Direk Tikoy Aguiluz explains why Nora Aunor will get Lifetime Achievement Award at the Cinemanila International Film Festival

Director Tikoy Aguiluz on why Nora Aunor was picked as recipient of this year’s Lifetime Achievement Award at the Cinemanila International Film Festival: "Mainly because of Himala. Because she was the lead in Himala, the first film to be recognized as the best film in Asia-Pacific of all time, against Crouching Tiger [Hidden Dragon], Chungking Express, Seven


Noong Biyernes, Nobyembre 4, ay ginanap ang press launch ng 13th Cinemanila International Film Festival sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City.

Ang nasabing filmfest ay gaganapin sa November 11-17 sa Market! Market! Cinemas sa Taguig City.

Dito ipapalabas ang mahigit sa walumpung pelikula mula sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.

Libre ang tickets para sa filmfest.

Ilan sa mga award-winning films na mapapanood dito ay ang I Saw The Devil ni Kim Jee-Won, Suspiria ni Dario Argento, Pina ni Wim Wenders, 13 Assassins ni Takashi Miike, at Nightfishing ni Park Chan-wook.

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD FOR NORA AUNOR. Isa naman sa mga parangal na itatanghal sa filmfest ay ang Lifetime Achievement Award para kay Nora Aunor.

Kaugnay nito, apat sa mga pelikula ni Nora ang ipapalabas sa filmfest.

Ito ay ang Bona ni Lino Brocka, Himala ni Ishmael Bernal, Minsan May Isang Gamu-Gamo ni Lupita Aquino-Kashiwahara, at Tatlong Taong Walang Diyos ni Mario O’Hara.

Present sa presscon ng Cinemanila International Film Festival si Direk Tikoy Aguiluz, na siyang founder nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Direk Tikoy, ipinaliwanag nito kung bakit bibigyan nila ng Lifetime Achievement Award si Nora sa opening night ng festival.

Sabi niya, "Kasi international artist. Yun talaga ang ano, e. Itong bibigyan namin, international artist."

Paliwanag niya, mga world-class artist lamang ang binibigyan ng Lifetime Achievement Award sa Cinemanila.

Ilan na sa mga nabigyan na ng nasabing parangal ay ang American directors na sina Quentin Tarantino at Paul Schrader, ang Indonesian actress na si Christine Hakim, ang Filipino director na si Eddie Romero, at ang local artists na sina Vilma Santos at Dolphy.

Tunay raw na world-class si Nora Aunor dahil may mga nakuha na itong awards sa mga international film festivals, tulad ng Best Actress award mula sa Cairo Film Festival para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story (1995).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo rin siya ng parehong award sa East Asia Film and Television Festival para sa Bakit May Kahapon Pa? (1997).

At sa Brussels Festival of Independent Films para sa Naglalayag (2004).

Pero isang pelikula raw ni Nora ang talagang hinahangaan ni Direk Tikoy.

"Mainly because of Himala.

"Because she was the lead in Himala—he first film to be recognized as the best film in Asia-Pacific of all time, against Crouching Tiger [Hidden Dragon], Chungking Express, Seven Samurai."

Matatandaang nanalo ng Viewers Choice Award for Best Asia-Pacific Film of All Time sa CNN APSA ang Himala noong 2008.

THREE PROJECTS. Hindi rin napigilan ni Direk Tikoy na magbigay ng update tungkol sa tatlong pelikulang ginagawa niya sa kasalukuyan: ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, El Presidente, at ang dokumentaryong Superstar.

Kasama si Nora sa El Presidente at Superstar.

Saad ni Direk Tikoy, official entry na raw sa darating na Metro Manila Film Festival ang Manila Kingpin, na remake ng 1961 film ni Erap Estrada na may titulong Asiong Salonga.

"Black and white, because it’s a remake of the old film, so I want it to look like the old film," sabi niya tungkol sa kanyang pelikula.

Pagbibidahan ito ni Laguna Governor ER Ejercito.

Ayon pa sa director, mahigit kumulang P35 million ang production costs nito dahil talagang nagtayo pa sila ng sets para sadyang maging kapanipaniwala ang mga eksena.

"Walang daya, walang daya. Mas mahal pag CGI [computer-generated imagery]," sabi niya.

Samantala, sa June 12, 2012 pa ang target playdate ng El Presidente, na tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo.

Si Governor ER din ang gaganap na bida, samantalang si Nora naman ang gaganap bilang Maria Agoncillo.

Ang Superstar naman ay dokumentaryo tungkol kay Nora Aunor.

Kalahati na raw ng pelikula ang natapos niya.

"Ang maganda dun, ang daming fans na nagbibigay ng material," sabi ni Direk Tikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN