Nadia Montenegro files libel case against Annabelle Rama

Nuong October 28, kinasuhan ni Nadia Montenegro (in photo) ng kasong libelo at unjust vexation sa Quezon City Prosecutor’s office si Annabelle Rama. Nag-ugat ang panibagong reklamo sa diumano’y mapanirang mga tweets ng talent manager laban sa dating aktres sa microblogging site na Twitter.


Ayon sa Startalk TX kahapon, Sabado, November 5, isang linggo matapos ireklamo ni Nadia Montenegro ng falsification and use of public documents si Annabelle Rama, naghain uli siya ng panibagong kaso laban sa talent manager.

Nuong October 28, kinasuhan ni Nadia, isang dating aktres, ng kasong libelo at unjust vexation si Annabelle sa Quezon City Prosecutor’s office.

Nag-ugat ang panibagong reklamo sa diumano’y mapanirang mga tweets ni Annabelle laban kay Nadia sa microblogging site na Twitter.

Ayon kay Nadia:

"Mga anak ko po ito. Kung ako lang ito e, baka mapag-isipan ko pa.

"Pero mga anak ko, na sinasabi niyang mahal daw niya at yung mga anak ko na naaawa daw siya, kaya sinisiraan niya buong buhay ng mga anak ko."

Sinabi naman ni Annabelle:

"Alam mo, wala akong binabanggit na pangalan sa Twitter.

"Pinangalanan ko lang na Nadia Montenegro nung sinisingil na kita, Nadia.

"Ngayon, yung lahat ng mga blind item ng Twitter ko, kung sa palagay mo ikaw yun, e di ikaw yun!"

Sa affidavit ni Nadia, sinabi nitong:

"The tweets written by the respondent are highly libelous, offensive and felonious because the same is derogatory to my good name, character and reputation. The respondent made those posts to dishonor me in the eyes of the public, my peers and my friends, discredit me and to besmirch my reputation."

Sinabi namang muli ni Annabelle:

"Bakit niya ako dinemanda? Hindi ko alam at bigla niya akong inaway, wala akong ginawang masama, wala.

"Lahat ng bintang niya sa akin sasagutin ko isa-isa."

Sa gitna pa rin ng palabang pahayag ni Annabelle, may binitiwan namang hamon sa kanya si Nadia:

"Prove everything that you’ve said, lahat ng binitawan mo, at ako din naman ay hindi rin naman titigil.

"Talagang kailangang lahat ng kasalanan niya, e panagutan niya."

Sinabi naman ni Annabelle:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, hindi ako natatakot sa demanda mo dahil nagsasabi naman ako ng totoo.

"Walang masama sa pagsasabi ng totoo, at lahat ng mga sinasabi ko, Nadia, paninindigan ko lahat-lahat yan."

TWITTER FOLLOWERS. Annabelle Rama is very active on Twitter with almost 150,000 followers.

Araw-araw ay pinagpipiyestahan ng kanyang mga followers ang kanyang mga tweets.

Isang araw bago magsampa ng kaso si Nadia, inamin ni Annabelle na mismong ang anak niyang si Ruffa Gutierrez ay umapelang huminto na siya sa pagtu-tweet.

Annabelle ignored the appeal, though.

"Siyempre ayaw niya akong magtu-tweet, kasi daw grabe daw ang mga words ko raw, hindi raw niya kakayanin ang mga words ko.

"Sabi ko, ’Kung hindi mo kaya, huwag ka nang magbasa.’ Iyon lang naman yun, di ba?"

Meanwhile, Rama dismissed speculations that she has stopped tweeting since she was charged with libel.

Did her lawyer advice her to do this?

"Actually, walang ina-advise sa akin ang lawyer na huwag akong mag-tweet.

"Kung gusto kong mag-tweet, magtu-tweet ako ulit.

"Kaso, kaya huminto ako, dahil hindi naman lumalaban yung kalaban ko.

"Mukha akong tanga, hindi naman siya sumasagot."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN