Janelle Manahan finally told about boyfriend Ramgen Revilla’s death, says her dad

Julius Manahan (in photo) describes how his daughter Janelle Manahan took the news of her boyfriend Ramgen Revilla’s tragic death.

"Emosyunal siya kagabi. So, hindi na ako nagpunta doon [sa ospital]. Medyo umiyak daw... umiyak nang umiyak," he says.


Kagabi, November 5, lang pala nalaman ni Janelle Manahan, girlfriend ng napaslang na si Ramgen Revilla, ang mapait na katotohanan na namatay at nailibing na ang kanyang boyfriend.

Ito ang inihayag ng tatay ni Janelle na si Julius Manahan sa eksklusibong pagharap at pagpapa-interview niya sa ABS-CBN News na ipinalabas sa TV Patrol Weekend kanina, November 6.

"Emosyunal siya kagabi. So, hindi na ako nagpunta doon [sa ospital].

"Medyo umiyak daw... umiyak nang umiyak," sabi ni Mr. Manahan.

Hindi naging madali para sa ama ni Janelle na humarap sa media matapos ang kalunus-lunos na sinapit ng kanyang anak at ng boyfriend nitong si Ramgen.

Matinding trauma at sakit daw ang idinulot nito sa kanilang pamilya.

Pero nagpapasalamat pa rin siya na sa kabila nito, ligtas na ang kanyang anak.

"Kahit papaano, suwerte pa rin siya. Everybody is saying that.

"I would consider it a miracle."

Apat na malubhang facial fractures ang tinamo ni Janelle dahil sa balang tumama sa ilalim ng kanyang kaliwang mata na tumagos sa leeg.

Bukod sa mukha may tama rin ng bala si Janelle sa kanang balikat.

Pero sa kabila ng mga tinamong sugat, si Ramgen ang inalala ng dalaga.

Pilit nga raw nitong inaalam kung ano na ang nangyari sa kanyang boyfriend.

"Nagpapa-turn on ng TV. Humihingi ng laptop.

"Humihingi ng diyaryo, lahat-lahat.

"Ang lagi niya lang tinatanong is, ’Pa, nasaan si Ramgen?’"

Hindi kasi agad sinabi nila Mr. Manahan kay Janelle na namatay at nailibing na si Ramgen dahil na rin sa bilin ng doktor na huwag muna itong ipaalam.

Baka raw kasi makadagdag ito sa trauma ni Janelle.

Pero kagabi nga ay nalaman na ng dalaga ang malagim na sinapit ng kanyang boyfriend.

MANAHAN FAMILY ASKS FOR RAMONA’S RETURN. Si Janelle ang nagsabi sa mga pulis na ang kapatid ni Ramgen na si Ramona "Mara" Bautista ang kumatok sa pinto ng kuwarto nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang minuto raw makaraan ng paglabas nito sa kuwarto ay bigla namang pumasok ang mga kriminal.

Duon na pinagbabaril sina Ramgen at Janelle.

Pinagsasaksak pa si Ramgen na naging dahilan nang tuluyan nitong pagkasawi.

Dahil sa statement na ito ni Janelle kaya isinasangkot si Ramona bilang umano’y accomplice sa krimen.

Ang kapatid naman niyang si Ramon Joseph, na nakakulong na ngayon sa Parañaque City jail, ang itinuturong mastermind umano sa pagpatay kay Ramgen.

Noong Biyernes ng gabi, November 4, ay naibalita nga ang pag-alis ni Ramona sa Pilipinas patungong Hong Kong.

Iniulat din na maaaring magtungo ito sa Turkey kung saan nakatira ang asawa nito.

Nais naman ng pamilya Manahan na mapabalik si Ramona sa Pilipinas, nang sa gayun ay lumabas ang katotohanan.

TO UNDERGO OPERATION TOMORROW. Bukas, November 7, ay sasailalim si Janelle sa ikalawang maselang operasyon.

Umaasa ang pamilya Manahan na maibabalik ang dati nitong ganda.

Matatagalan pa raw sa ospital si Janelle dahil sa series of operations na kailangan nitong pagdaanan.

Pagkatapos nito ay kailangan ang matagal na rehab at therapy para makapagsalita at makakilos siya ng mas maayos.

Samantala, sa phone patch interview kay Mr. Manahan ng 24 Oras Weekend, na ipinalabas din kanina sa GMA-7, nagbigay ito ng pahayag tungkol sa kundisyon ngayon ni Janelle.

"Ngayong araw medyo naglagay ng parang support sa ilong niya dahil po sa patuloy na pagdurugo sa sobrang pag-iyak kagabi," sabi ni Mr. Manahan.

Nagpasalamat din siya sa mga patuloy na nagdarasal para sa mabilis na pagbuti ng kalagayan ni Janelle.

"Maraming salamat din po sa mga panalangin. Somehow ay medyo okay na po yung kalagayan niya."

SHOWBIZ BACKGROUND. Pumasok sa showbiz si Janelle sa pamamagitan ng pagsali niya sa Star Circle National Teen Quest noong 2004.

Pumasok siya sa Magic Circle of 10 pero ang itinanghal na Grand Questor ay si Erich Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga show na ginawa ni Janelle sa ABS-CBN ay ang My Girl, Komiks: The Adventures of Pedro Penduko; Panday; Let’s Go; Mga Anghel na Walang Langit; SCQ Reload: Ok Ako, ASAP Fanatic; at Vietnam Rose.

Na-nominate siya bilang Best New Female Artist sa 19th Aliw Awards noong 2006.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN