PART 2. Ruffa Gutierrez confirms that Shaina Magdayao called her in the early hours of the morning

Ruffa Gutierrez (main photo) on how Star Magic viewed her relationship with John Lloyd Cruz (inset, left): "Totoo namang magkaiba ang career namin, magkaiba yung career paths namin, so there were times that the studio would ask him to stay away from me," Ruffa says.

"Gagawin niya, for two weeks. Sige two weeks, wala na. And then two weeks later, tatawag na naman sa akin. One week later, tatawag na naman siya. Hanggang sa ending na lang, pumasok na


Sa pangalawang bahagi ng Paparazzi Showbiz Exposed nuong Linggo, November 6, 2011, idinitalye ni Ruffa Gutierrez ang nangyari nuong February 2010 nang ipinatawag siya ni Miss Mariole Alberto ng Star Magic.

Ito ay para sa isang closed-door meeting kasama sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Dito nadesisyunan ni Ruffa na tapusin na ang relasyon niya sa box-office king.

JOHN LLOYD CHEATED ON HER? Tanong ni Mo Twister, "So you’re saying na on the rocks yung relationship, but still, technically he cheated on you with Shaina?"

Sagot ni Ruffa, "Yeah, I remember... kasi, Mo, for me kailangan kasi na mas honest na sabihin mo sa akin na meron nang iba.

"Okay lang sa akin para naman I’m the first to know—not the last to know.

"And a...ang nangyari kasi, ang mga tao alam na lahat, ako na lang ang hindi.

"That time kasi, ’pinapaiwas din siya ng ABS-CBN sa akin, especially ng Star Cinema.

"Totoo namang magkaiba ang career namin, magkaiba yung career paths namin, so there were times that the studio would ask him to stay away from me.

"Gagawin niya, for two weeks. Sige, two weeks, wala na.

"And then two weeks later, tatawag na naman sa akin.

"One week later, tatawag na naman siya.

"Hanggang sa ending na lang, pumasok na si Shaina.

"Sabi ko, naku, ayoko na."

BIKE INCIDENT. Pagkatapos ng nasabing hiwalayan, naging tahimik na sana lahat, ngunit pumutok naman ang balita (sa Paparazzi pa din) na nakikita daw ni Cristy Fermin sina John Lloyd at Ruffa na nagba-bike sa The Fort.

Pero hindi pa rin ito kinumpirma ni Ruffa.

Ang malaking nasaktan daw sa nasabing balita ay ang kasalukuyang girlfriend noon ni John Lloyd na si Shaina, dahil magkasama daw ang dalawa nang binili nila ang bisikleta.

Pero noong June 2010, inamin na ni John Lloyd sa interview nito sa The Buzz na mag-on na nga sila ni Shaina. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinetalye din sa nasabing special report, base sa isang artikulo ni Ricky Lo na lumabas sa Philippine Star, na April 14, 2010 daw ang opisyal na umpisa ng relasyon nina John Lloyd at Shaina.

Na sinundan naman daw ng pag-tweet ni Ruffa ng, "I’m happy for them."

Sunod na tanong ni Mo kay Ruffa, "At any time during the relationship between John Lloyd and Shaina, did you feel like, baka gusto mong balikan si John Lloyd?

"Kinu-contact mo ba siya, nami-miss mo ba?"

JOHN LLOYD REACHED OUT FIRST. Sagot ni Ruffa: "No, I mean, sorry but it was John Lloyd [who] first got in touch with me again.

"And he did so through a friend of mine, that he worked with in a [pizza] commercial.

"So na-shock talaga ako nung he reached out and started texting me again.

"Kasi nagsisisi daw siya sa ginawa niya. And he even said he [doesn’t] know how he started at that time because he is still confused.

"Okay, so he started calling me again... ahm that was June?

"Right after my birthday. Actually, I came from Hong Kong June 2010, and then sabi niya, you know, he was very confused.

"So June, July, August, September... November, Star Magic Ball.

"And that was when the news came out [about a] ’lock issue,’ and that was already kasi, during that time I was in Tokyo."

Ang tinutukoy ni Ruffa na "lock issue" ay ang malisyosong balita noon tungkol kina John Lloyd at Shaina na naospital daw ang mga ito dahil sa isang pambihirang medical condition.

Patuloy ni Ruffa, "So, almost half of the year, he continued to call me. Sabi ko, ’Ayusin mo muna ’yang problema mo.’

"And sabi niya, hindi daw niya kaya because of his career.

"And I said, ’You know what, for me this is just very ah’ ...how would I say it... ’Before you contact me again, you should be a man.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You only think about your career... think about everyone involved."

JOHN LLOYD CONFUSED, SAYS RUFFA. At ayon pa sa ibinahagi ni Ruffa kay Mo, malungkot daw at litung-lito ang aktor noong mga panahong iyon.

Noong kasagsagan naman ng bakasyon nina Ruffa at Dra. Vicki Belo, napansin daw ni Vicki ang pagtawag-tawag ni John Lloyd kay Ruffa.

Minsan pa nga daw ay 5 a.m. pa lang ay tumatawag na ito at nakita ito mismo ni Dra. Belo.

Naibulalas ito ni Dra. Belo, hanggang sa lumaki na ang usap-usapan.

Sa pagdetalye pa ni Ruffa ng report ng mga pangyayari ng January 2011, kinumpirma ni Ruffa sa isang text message kay Tim Yap na tinawagan siya ni Shaina.

Bandang alas-dos daw ng madaling araw iyon, at ang gustong malaman daw ni Shaina ay kung may komunikasyon pa siya at si John Lloyd.

Sabi ni Ruffa: "Siguro, Mo, let’s just say na she called me January of 2011, and I remember she called me at 2 in the morning, and I was sleeping at that time.

"I was sleeping next to my kids, and nagulat talaga [ako] because, at that point, wala na kami ni John Lloyd, and wala na kaming communication.

"And if ever nagko-communicate kami, it’s more like, ’Sinabi mo ba to sa press o hindi? Ikaw ba, did you say this?’

"Because it was more like clearing issues.

"You know, nothing wrong, nothing at all."

HELLO, MISS RUFFA? "When she [Shaina] called me, somebody on the line said ’Miss Ruffa,’ and she asked me, ’Are you and John Lloyd still communicating?’

"At that point, natawa na nga lang ako.

"And I said, ’Shaina, your sister knows that I’m not dating John Lloyd anymore.

"We don’t really communicate, and if we do, it’s to clear issues.

"And yun, so umiyak siya and di ko na alam ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The following day, I called John Lloyd.

"He was at the taping of Imortal with Angel Locsin, and I said, ’JL, seriously, Shaina called me last night.’

"’I mean, ano ba nangyari, you know?’

"So he told me exactly what happened, and I told him ’Please, from this day forward, don’t call me any more.’

"’Whether you need a friend or not, a sister, someone to talk to, just don’t call me any more, you know.’

"’’I mean, just stay with Shaina.

"’I mean, [it] seems like you guys are still together, so ayusin mo, you know, kung may problema kayo di ayusin n’yo.’

"’Huwag mo na akong istorbohin kasi I don’t like receiving calls in the middle of the night.’"



Isinama naman sa report ang interview ng Paparazzi kay Vina Morales, ang kapatid ni Shaina na kaibigan naman ni Ruffa, na ginawa sa Boracay.

Dito ay nakumpirmang okay na ang pamilya ni Shaina at ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN