Frencheska Farr still prefers Las Piñas home even with her condo unit nearer her workplace

Frencheska Farr on renovating her Las Piñas house: "Yun kasi ang promise ko sa parents ko noong manalo ako sa Are You The Next Big Star?. Papagandahin ko ang house namin, which is ginagawa ko na ngayon kahit paunti-unti. Ngayon ay may bagong blessing tayo because of Kokak, pandagdag na naman ’yon sa pagpapaayos ng house namin.


Pagkatapos ng Captain Barbell ay mapapanood ang Are You The Next Big Star? female winner na si Frencheska Farr sa bagong afternoon telefantasya ng GMA-7, ang Kokak.

Nagugustuhan na ni Frencheska ang umarte sa harapan ng kamera kaya na-excite siya nang isama ulit siya sa Kokak, na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati bilang si Kara.

Gaganap dito si Frencheska bilang si Rafa, ang nakababatang kapatid ni Roco (JC Tiuseco). Ang hanapbuhay ni Roco ay ang pagiging mandurukot.

Ayon kay Frencheska, "Sa sinabi nila sa aking role ko, hindi ko alam na ang trabaho pala ng Kuya Roco ko ay may kinalaman sa isang sindikato.

"Mahirap lang kasi kami dito at pinag-aaral niya ako.

"Then, makikilala namin si Kara noong maligaw siya sa Manila.

"Kami ang kukupkop sa kanya at mai-in love sa kanya ang kuya ko.

"Hindi rin namin alam na may mga naghahanap pala kay Kara dahil nagbabago pala ang anyo niya."

WALANG TULUGAN! Enjoy na si Frencheska sa pag-arte at hinahanda na niya ang kanyang sarili sa muling puyatan sa set.

"Sanay naman na ako sa ganyan," sambit niya.

"Noong nagte-taping nga kami ng Captain Barbell, inaabot kami ng madaling-araw sa taping.

"At first, hindi ako sanay. Madali kasi akong antukin.

"Nakasanayan ko nang matulog ng maaga. Pero nasanay din ang katawan ko sa puyatan.

"Nakikipagkuwentuhan na lang ako sa tent namin.

"May dala akong laptop at naglalaro ng games or nakikinig ako ng music.

"Basta maging busy lang ako para hindi ako antukin."

Kapag may show naman kinabukasan si Frencheska ay nakakapagpaalam siya nang maaga sa kanyang taping.

"Pinapaalam ko naman kapag may show ako the next day.

"Mahirap na kasi at baka malatin ako dahil inumaga ako sa taping.

"Pinapayagan naman akong umuwi ng maaga kapag alam nilang may singing engagement ako the next day."

FRENCHESKA MISSES DOING FILMS. Miss na rin ni Frencheska ang gumawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda kasi ang naging experience niya sa una niyang pelikula na Emir na idinirek ni Chito Roño.

Bukod kasi sa critically-acclaimed ang kanyang debut film, nahasa rin sa kanyang pag-arte si Frencheska dahil sa kanilang direktor.

Ani Frencheska, "Gusto ko ulit gumawa ng gano’ng kalaking pelikula.

"Nakakatuwa nga, kasi ang first movie ko malaking musical at nakatrabaho ko ang isa sa pinakamagaling na film director natin sa bansa.

"Sana nga, makagawa ulit ako ng gano’ng kagandang movie na pinalabas pa sa iba’t ibang film festivals abroad."

HOME IMPROVEMENT. Dahil sa maraming trabaho ni Frencheska, unti-unti na niyang naipapagawa ang kanilang bahay sa Las Piñas City.

Isa sa pangako ni Frencheska sa kanyang parents ay pagagandahin niya ang kanilang bahay.

"Paunti-unti ay napapaayos ko na ang house namin sa Pilar Village.

"Ayoko namang biglain lahat kasi marami rin kaming mga gastusin every day.

"Pero kahit papa’no, may mga improvements na sa dating house namin.

"Yun kasi ang promise ko sa parents ko noong manalo ako sa Are You The Next Big Star?.

"Papagandahin ko ang house namin, which is ginagawa ko na ngayon kahit paunti-unti.

"Ngayon ay may bagong blessing tayo because of Kokak, pandagdag na naman ’yon sa pagpapaayos ng house namin.

"Hopefully, sa pagpasok ng 2012 ay magandang-maganda na ang house namin," ngiti pa niya.

Kahit may sarili nang condominium unit si Frencheska sa Quezon City, gusto pa rin daw niyang umuwi sa bahay nila sa Las Piñas City.

Aniya, "Yung condo unit, isa yun sa naging prizes ko sa Are You The Next Big Star?.

"Parang half-way house ko lang ’yon kapag may Party Pilipinas ako tuwing Sunday.

"Kapag kailangan akong maaga sa studio for rehearsals, doon na ako tumutuloy.

"Pero mas gusto ko pa rin umuwi sa bahay namin sa Las Piñas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro dahil sanay na ako sa biyahe papauwi sa amin. Hinahanap-hanap ko yun, e.

"Tsaka namamahay ako. Hindi ako masyadong makatulog kung hindi ko sariling kama.

"Tsaka iba na yung lugar na nakasanayan mo, di ba?

"Nasa Las Piñas ang mga kaibigan ko at ilang relatives namin.

"At gusto ko pa rin yung nakikita ko ang kinalakhang kong neighborhood."

WHERE IS GEOFF? Marami ang nakapansin na wala na sa Party Pilipinas ang co-winner ni Frencheska sa Are You The Next Big Star? na si Geoff Taylor.

Pero ayon kay Frencheska, nakakontrata pa rin si Geoff sa GMA Artist Center.

"The last time na nakausap ko si Geoff, sabi niya ay nasa GMA Artist Center pa rin siya. Co-managed kasi siya with another manager.

"Gusto pa rin niya mag-Party Pilipinas, pero marami siyang shows na ginagawa abroad.

"Kaya hindi na siya makarating sa rehearsals because of his shows. Kaya nagpaalam muna siya sa Party Pilipinas.

"Sinabi rin niya na he wants to try out ang musical theater.

"He wants to explore a lot sa kanyang pagiging singer, which is good naman.

"I wish him well kasi magaling na singer si Geoff.

"And I hope na matupad lahat ng mga gusto niyang mangyari sa singing career niya," pagtatapos ni Frencheska.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN