Eric Quizon gives update on Dolphy’s condition: "He’s OK, he’s out of the ICU... nothing to worry naman."

Eric Quizon on directing the TV5 serye, Glamorosa: "Well, maganda yung istorya, maganda ang cast, formidable cast and staff, maganda ang production values. It’s something different. Ang pinaka-fear ko lang, sana hindi siya maging mataas sa tao. Alam mo naman, kailangan masa pa rin. Kaya I make it a point na mayroon kaming ingredients na pang-masa pa rin."



Isa si Eric Quizon sa mga artistang nagsimula bilang aktor pero kalaunan ay pumasok din sa mundo ng pagdidirek.

Sa ngayon ay direktor siya ng serye sa TV5, ang Glamorosa, na magsisimula na bukas, November 7, pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Isa ito sa malalaking proyekto na pinagkatiwala ng Kapatid network kay Eric, lalo’t ito ang kauna-unahang teleserye ni Ms. Lorna Tolentino sa nasabing istasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Eric kagabi, November 5, sa presscon ng Glamorosa, siniguro ng actor/director na maraming dapat abangan sa dinidirek na serye.

"Well, maganda yung istorya, maganda ang cast, formidable cast and staff, maganda ang production values.

"It’s something different. Ang pinaka-fear ko lang, sana hindi siya maging mataas sa tao.

"Alam mo naman, kailangan masa pa rin. Kaya I make it a point na mayroon kaming ingredients na pang-masa pa rin."

"On this one, I’m more particular [about giving] attention to details.

"Na it’s a glamorous world, kailangan tama yung mga ginagawa namin.

"I just cannot shoot yung mga eksena na di ko inaaral o di ko tinatanong kung tama ba yung ginagawa namin o hindi."

Tinanong ng PEP si Direk Eric kung ano ba ang pakiramdam na idirek si Lorna Tolentino?

"Kami, we work well together. I’ve done a lot of shows with her sa TV.

"I think this is probably the third or fourth time na dinirek ko siya."

Kamusta naman makatrabaho si Ms. Alice Dixson, Lotlot de Leon at iba pa?

"Masarap, they’re all professionals, they’re all perfectionists. Gusto nila tama ang ginagawa nila.

"Si Alice matanong ’yan. ’Kailangan ba ganito, ganyan, Direk, anong kailangan mo?’

"Si LT naman... di niya gagawin pag di siya sigurado sa dapat niyang gawin."

Nagagalit ba siya pag may mga mungkahi ang mga artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m open to that. I want my actors to have their own interpretation... a part of them is their character. "

DOLPHY UPDATE. Naging balita kumakailan na nasa ICU ang Comedy King na si Dolphy at medyo di maganda ang kalagayan. Si Eric ay anak ni Dolphy.

"He’s OK, he’s out of the ICU... Nothing to worry naman."

Katulad ni Ramon Revilla, Sr., marami ring anak si Dolphy sa iba’t ibang babae.

May reaksyon ba si Direk Eric sa nangyayaring kaguluhan sa magkakapatid na Revilla kaugnay sa pagpaslang kay Ram Revilla?

"It’s sad, nakakalungkot.

"Sana di nangyayari sa isang pamilya yun, but may mga times na di mo talaga maiiwasan ang mga ganyan.

"As much as possible sana, walang ganung mangyari sa pamilya namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN