PART 3. Ruffa Gutierrez says she’s not a "relationship wrecker" and denies flirting with John Lloyd Cruz

Ruffa Gutierrez about Shaina Magdayao: "You know, yun ang pinakamasakit na pinapalabas niya, na hanggang ngayon naghahabol ako. First of all, wala akong kailangang habulin. Kanyang-kanya na si John Lloyd."


Sa ikatlong bahagi ng tell-all interview ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi Showbiz Exposed, tinalakay ang pagkakaroon muli diumano ng tensiyon sa kanila nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Nagsimula raw ito nang magkita ang tatlo sa birthday party ni Bea Alonzo sa Establishment sa The Fort noong October 8, 2011.

Tanong ni Mo Twister kay Ruffa, "Actually hindi ito nag-start sa party ni Vina, a week prior sa party ni Bea Alonzo. How did the tension start as far as you know so far?"

Saad ni Ruffa, "Well, you know Mo, I didn’t have a plan to go to Bea’s birthday but I met her at Esquire Ball, and sabi niya, ’Miss Ruffa please pumunta ka sa birthday ko.’

"Alam mo si Bea, na-miss ko din ’yan, e. Nakasama ko ’yan sa I Love Betty La Fea.

"Raymond [Gutierrez, Ruffa’s brother] was going, Georgina Wilson was going... We all went together with Cristalle Belo and Garlic Garcia.

"We all went there, stayed for ten minutes.

"I saw JL from a far, he smiled, I smiled.

"We didn’t even see each other up-close. We didn’t talk.

"I didn’t see Shaina at all.

"So I didn’t even know that she was there.

"Although Roxy [Liquigan] from ABS-CBN was the one who picked me up and said that Shaina was there.

"Ang para sa akin, ang tagal na nun, Mo. It was, lik,e more than two years ago."

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang maiksing relasyon nila noon ni John Lloyd.

Patuloy niya, "We will bump into each other at events, we will bump into each other at parties. This is a small industry.

"And para sa akin, if Bea and John Lloyd and Shaina was there, okay lang batiin ko, hello!

"I mean, tapos na yun, di ba, wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat na lang ako."

Sabat ni Mo, "So, paano mo nalamang may tension sa party?"

Mabilis na sagot ni Ruffa, "Walang tensiyon, sa akin wala.

"Siguro kung meron kay Shaina, hindi ko na alam yun.

"Para sa ’kin, wala. We had a good time."

RUFFA’S TWEETS. Natapos daw ang gabi ng birthday ni Bea nang walang naramdamang tensiyon, hanggang sa muling magkita ang tatlo sa birthday concert ng kapatid ni Shaina na si Vina Morales sa Republiq noong October 17, 2011.

At dito ay sinabihan si Ruffa ng kanyang best friend na si Vavam Berena na dalawang beses daw nagtangka si John Lloyd na lapitan ito.

Pero ayon pa kay Vavam, pinigilan lang daw niya ang aktor.

Pagkatapos ng concert, dito na naglabas ng tatlong sunud-sunod na tweets si Ruffa.

Una: "My gosh, panahon pa ni Magsaysay...wag ka naman mainsecure! There’s nothing I can do if my legs are longer than yours. Hellow!"

Pangalawa: "No cure for the insecure. Kalurks ka girl. Seriously be real! That was so nineteen kopong kopong! I should have stayed home and slept!"

Pangatlo: "Behind the tweet is a back story.

"Please, ’wag niyo po akong palabasin na masama.

"I’m the nicest person on earth, but [what] I hate the most is receiving psychotic messages at ungodly hours.

"This isn’t the first and, thank God, I have many credible witnesses who can defend me."

Tanong ni Mo kay Ruffa kung ano ang masasabi nito sa sinabi ni Shaina na siya ang unang nagpadala ng text.

Sagot ni Ruffa: "Of course I was very shocked, and talagang nagalit ako.

"Kasi how can you dare say na ako ang nagsimulang magpadala ng text messages?

"And I’ve said it before, kung ako talaga ang nagpadala ng text messages na una kay John Lloyd, ano ang pinadala kong message?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And prove it. Ipakita mo.

"Maglabasan na ng cell phone, di ba?

"Nandito yung cell phone ko, nandito pa rin yung mga messages ko.

"Kaya kong ipakita kahit kanino, na hindi ako ang nagsimula nito.

"Ngayon, kung meron silang hawak na ebidensiya, ilabas nila.

"Kasi mahirap naman, Mo, na ipinalabas nila na ako ang nangugulo."

SHAINA’S TEXT MESSAGES. Sa panayam nina Shaina at John Lloyd na ipinalabas sa The Buzz noong Oktubre 30, sinabi ni Shaina na nagpadala nga siya ng text kay Ruffa, pero ito ay sagot lamang sa mga text ni Ruffa sa cell phone ni John Lloyd.

(CLICK HERE to read related story.)

At sa nasabi pa ring interview, sinabi nina Shaina at John Lloyd na hindi si Ruffa ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sagot naman ni Ruffa dito: "Alam ko naman na yung interview nila is to clear both their names.

"Siyempre, there’s like a big management firm also behind them.

"I did speak to Tita Mariole [Alberto of Star Magic], and she said ’be kind.’

"But I must say, pasensiya na Tita Mariole, dahil hindi sila naging kind sa akin kaya ako nandito ngayon."

Nagpasalamat si Ruffa noon sa ginawang paglinaw ni John Lloyd sa kanyang pangalan, na hindi siya ang dahilan kung anuman ang pinagdadaanan nila ni Shaina ngayon.

Pero aminado ang TV host-actress na nasasaktan siya sa mga pangyayari.

Aniya, "Siguro na-bother ako nung text na ’f--king nothing... Stay the f--king hell ayaw from us!’

"You know naman, how dare you to say naman na ’stay away from us’ when wala naman akong ginagawa?

"You know, yun ang pinakamasakit na pinapalabas niya, na hanggang ngayon naghahabol ako.

"First of all, wala akong kailangang habulin.

"Kanyang-kanya na si John Lloyd."

Ayon pa kay Ruffa, pumasok ang unang text message sa kanyang phone eksaktong 1:33 ng madaling-araw ng Oktubre 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglalaman daw ito ng mga salitang: "Shut up."

Sinagot naman daw niya ito bandang 1:45 a.m.: "Excuse me?’’

Mabilis naman daw ang naging sagot mula sa cellphone ni John Lloyd bandang 1:46 a.m.: "Shut Up! What do you want from me?"

Inakala raw ni Ruffa na ito ay patama sa kanya at sa kanyang mga kaibigan na nagkakasiyahan nung mga panahong yun.

Ayon pa sa Kapatid talent, "I already knew after all of the curse messages that I got na hindi si John Lloyd yun, kasi si John Lloyd never sent me any messages na nagmumura.

"The person that was sending me messages kept calling me ’Sharmaine’ [Ruffa’s real name] and hindi naman Sharmaine ang tawagan namin...Babe.

"That’s why sinabi ko... So sabi ko, ’Babe, is this you?

"Parang, gusto ko lang malaman kung siya yun.

"Obviously, it wasn’t."

Dagdag pa ni Ruffa, imposibleng manggaling sa kanya ang unang text dahil sa kanyang nasaksihan noong gabing yun sa after-party ng concert ni Vina Morales.

Kuwento niya, "Siguro mga fifteen minutes before I received the first message, there was a slight commotion towards the right part of the room.

"Pagtingin ng pinsan ko, at pagtingin ko, binubuhat na si John Lloyd palabas ng Republiq by four bouncers.

"The brother of John Lloyd and Shaina was also there and nakikita namin na tulog na siya [John Lloyd].

"Ibig sabihin, lasing na lasing na siya, and being that I’ve spent time with John Lloyd, I know pag nalalasing siya, pag binubuhat na siya palabas ng club, tulog siya until the following day.

"So, sinong papadalhan ko ng message, multo?"

JOHN LLOYD APOLOGIZES. Kinabukasan daw, Oktubre 18, eksaktong 9:16 ng umaga nang mag-text si John Lloyd kay Ruffa.

Humingi raw ito ng paumanhin sa mga nangyari.

Paglilinaw ni Ruffa: "John Lloyd called me the next day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He first sent a message at about 9 in the morning, and he said, ’I’m really sorry about what happened last night...’"

Tanong ni Ruffa kay Mo, "Can I read it?"

Tapos ay tuloy-tuloy na nitong binasa ang text diumano ni John Lloyd: "9:16 am, ’Can you take a call? I’m really sorry about last night. Hindi kita dapat idinamay sa problema ko. I hope you can give me a chance to fix this. I’m really sorry please give me a chance...sad face.’

"So i replied, 9:16 a.m. I said, ’Pls. Call me...sad face.’"

Ang buong akala raw ni Ruffa ay tapos na ang lahat nang nagkausap na sila ni John Lloyd.

Pero laking gulat daw nito noong nagpa-interview sina Shaina at John Lloyd sa The Buzz.

Mariing sabi ni Ruffa: "I’m not a relationship wrecker!

"I mean, if you look back in the past, ako nga yung dinobol time.

"I’m not flirting with John Lloyd Cruz.

"I’m inspired right now and, yeah, with someone else.

"And just like I was loyal to John Lloyd during our time, I’m also loyal to this person.

"So, there’s no way that I can flirt with him when I’m with someone else."

MESSAGE TO SHAINA AND JOHN LLOYD. Umaasa si Ruffa na matapos ang interview niya sa Paparazzi, mabibigyan linaw na ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kontrobersiya.

Bago pa man siya lumipad papuntang Dubai para sa TV5 international caravan, nag-iwan ng mensahe si Ruffa para kina John Lloyd at Shaina.

Una muna para kay John Lloyd ang kanyang mensahe.

Aniya, "John Lloyd, maraming salamat at klinear mo yung pangalan ko sa isyu na ’to.

"And kagaya ng sinabi ko sa iyo noon, I’ll be the happiest person pag ikaw talaga maging lalakeng-lalake in the true sense of the word.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Good luck."

Para naman kay Shaina, ito ang sinabi ni Ruffa:

"Shaina, you have nothing to worry about.

"I’m really sad that you thought I was disrespecting your relationship, but it’s not the case.

"And I just wish you would tell the truth next time because you know, and I know, and John Lloyd and everyone knows that I was not the first to text.

"So, I hope after this interview, ’wag ka na ring magsalita.

"Pero kung gusto mong magsalita pa, I challenge you na ilabas mo yung cell phone ni John Lloyd at ipakita sa publiko kung ano ba talagang tine-text ko.

"Kasi alam ko sa sarili ko wala akong tine-text."

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Ruffa para sa publiko na nagtitiwala raw sa kanya:

Sabi niya, "Maraming-maraming salamat po sa lahat ng kaibigan ko, sa lahat ng nagmamahal sa akin, sa lahat ng mga hindi naniniwala sa mga news.

"Alam mo kasi, Mo, minsan siyempre lumalabas na matangkad ako, mataray ako, I’m older... but you know, I know myself.

"Sinabi ko, I may have done a lot of mistakes in my life because of my youth, but now that I’m more mature, I have two children—they’ve really changed me.

"And I can say right now na malinis ang intensiyon ko, malinis ang konsensiya ko.

"So, maraming salamat po sa lahat ng suporta ninyo."

Bukas ang PEP sa panig nina Shaina at John Lloyd kung may nais silang sabihin tungkol sa mga naging pahayag ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN