Senator Bong Revilla appeals to Genelyn Magsaysay, mother of Ramona Bautista: "Pabalikin mo ang anak mo. Kung talagang walang sala siya, pabalikin mo."

Senator Bong Revilla appeals to Genelyn Magsaysay (in photo), mother of Ramona "Mara" Bautista, the senator’s half-sister who is a suspect in the October 28 slaying of Ramgen Revilla: "Ako’y nanawagan sa nanay ni Mara na si Genelyn. Pabalikin mo ang anak mo. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam na aalis ang anak mo. Pabalikin mo ang anak mo. Kung talagang walang sala siya, pabalikin mo. Para maging maliwanag ang lahat, dahil anak mo ang biktima, anak m


Ramdam ang bigat ng kalooban ni Senator Bong Revilla nang kausapin siya ni Lolit Solis via phone patch sa Startalk TX noong Sabado ng hapon.

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya ang senador sa pag-alis ng kapatid nito sa ama na si Ramona "Mara" Bautista.

Kaya nanawagan ito sa ina ni Ramona na si Genelyn Magsaysay na pabalikin ng bansa ang kanyang anak.

"Ako’y nanawagan sa nanay ni Mara na si Genelyn. Pabalikin mo ang anak mo.

"Hindi ako naniniwala na hindi mo alam na aalis ang anak mo.

"Pabalikin mo ang anak mo. Kung talagang walang sala siya pabalikin mo.

"Para maging maliwanag ang lahat, dahil anak mo ang biktima, anak mo ang pinatay.

"Si Ramgen, anak mo. Mahal ka ng anak mo, alam mo yun.

"Kailangan mabigyan siya ng hustisya," pakiusap ni Senator Bong kay Genelyn.

Pinaslang si Ramgen Revilla sa kanyang tahanan sa Parañaque nuong October 28.

RAMONA HAS A HUSBAND IN TURKEY. Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may asawa na pala si Ramona na nasa Turkey.

Ayon sa ilang malapit sa pamilya, nung namatay si Ramgen, gusto na raw nitong umalis patungong Turkey.

Pinigilan lang ito ni Andrea Bautista-Yñares, kapatid na buo ni Bong, at pinakiusapan na hintayin munang matapos ang libing ni Ramgen.

Kaya malaking palaisipan daw sa Revilla/Bautista family na umalis pa rin si Ramona patungong Hongkong sa gitna ng pagkakapatay sa kanyang kapatid na buo at ng pagkakasangkot sa kanya sa krimen.

May haka-hakang baka tumuloy na ito ng Turkey.

"Sobrang sakripisyo ito ng pamilya namin," bahagi pa rin ng pahayag ni Senator Bong sa pakikipagpanayam sa kanya ni Lolit Solis sa Startalk TX.

"On our side, wala kaming kasalanan dito sa aspetong ito.

"Pero, dahil Revilla, nadadawit ang buong angkan. Ang buong Bautista na walang kinalaman.

"Kaya ang gusto lang namin malaman... ang totoo, kung sino talaga ang gumawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lumalabas na depensa, sa lumalabas na mga ginagawa nila...na parang may sign of guilt.

"Bahala na po ang taong humusga."

FACING THE PRESS. Kinagabihan ng Nobyembre 5, humarap si Senator Bong sa ilang miyembro ng media sa Acacia Hotel sa Alabang, Muntinlupa, para magbigay ng statement.

Bahagi ng inihanda niyang pahayag: "Kung ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay kay Ramgen ay magtatapos sa pagkamit ng katarungan, kahit sino pang tamaan, malugod itong tatanggapin ng aming pamilya.

"Nalulungkot tayo sa mga development sa kasong ito, subalit hindi ito magpapahinga sa atin para maghangad ng katarungan sa pagkamatay ni Ramgen at malubhang pagkakasugat ni Janelle.

"Sa bahagi ng PNP [Philippine National Police], ako ay nananawagan sa inyo na gawin niyo ang nararapat gawin ayon sa inyong mandato bilang alagad ng batas.

"Walang sino man ang puwedeng humadlang sa proseso ng batas.

"I am making an appeal to the Department of Foreign Affairs to exert legal and diplomatic efforts, and to the PNP to coordinate with Interpol, to bring Ramona back to the country and face our justice system.

"Hangad natin na magkaroon ng agarang solusyon ang kasong ito upang mabigyan ng katarungan ang pagpatay kay Ramgen at tangkang pagpatay kay Janelle."

Kinumusta ng press kay Senator Bong ang kalagayan ng kanilang ama.

Sinabi nitong kinausap daw siya ng dating Senador Ramon Revilla, Sr. na kay Bong na ipinaubaya ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

Ipinagbilin daw sa kanya na kung ano ang magiging resulta ng imbestigasyon, dapat itong panagutan ng kung sino man ang tunay na salarin, kahit sino pa siya.

Nilinaw din nito ang isyu tungkol sa sustentong ibinigay ng kanilang ama sa mga anak nito kay Genelyn.

Napag-usapan daw sa Internet sites na hindi pantay-pantay ang pagbigay ng dating Senador Ramon Revilla Sr. kina Ramgen at sa mga kapatid nito, kaya nagkaroon ng inggitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoo yun. Ayon sa aking pagkakaalam, hindi nagkulang ang Daddy.

"Hindi sila napabayaan," pakli ni Senator Bong.

Sa ngayon ay gusto na ring paimbestigahan ni Senador Bong ang diumano’y VIP treatment na ibinigay daw ng ilang NAIA officials kay Ramona.

Gusto niyang malaman kung sino ang nag-utos sa NAIA na bigyan si Ramona ng VIP treatment para matuloy ang pag-alis nito pa-Hongkong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN