Tonton Gutierrez and Glydel Mercado look forward to baby No. 2

Tonton Gutierrez, who appears in the serye Glamorosa prefers working as a freelancer for all three networks.

"Kasi tatlong network yung tatakbuhin mo e. Kumbaga, so far naman hindi pa tayo nawawalan ng projects sa tatlong stations (TV5, GMA-7, at ABS-CBN). So, mas okay para sa akin," he says.


Mahalaga raw ang role na ginagampanan ni Tonton Gutierrez bilang si Giorgio sa bagong primetime teleserye ng TV5, ang Glamorosa, na mapapanood na simula sa Lunes, November 7, pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

May itinatago raw kasi siyang malaking sikreto tungkol sa character na ginagampanan ng isa sa mga bidang si Lorna Tolentino bilang si Dra. Natalia Herrera.

"Kababata ako ng mga Herrera, family friends. Tapos biyudo ako rito, na later on ay mapapangasawa si Natalia Herrera.

"Pero may hawak akong sikreto tungkol sa buhay ni Natalia," pagbubunyag ni Tonton.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tonton sa presscon ng Glamorosa na ginanap kagabi, November 5, sa Meralco Lighthouse sa Meralco Bldg. sa Ortigas, Pasig City.

May kinalaman ba ang sikretong ito sa character na ginagampanan ng TV5 princess na si Ritz Azul?

"Yun ang kailangan n’yong abangan dahil hindi pwedeng sabihin. Pag sinabi, wala na."

STILL A FREELANCER. Bagama’t nakapag-guest na si Tonton sa Untold Stories Mula sa Face to Face ng TV5, ang Glamorosa ang una niyang full-length teleserye sa Kapatid Network.

Paglilinaw pa niya, hindi raw siya exclusive sa TV5 at per project lang ang kontrata niya.

"Ano pa rin ako per project pa rin, freelancer pa rin ako."

Mas okay ba ang pagiging freelancer kaysa exclusive talent ng network?

"In terms of ano... kasi tatlong network yung tatakbuhin mo e.

"Kumbaga, so far naman hindi pa tayo nawawalan ng projects sa tatlong stations (TV5, GMA-7, at ABS-CBN).

"So, mas okay para sa akin."

Kumusta naman ang pag-aalaga ng TV5 sa kanya?

"Maganda, okay, no complaints.

"Kasi nakatrabaho ko na rin before sa ibang stations hindi lang yung ibang mga artista kundi pati yung production staff."

"Malaki ba talagang magbayad ng talent fee ang TV5 katulad ng naglalabasang isyu kaugnay ng paglipat ng bigating stars mula sa ibang networks?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No comment. Basta masaya ako dito sa TV5."

WORKING AGAIN WITH LT. Happy naman si Tonton na muli niyang katrabaho si Lorna sa Glamorosa. Magkasama rin kasi sila sa huling teleseryeng ginawa nila sa ABS-CBN, ang Minsan Lang Kitang Iibigin.

"Walang problema kay LT. Pareho kami ng manager, si Nay Lolit [Solis].

"Tapos yung last project namin, kami rin ang magkasama.

"So, okay lang, relax na relax lang kaming dalawa."

Ano ba ang kahanga-hanga kay Lorna?

"Hindi siya mahirap katrabaho. She’s very down-to-earth, very grounded.

"Tapos very supportive when it comes to acting.

"Hindi siya yung suwapang na artista, kumbaga marunong siyang tumanggap at magbigay."

Bukod kina Tonton at Lorna, kasama rin sa cast ng Glamorosa sina Alice Dixson, Gloria Diaz, Ronaldo Valdez, Celeste Legaspi, Tonton Gutierrez, Zoren Legaspi, Lotlot de Leon, Nonie Buencamino, Ritz Azul, Martin Escudero, Victor Silayan at Meg Imperial.

Sa direksyon naman ito nina Eric Quizon, Argel Joseph at Joyce Bernal.

SECOND DAUGHTER. Kinumusta rin ng PEP kay Tonton ang asawa nitong si Glydel Mercado. Balita kasing malapit na itong manganak.

"She’s okay. Kabuwanan na niya ngayong November.

"Baka manganak siya anytime, siguro second or third week of November."

Ang maselang kalagayan daw ni Glydel ang dahilan kaya nagpasya itong iwan ang teleserye nito sa ABS-CBN, ang My Binondo Girl, kung saan pinatay na ang character niya.

Pangalawang anak na nilang mag-asawa ang isisilang ni Glydel at pareho itong babae.

Ang panganay nilang si Aneesa ay seven years old na.

May pangalan na ba ang second baby nila?

"Meron na, Aneeka Marie."

Ano ang sabi ng panganay nila sa parating na baby?

"Masaya, she’s excited to have a little sister."

Ayon kay Tonton, na-i-prepare na raw nila si Aneesa sa pagkakaroon ng kapatid.

Malayo rin daw ang agwat ng edad ng dalawang bata kaya hindi na magkakaroon ng inggitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gusto nga sana namin mga two or three years lang ang gap. Pero hindi nangyari e.

"It took us seven years para masundan ulit. Ang tagal nga e.

"Actually, iniisip na nga namin na isa na lang ang magiging anak namin e. Lalo na ako, naka-set na ako.

Sabi ko, ’A, okay. Kung ganito talaga ang tadhana para sa atin. Isa lang ang anak natin.’

"Pero one day she comes home telling me, ’Babe, I’m pregnant!’

"Natulala pa nga ako, parang nakatingin lang ako na nakabuka yung bibig ko," kuwento niya.

Blessing daw talaga ang pangalawang anak nila dahil nahirapan si Glydel na magbuntis noong una.

"Pero this time mas okay. Kasi yung dati talagang mahirap siyang mabuntis.

"With our first child medyo nag-spotting.

This one, our second one, normal siya, walang spotting.

"Mas makapit ngayon. Kaya another angel is coming [into] this world."

Dahil parehong girls ang mga anak nila, may balak pa ba silang sundan ito para magkalalaki naman?

"E ayaw na ni Glydel, e. Pero we’ll see. Syempre gusto ko rin naman magkaroon ng boy.

"Sabi nga sa akin ni Monching [Ramon Christopher, half-brother niya sa ama nilang si Eddie Gutierrez], ’Ako nga bro, dalawang babae tapos biglang lalaki.’

"So, yun. We’ll see. We’re not closing our doors. Kung ibibigay ni God na magkaroon pa kami ng isa pang anak, e di okay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN