay?

"Hindi ko po alam kung kaya ko."

What if best friend niya ang makiusap?


"Parang hindi ko nga alam. Alam mo, pag nalagay ka sa sitwasyon na ito, itong story namin, ang bigat ng mga characters.

"Kaya talaga ako napamahal [sa bata] dahil ako nagpalaki, ganyan. Kaya lahat ng ways ginagawa niya [Bridget] para hindi mawala sa kanya, kasi seven years e, siya ang nagpalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang nanganak. Parang ang hirap i-let go, di ba, nanggaling sa katawan mo, ikaw ang nagpalaki, tapos ibibigay mo lang sa iba?"

Kung ang super-close sa kanya ang mag-request?

"Alam mo, hindi ko pa alam. Kung sa kapatid ko, baka magawa ko pa yan.

"Siguro po kasi kapatid ko siya. Kung talagang magmamakaawa siya sa akin, at pag ready na akong i-give up ang sexy body ko," pabiro niyang sabi.

"At least aminado ako, hindi ako nagpapaka-plastic na oo agad ako.

"Pero kasi alam ko naman kung sa... kapatid ko, lagi kong makikita yung baby, di ba?

"Kaya pag sa kapatid ko parang puwede, e. Kasi kahit best friend kasi, hindi mo alam kung... baka mag-away kayo dahil sa bata, di ba or ewan ko."

Sa kuwento ng KAMAL, sino sa tingin niya ang mas may karapatan sa bata: ang surrogate o ang tunay na ina?

"Technically si Ellery kasi egg cell niya yun, e.

"Pero siyempre ipagtatanggol ko si Bridget, kasi siyempre ako nag-alaga, ako naghirap, e.

"Kasi iba ang story nito, e. Kung sa totoong buhay, alisin mo yung lalaki, madali kasing mapag-uusapan e.

"Pero may involved... iisa lang din ang asawa namin, e.

"Feeling niya inagaw ko ang asawa niya, so mas mahirap talaga yung conflict.

"Unlike kung yung baby lang talaga yung usapan ninyo, tapos hindi naman siguro siya [Ellery] na-coma ng seven years, madali sana na i-give up ni Bridget yun.

"Yung pagkapanganak after a few days ibinigay, okay.

"Pero yung attachment mo sa bata? Parang pag nag-ampon ka, napulot mo yung bata, inalagaan mo nang matagal, biglang kakatok yung nanay, ’Anak ko yan, iniwan ko yan sa gate mo 10 years ago!’

"Parang, ano, ganun-ganun na lang? After kong alagaan, ibibigay ko sa iyo? Siyempre hindi, di ba?"

Kahit hindi niya tunay na dugo at laman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kasi ikaw nagpakahirap dun e, na-attach ka na sa bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN