Maria Aragon consults with NHC to make sure she sings "Lupang Hinirang" the right way at Manny Pacquiao’s Nov. 12 bout

Maria Aragon on her rise to fame: "I believe it can happen to anyone. They just have to believe in their self. I really love singing. I love music."


Habang naghihintay na tawagin siya para sa live interview sa Paparazzi Showbiz Exposed kahapon, Nobyembre 6, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan ang batang Filipino-Canadian singer na si Maria Aragon.

Dumating daw si Maria sa Pilipinas noong October 27 para sa serye ng kanyang mall tours.

Si Maria kasi ang bagong endorser ng SM Supermalls. May ni-record din siyang Christmas jingle para rito.

Bukod dito, kasabay na ring ipinu-promote ni Maria ang kanyang self-titled album na inilabas ng Star Records, kung saan pumirma siya ng two year-contract.

Sabi ni Maria, "It’s my second time to be here in the Philippines.

"We first came here in July. And we stayed until September."

Sa unang pagbisita raw niya sa bansa ngayong taon, nagkaroon siya ng sapat na panahong makapasyal at mabisita rin ang mga kamag-anak niya sa Ormoc.

Kumusta naman ang pagbalik niya sa Pilipinas?

"Great!" nangiti ang 11-year-old singer na sumikat dahil sa YouTube video niyang "Born This Way," na mayroon na ngayong 41 million hits.

Matatandaang si Lady Gaga mismo ang nakapansin sa taglay na talento ni Maria, at dahil dito ay tuluyan nang naging popular ang batang mang-aawit.

Dagdag pa ni Maria, "This is my first time to sing a jingle for a mall.

"It was really fun meeting a lot of people in SM, and having mall shows to promote the jingle and also my album."

Ngayong araw, November 7, Lunes, ang alis ni Maria pabalik ng Canada. Pero hataw pa rin siya sa pagmu-mall tour.

Pagkatapos niyang mag-guest sa Paparazzi, tatakbo pa raw siya para mag-show sa SM Southmall sa Las Piñas.

PINOY PRIDE. Maraming Pinoy ang natutuwa sa unti-unting pagsikat ni Maria, at dahil na rin sa pagmamalaki nito sa kanyang pagiging Pilipino.

Labis naman daw ikinatutuwa ito ni Maria.

"It’s a great honor to be called ’Pinoy pride,’" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And... I don’t know. I just feel really honored.

"And I wanna say salamat po sa suporta ninyo. And... mahal ko ’yong fans ko."

THE NEXT CHARICE? May mga nagsasabi ring si Maria ay tila sumusunod sa mga yapak ng Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco.

Ano ang masasabi niya rito?

Nangiti naman muna si Maria bago nakapagbigay ng reaksiyon.

"Uhm, I don’t know.

"I don’t think we should be compared to each other. ’Coz we’re completely different.

"Of course we respect each other. And I look up to Ate Charice a lot," sabi niya.

Alam daw ni Maria ang tungkol sa malagim na sinapit ng tatay ni Charice na naging biktima ng pananaksak.

Na-shock daw siya nang marinig niya ang balita tungkol dito.

Pero kaagad na nakisuyo ang manager ni Marian na si Jeng Guiyab na huwag nang gawing topic ito ng interview kay Maria.

Baka raw kasi matakot ang bata na bumalik-balik dito sa Pilipinas nang dahil sa mga gano’ng nangyayaring brutal na mga krimen sa bansa.

SELF-TITLED ALBUM. Balik sa kanyang self-titled album ang usapan. Masaya naman daw si Maria na tinatangkilik ng sambayang Pinoy ang mga awiting laman ng kanyang kauna-unahang nai-record na CD.

"It feels great to have, you know... recording my first album.

"It’s like all my dreams have already come true.

"And I just really wanna thank the people of Star Records who came over to us, and asked us if we wanna do an album with them."

HANDLING THE FAME. Marami nang nakakakilala kay Maria, hindi lang sa Canada kung saan siya naka-base, kundi maging dito na rin sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa.

Pero nakakatuwang sa personal ay napakasimple pa rin niya.

Typical siyang ordinaryong 11-year-old na dalaga. Mas ma-Ingles lang siya. Pero marunong ding umintindi at magsalita ng Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsi-sink in na ba sa kanya na sikat na siya ngayon?

"Well, it happened to me just by accident," aniya, na ang tinutukoy ay ang na-upload na video niyang kumakanta sa YouTube.

"Uhm... I believe it can happen to anyone. They just have to believe in their self.

"I really love singing. I love music.

"And... I love spending time with my family. And, you know... getting to experience a lot of different things.

"It’s been a lot of fun for me.

"Getting to meet all these different people.

"It’s been such a pleasure. And such a big honor."

Kahit busy na sa kanyang singing career, sinisikap ni Maria na maipagpatuloy pa rin ang kanyang pag-aaral.

Nasa Grade 6 na raw siya sa kanyang home study.

"I get to bring my homework around wherever I go," nangiti pa niyang sabi.

Aside from singing, may iba pa ba siyang pinapangarap?

"I really don’t know yet," sagot ni Maria.

"Pero I really want to learn more about music. And I really love to take voice lessons."

PINOY IDOLS. May mga crush na ba siya? Sino among our local celebrities ang medyo kinikilig na siya?

"I don’t really have a crush. But I really wanna work with... I mean, I really have a list of people I wanna work with.

"Uhm... Tito Gary Valenciano, I’ve met him and he’s one of those I really look up to. Also Tito Martin Nievera.

"And I guess I really want also to sing with Manny Pacquiao!" natawa niyang sabi.

May communication pa ba sila ni Lady Gaga?

"Actually, no. But I still communicate with her managers," sabi niya.

May pagkakataon kayang magkaroon ulit sila ni Lady Gaga ng panibagong project o concert sa darating na panahon?

"Uhm... no. None so far. But hopefully... I’ll be honored if I’ll have another duet with her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGING THE NATIONAL ANTHEM. Isa pang ikinaka-excite ni Maria ay ang biyahe niya patungong Las Vegas.

Siya kasi ang napili para kumanta ng Philippine National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez na itatanghal sa MGM Grand sa Nobyembre 12. (Nobyembre 13 sa Pilipinas).

Overwhelming daw para kay Maria ang ganitong pagkakataon. Isa na namang dream come true niyang itinuturing dahil number one fan umano siya ni Pacman.

Anong paghahanda ang ginagawa niya para sa makasaysayang pag-awit?

"Well, we went to the National Historical Commission.

"We met up with the people from there.

"Those are the people that, if you don’t sing it right, you’ll gonna get in trouble with them.

"So, we met up with them. We made sure that we’re gonna sing it properly.

"And we practice every day para ma-perfect ko ’yong Tagalog.

"Memorized ko na po ’yong National Anthem natin. Opo."

Ano naman ang kanyang unang reaksyon noong malaman niyang siya ang napili para umawit ng National Anthem sa pinakabagong laban ni Manny?

"Oh, I felt so amazed!" bulalas niya.

"And, you know, it’s such a big honor to sing the National Anthem for his fight.

"I love to support Kuya Manny. Not only to get to sing for him.

"You know, I feel so out of this world. I feel so amazed.

"And I just wanna thank everybody who helped me get here."

Kinakabahan ba siya dahil sa nakatakdang pagkanta?

"Of course, I am!" nangiting pag-amin ni Maria.

"Pero with the prayers of course, it will take it all away.

"And hopefully I’ll make the Filipinos proud."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN