Martin Escudero stops pursuing Sarah Lahbati so she can focus on her first lead role in a TV series

Martin Escudero on box-office success of Zombadings: "Siyempre, masaya. Hindi namin masyadong ine-expect ’yon. Sobrang umapaw yung tulong ng mga tao sa pelikula. Nagustuhan nila nang todo. Masayang-masaya talaga ako."


Very demanding daw ang Glamorosa, ayon kay Martin Escudero, isa sa cast members ng bagong primetime series ng TV5.

"Actually, sa set-up pa lang [ng TV program], demanding na. Talagang pinagtuunan nila ng pansin.

"Saka, hindi lang sa cast, pati sa pagalingan sa pag-arte.

"Kasi yung show, e, pataasan ng ere ang bawat character dito. Pero pantay-pantay naman kami dito," pagmamalaki sa kinabibilangang programa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa presscon ng Glamorosa noong Sabado, Nobyembre 5.

Dito sa Glamorosa ay ginagampanan ni Martin ang papel ng love interest ni Ritz Azul.

"Pero may mga twist na magaganap, kaya kaming apat," pagtukoy ni Martin sa kanila nina Ritz, Meg Imperial, at Victor Silayan.

FIRST TIME WITH LT. First time din daw niyang makatrabaho si Lorna Tolentino, kaya hindi raw nawawala sa kanya yung kaba sa tuwing kaeksena niya ang premyadong aktres.

Kuwento ni Martin, "Kasi pinanonood ko lang siya noon, e.

"Ngayon, sabi ng nanay ko, galingan ko raw pag kaeksena ko na.

"Nakaeksena ko na siya. Hindi pa naman ganoon kabibigat, pero magkakaroon din kami."

Inamin din ng aktor na na-intimidate siya kay Lorna.

"Nandoon na ’yon, siyempre. Kasi bukod sa magaling, maganda...

"So, focus talaga dapat para hindi magkamali.

"Nakakahiya naman," saad ng StarStruck alumnus.

KAPATID TALENT. Exclusive contract artist na ng TV5 si Martin Escudero.

Ang una niyang project dito ay ang teledramang Babaeng Hampaslupa.

Ayon pa sa aktor, masaya siya at kuntento sa plano ng TV station sa kanyang career.

Isa sa mga breakthrough indie films this year, ang Zombadings: Patayin Sa Shokot si Remington, ay pinagbidahan ni Martin.

Tumatak sa mga nakapanood nito ang role ni Martin na isinumpang maging bading dahil galit siya sa mga ito.

Kumita ang pelikula at nabanggit din ng aktor na hanggang ngayon ay ipinapalabas pa rin ito sa ilang sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pakiramdam niya na naging blockbuster ang Zombadings?

"Siyempre, masaya. Hindi namin masyadong ine-expect ’yon.

"Sobrang umapaw yung tulong ng mga tao sa pelikula. Nagustuhan nila nang todo.

"Masayang-masaya talaga ako," aniya.

May plano bang gawan ito ng second part?

"Wala pa akong balita kung may part two, e.

"Pero yung [ibang] mga pelikula, balita ko, early next year pa ako magkakaroon.

"Sa Regal, pero hindi ko pa alam yung buong detalye," banggit ni Martin.

COLD DECEMBER? Pabirong tanong namin sa kanya kung miyembro ba siya this year ng "samahang malamig ang Disyembre"?

"Lagi namang malamig ang Disyembre, kasi may snow na!" natatawang sagot ni Martin.

Sa panayam noon sa kanya ng Showbiz Central ay inamin ni Martin na nililigawan niya ang Kapuso star na si Sarah Lahbati.

Pero hindi niya raw muna pupursigihin ito ngayon.

Kasi raw, abala na rin ang aktres sa bagong TV program nito sa GMA-7, ang Kokak.

Ayon kay Martin, "Ngayon lang siya nagkaroon ng bida.

"Kaya sigurado ako nape-pressure din siya, kasi malapit na rin siyang ipalabas.

"Siyempre, isinasama ko siya sa dasal ko na umano [mag-rate] din yung show niya.

"Ayoko munang manggulo sa kanya."

Paano kung masingitan siya ng iba? Balita kasing nililigawan na rin ni Derrick Monasterio si Sarah.

"Kung loloobin ng Diyos... Siya na ang bahala doon," nakangiting sabi ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN