Genelyn Magsaysay: "Huwag n’yo munang husgahan ang aking mga anak."

Genelyn Magsaysay on her children: "Ako po ang nagpalaki sa mga anak ko. Ako po ang naghirap para sa kanila. ’Yang mga bata pong ’yan, inalagaan ko po ’yan. Pinalaki ko po ’yan na may takot sa Diyos.

"Natural lang po sa pamilya na nagkakaroon ng konting samaan ng loob, konting problema, pero napaka-petty. Napakaliit na bagay para sabihin mo...na to the extent na magkaroon ng patayan."


Muling nagsalita ngayong gabi, Nobyembre 6, sa Balitang 60 ng Aksyon TV si Genelyn Magsaysay para ipagtanggol ang mga anak na inaakusahan na may kinalaman sa pagpatay sa kanyang panganay na si Ramgen Revilla.

OWN DECISON. Sa phone-patch interview nina Jove Francisco at Chi Bocobo kay Genelyn, inulit nito ang naunang pahayag na sariling desisyon ni Ramona ang pag-alis sa bansa noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 4. (CLICK HERE to read related story.)

Ani Genelyn, "Si Ramona ay may asawa na, matured na siya.

"Sariling desisyon niya ang dinesyunan niya.

"Hindi ko puwedeng hadlangan ang desisyon niya dahil siya ay may asawa na."

Hindi direktang sinagot ni Genelyn ang tanong kung may tampo siya kay Senator Bong Revilla, Jr., pero makahulugan ang kanyang pahayag na:

"Alam ko naman na alam nila na kami ay napabayaan, so wala na akong dapat sabihin pa dahil konsensiya na nila."

NO PERMANENT ADDRESS. Sinabi rin ni Genelyn na wala silang permanenteng inuuwian ngayon dulot ng mga kaganapan noong nakaraang linggo.

"Kami po ngayon ay walang permanent address dahil kami ay takot pang umuwi doon sa aming inuuwian.

"So, kailangan po lang naming lahat na makapagpaayos ng sitwasyon namin.

"Kailangan naming hanapin ang katahimikan at kapayapaan.

"Pero dahil sa nangyayaring paulit-ulit na sinasabi na may kasalanan pa ang dalawa sa aming pamilya, si Ramona at si Joseph, wala pa kaming matamo na katahimikan.

"Nais naming matamo ang katahimikan at hustisya para sa pamilya namin," saad ng ina ni Ramgen.


APPEAL TO THE PUBLIC. Sa huli ay humingi ng tulong si Genelyn sa publiko upang malutas ang kaso ng pagpatay sa kanyang anak.

Dagdag niya, "Humihingi rin ako ng habag sa harap ng mga tao na huwag n’yo muna kaming husgahan.

"Huwag n’yo munang husgahan ang aking mga anak.

"Ako po ang nagpalaki sa mga anak ko. Ako po ang naghirap para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yang mga bata pong ’yan, inalagaan ko po ’yan. Pinalaki ko po ’yan na may takot sa Diyos.

"Siyam po ang aking mga anak. Si Ram po ang panganay.

"Ang mga anak ko po ay nagmamahalan.

"Katulad din po ng kabataan ko, ng aking kapatid na si Genevieve Magsaysay, kami rin po ay may differences.

"Magkapatid kami, minsan kami ay nagkakaroon ng differences, pero not to the extent na magpatayan kaming magkapatid.

"Same thing also with my children.

"Natural lang po sa pamilya na nagkakaroon ng konting samaan ng loob, konting problema, pero napaka-petty.

"Napakaliit na bagay para sabihin mo...na to the extent na magkaroon ng patayan."

Hindi lamang si Genelyn ang humingi ng pang-unawa sa publiko dahil umapela rin ang kanyang anak na si Reuben na itigil na ang mga tweet laban sa mga kapatid niya dahil nasasaktan siya.

Narito ang tweets ni Reuben:

"Can’t stand seein’ those awful tweets. Just please stop. It’s hard for a brother to see those kinds of things. Really, really hard.

"Just so you know that I love all my siblings! all of my daddy’s children. I can’t stand seeing that it’s about to be destroyed. Please, NO!! Please, pray for the Revilla family.I wish lahat maayos na. sana hinde lahat masira. "


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN