Gwendoline Ruais on winning as Miss World First Runner Up: "Sana po, lahat po kayo, proud sa akin."

Gwendoline Ruais: "So, hindi ko talaga inisip kung ano’ng mangyari, iniisip ko lang that I should do my best to make the Philippines proud, ’yon lang po nasa isip ko."


Masaya ang lahat sa tagumpay na nakamit ni Gwendoline Ruais bilang Runner Up sa 61st Miss World pageant na naganap kahapon, Nobyembre 7, sa Earls Court Two, sa London, England.

Si Lunasol Sarcos Colmenares ng Venezuela ang itinanghal na Miss World 2011. (CLICK HERE for related article.)

Sa panayam ng GMA News kay Gwendoline, inamin nitong kinabahan siya sa magiging resulta ng pageant.

Paliwanag ni Gwendoline, "Siyempre po, I’m competing against 112 gorgeous girls from all around the world. So, mahirap po ’yan."

FOR THE PHILIPPINES. Ang pagbibigay-karangalan sa Pilipinas ang naging motivating force para sa Pinay beauty queen, kahit na aminado itong ninerbyos siya sa kabuuan ng kompetisyon.

Aniya pa, "Kasi, you’ll never know what will happen.

"Pero, ’yon lang, nag-focus po ako sa sarili ko po.

"Hindi ko po inisip ’yong ibang kandidata, ako lang po and ’yong country ko po—’yong Pilipinas, of course.

"So, hindi ko talaga inisip kung anong mangyari.

"Iniisip ko lang that I should do my best to make the Philippines proud, ’yon lang po nasa isip ko."

Kaya naman sa kanyang pagkapanalo, ang mensahe ni Gwendoline sa ating mga kababayan:

"Sana po, lahat po kayo, proud sa akin.

"Ginawa ko talaga ’yong best ko para sa buong Pilipinas.

"Sana po, happy po kayo sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN