Ervic Vijandre makes light of his edge over Brapanese hunks: "Mas magaling ako mag-Tagalog sa kanila, di ba?"

Ervic Vijandre is not worried that his talent management, Mercator, may be giving more attention to Brapanese talents like Akihiro Sato, Fabio Ide, Hideo Muraoka and Daniel Matsunaga.

"Siguro mas kailangan po nila talagang alagaan kasi, siyempre, wala naman silang kamag-anak dito. Kami naman, kung wala naman kaming trabaho, meron naman kaming masasandalan na pamilya namin," Ervic says. "Kumbaga, libre naman yung bahay namin, di ba? May magpapaka


"Ako po si Borge, best friend ni Carl [TJ Trinidad], na leading man ni Sarah Lahbati," umpisang kuwento ni Ervic Vijandre sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa papel na gagampanan niya sa Kokak, ang bagong afternoon series ng GMA.

Nakausap ng PEP si Ervic kagabi sa 17th floor ng GMA TV Complex para sa seryeng pagbibidahan ni Sarah, na gumaganap na Kara.

Si Kara ay isang babae na dahil sa sumpa ay nagiging palaka kapag nababasa ang paa.

Tinanong naman ng PEP si Ervic kung hindi ba siya dumating sa point na nabagalan siya sa career niya at gusto na niyang maging lead star sa isang teleserye?

Hindi ba siya nag-demand sa GMA na gawin na siyang leading man?

"Ah hindi, hindi po! Sobrang bago ko pa lang, wala pa akong isang taon [sa showbiz] so wala naman akong ganun," saad pa ng binata.

Si Mikael Daez, baguhan din pero nag-lead na agad sa Amaya bilang isa sa mga kapareha ni Marian Rivera, ang ex-girlfriend sa tunay na buhay ni Ervic.

Pero mas nauna pa si Ervic sa showbiz kaysa kay Mikael.

"Sa akin naman po, may kanya-kanya kaming landas kung saan kami pupunta.

"Kung mas nauna siya na mabigyan ng break, okay lang sa akin yun.

"Kasamahan ko naman siya [sa Mercator Artist and Model Management]."

So wala siyang nararamdamang inggit kay Mikael?

"Ah wala, wala naman po! Kumbaga, kami po kasi parang suportahan.

"Iisang pangalan lang naman po yung dinadala namin, yung Mercator, so kung suwertihin siya... damay na rin po kami dun kahit papaano.

"Matutulungan na rin po kami nun. So iyon, tulungan lang po, wala namang inggitan."

BRAPANESE EDGE. Hindi ba rin siya nagrereklamo na baka mas inaalagaan ng Mercator ang mga Brapanese talents na tulad nina Akihiro Sato, Fabio Ide, Hideo Muraoka at Daniel Matsunaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro mas kailangan po nila talagang alagaan kasi, siyempre, wala naman silang kamag-anak dito.

"Kami naman, kung wala naman kaming trabaho, meron naman kaming masasandalan na pamilya namin.

"Kumbaga, libre naman yung bahay namin, di ba? May magpapakain naman sa akin, yung parang ganun.

"Sila naman kasi, kung wala silang maging trabaho parang mababaon sila sa... Paano sila makakabayad sa renta nila, mga expenses nila?

"Hindi naman sila tagarito. So okay lang din kung ganun."

Ano naman sa tingin niya ang edge niya over the Brapanese hunks?

"Mas magaling ako mag-Tagalog sa kanila, di ba?" sabay tawa ni Ervic.

"Tsaka pag kailangan ng Pinoy na Pinoy e, di ako na yun," at muling tumawa ang male star.

"Iba-iba naman kasi ang market namin e, so sa akin okay lang din kahit ano naman.

"Basta ako, thankful ako nagkaroon ako ngayon ng project na ganito. Napasama ako sa Kokak, iyon."

PROJECTS. Hindi naman siya halos nababakante sa projects. Bago nito ay kasama siya sa Captain Barbell na sinundan ng Spooky Nights.

"May three months po akong nabakante."

Ano ang linya na mas gusto niya?

"Nung una po kasi, first time ko, medyo fantaserye.

"Dito [sa Kokak], first time kong mag-drama so gusto ko po sanang i-try lahat. Kahit ano.

"Nag-horror na rin pala ako, may movies ako ngayon na parating.

"Yung Shake Rattle & Roll sa Metro Manila Film Festival, sa ’Tamawo’ episode ako, parang mga taong lupa [ang mga Tamawo].

"Tsaka may ginagawa po kaming movie din, yung Ded Na Ded Sa ’Yo sa Regal [Entertainment Inc.].

"Kasama ko po dito sina Ruffa Gutierrez, tsaka si Gabby Concepcion, tsaka si Pokwang, tsaka si Kerbie San Jose [na kasamahan din ni Ervic sa Mercator].

Si Kerbie ang pumalit daw kay JC Tiuseco who had to back out of the movie dahil sa ACL operation nito sa tuhod kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURVIVOR. May bago ng Survivor Philippines at isa si Ervic sa mga Survivor castaways sa Celebrity Edition ng reality show.

Looking back, kung tatanungin siya, sasali ba siya ulit?

"Oo! Alam mo, yan yung parang sobrang nakaka-excite—yung ganitong panahon sa kanila.

"Kumbaga nakabalik na sila, tapos papanoorin nila yung sarili nila, siyempre, sobrang... ito yung mga times na kinikilabutan ako pag naaalala ko.

"Sobrang hindi ako makatulog.

"Ito sa kanila yung crucial stage na parang ’Ano nangyari?’

"Parang hindi pa sila makatulog. For sure, may mga tao na hindi pa nakakatulog nang maayos.

"Baka yung iba diyan biglang magtabaan kasi, siyempre, baka malula sila.

"Biglang ngayon, may pagkain...mga ganun.

"So malaki ang magiging epekto nun sa buhay nila.

"Kahit ako minsan, hindi ako makatulog pa rin.

"Alam mo ba yung nag-iisip pa rin ako ng plano, nagpa-flashback sa akin kung anong gagawin ko, na parang dapat ganun ang ginawa ko, yung mga ganun.

"So kung may offer siguro na sumali uli, kung wala naman akong ginagawa, sasali ako."

HOW FAR WOULD HE GO? Pagdating naman sa offers ng pagpapaseksi, hanggang saan ang kaya ni Ervic?

"Depende siguro sa manager ko ’yan," na ang tinutukoy ay si Jonas Gaffud ng Mercator.

Butt exposure kaya niya?

"Kaya naman po siguro, kaya naman po."

Lampas pa doon ay kaya rin niya?

"Ah depende po sa manager ko, pero kung mga ganun-ganun, okay lang, wala naman akong itinatagong mga..." sabay-tawa ni Ervic.

Frontal nudity in an indie movie, kaya niya?

"Ah iyon lang siguro ang hindi ko kakayanin."

Bukod kina Sarah Lahbati, TJ Trinidad, at Ervic Vijandre, nasa Kokak rin sina Gary Estrada bilang Renato, Jessa Zaragoza bilang Angela, Angelika dela Cruz bilang Vicky, Deborah Sun bilang Veronica, at si Ms. Caridad Sanchez bilang Tiya Berta.

Kasama rin sa afternoon serye sina Frencheska Farr bilang Rafa, Vaness del Moral bilang Elizabeth, at si JC Tiuseco bilang Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Kokak ay sa direksyon ni Ricky Davao. Ipapalabas ito sa Nobyembre 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN