Lotlot de Leon clarifies rumored dispute with mother-in-law Pilita Corrales over daughter Janine’s showbiz career

Lotlot de Leon on possibility of talking again with Pilita Corrales: "Hindi naman sa hindi ako ready. Siguro, nadala na ako. To be honest, nadala na ako. It doesn’t mean I don’t have respect for her. It doesn’t mean I don’t want to. Tapos na ’yon e, matagal na. At saka ten years na. I have been separated for ten years already."


Tagahanga rin pala nina Lorna Tolentino at Alice Dixson si Lotlot de Leon, kaya laking tuwa raw nito nang maisama siya sa cast ng Glamorosa, ang bagong TV drama series ng TV5.

Hindi na raw nagdalawang-isip pa si Lotlot nang i-offer sa kanya ang project.

"Maganda yung role, and I also want to work with LT and Alice," sabi ni Lotlot nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay naganap sa presscon ng Glamorosa sa Meralco Lighthouse, Ortigas Ave., Pasig City, noong Sabado ng gabi, November 5.

Ngayong Lunes, November 7, magsisimula na ang Glamorosa, mula sa direksiyon nina Eric Quizon, Argel Joseph, at Joyce Bernal.

LOTLOT & HER SUPERSTAR MOM. Naitanong na rin ng PEP kay Lotlot kung bakit hindi siya nakasama sa nagtapos na mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.

Magandang oportunidad sana ’yon na makatrabaho niya ang ina na si Nora Aunor.

Aniya, "Wala. Walang offer.

"Nagte-taping pa kami ng The Sisters, nagsisimula na ang Sa Ngalan Ng Ina.

"Kasi, naglalagare na dun si Nadine [Samonte]."

Si Nadine ang bida sa The Sisters at kasama rin siya sa Sa Ngalan Ng Ina.

Totoo bang hindi pa sila nagkikita ng tinaguriang Superstar ng local showbiz?

Ani Lotlot, "Nagkita na kami. I saw her twice already.

"At nagkita na rin sila ng mga bata," aniya.

Nagkaayos na rin ba sila ng kaibigan ng ina niya na si John Rendez?

Sandaling tila alanganin ang aktres na sagutin ang katanungan, pero aniya, "Hindi pa rin naman din kami nagkikita, e.

"Ang tanda ko na para sa mga ganyang isyu!" ang natatawa pa niyang pahabol.

Balitang okey na raw sina Matet at John. Ano ang masasabi niya rito?

"Kasi ako, kung saan ako masaya, dun ako.

"Kung saan sila masaya, masaya na rin ako," sabi ni Lotlot.

MOTHER-IN-LAW. Sa nakaraang Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at sa OPM Awards kamakailan, marami ang nakakita na masayang nag-uusap si Nora at ang mother-in-law ni Lotlot na si Pilita Corales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malinaw na indikasyon na nagkaayos na ang dalawa, na nagkaroon din ng hidwaan noon.

Ano ang reaksiyon ni Lotlot tungkol dito?

"Ano kaya ang pinagkuwentuhan nila, ’no?

"Siguro, ’Ang sama ng ugali ni Lotlot!’" ang pabirong sabi ng aktres.

Nagkita na rin ba sila ni Pilita?

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin daw maayos ang relasyon ng dating magbiyenan.

"Hindi pa kami nagkakaroon ng chance.

"Kailan ko ba huling nakita si Mamita? Nagkita kami last year pa," banggit ni Lotlot.

Hindi pa ba siya handang makaharap muli ang ina ng ex-husband na si Ramon Christopher?

"Hindi naman sa hindi ako ready," sambit ni Lotlot.

"Siguro, nadala na ako. To be honest, nadala na ako.

"It doesn’t mean I don’t have respect for her.

"It doesn’t mean I don’t want to.

"Tapos na ’yon e, matagal na. At saka ten years na.

"I have been separated for ten years already.

"Siguro kung dadating man ’yon, dadating ’yon.

"Kasi I have been separated with Monch for ten years," paliwanag ng aktres.

Pero sinabi rin ni Lotlot na regular naman daw na dumadalaw ang mga anak niya kay Pilita.

"Yes, wala namang problema," aniya.

ANY DISPUTE? Nilinaw na rin ni Lotlot ang balitang muntik na nilang pag-awayan ni Pilita ang pagpasok ng anak na si Janine sa showbiz.

Balita kasing si Pilita raw ang gustong mag-manage ng career ng apo.

Sabi ni Lotlot, "When Mamita was pushing Janine to start in the industry, she was still in school.

"Nag-aaral pa siya nun. She just graduated kasi this March.

"So, nag-usap naman kasi talaga kami ni Monch na hindi siya papasok [sa showbiz] hangga’t hindi siya nakakatapos mag-aral.

"And when she graduated, my daughter approached me and she said, ’Mama, I think I’m ready to try out [showbiz].’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-usap kami ni Monch, sabi ko, ’I think if there’s one person na mas okey na mag-manage sa kanya, that would be me.’

"Kasi, at least, matututukan ko rin yung anak ko. Kahit papaano, medyo may alam din naman ako dito sa industriya."

Kumusta naman ang lovelife niya?

"Wala nga e!" ang natatawang sagot ni Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN